Sawa ka lang ba talaga o nakahanap ka na ng iba?

47 2 0
                                        

SAWA KA LANG BA TALAGA O NAKAHANAP KA NA NG IBA?
ni: Binibining Efrelyn

Ang lahat ay nagsisimula sa maayos at masaya, but for sure .. everything will end up like nothing happened.

Everything will change, no matter how much you want to stay the same.

"Cake?" I asked.

"No thanks!" she shook her head.

Dati, food buddy ko siya.
-

"Ahmmm... Can I borrow your phone?" She was shocked. Kaya nagulat din ako kasi dati, halos ako na gumagamit ng phone niya.

"N-No way! I need privacy sometimes...." Saad niya.

"O-Okay..." I let her do what she wants.

-

"Biancs! Tara coffee shop tayo?" Aya ko kay Bianca na kasalukuyang nakatulala sa cellphone niya.

"May lakad ako Miguel, baka sa susunod nalang na araw!" napaurong ang labi ko. Lagi nalang siyang ganyan kapag inaaya ko siya.

"Si-sige... Total, may taping naman tayo bukas e. Sure ka na ha? Baka tumanggi ka na naman!" bahagya itong napatawa.

Since we were kids, love team na kami ni Biance. Madami din ang tagahanga namin at binansagan kaming "Biguel".

Kinabukasan, katapos ng taping ay nagtungo ako sa tent ni Biance at naabutan ko siyang ibinababa ang cellphone niya mula sa pagkakatawag.

"Tara na?!" Masigla kong salubong na halatang nagulat siya.

"Ah-ahm... Migs, kasi ano... May emergency sa bahay at saka, need ako ni Mommy ngayon... Sorry..." Saad nito.

"A-ah... Sige Biancs! Baka kailangan ka do'n... Hatid na kita...." Hindi ko alam kung ramdam ba niya na mahal na mahal o siya o nagbubulag-bulagan lang siya.

"Sige..." Tipid na sagot nito.

Medyo matagal-tagal na din akong naghihintay na sagutin niya. No'ng debut nga niya ay public akong nagpaalam sa harap niya. Maraming tao ang nakasaksi kung pano ako nagpaalam. Ang saya sa pakiramdam kasi, sa araw na yun masaya pa kami. Hindi naman ganito dati e.

Dati, isang aya ko lang... Game agad siya.
But as time passes by, biglang nag-iiba ang meron kaming dalawa. Kahit na sets at taping, medyo cold na ang lahat.

I feel awkward pero di ko pinapahalata.

"Surprise!" bungad ko sa pinto ng bahay ni Bianca. Nasuot ito ng pang-alis at nagulat siya no'ng makita niya ako.

"Mi-Miguel? Bakit ka nandito?" Nagmamadali siyang lumabas at sinara ang pinto.

"I wanna surprise you.... Tara, date tayo?" I smiled but she shook her head.

"Miguel.... Hindi mo ba talaga ako makuha-kuha? I don't like being with you anymore..."I felt my chest being heavy.

Hindi na siya si Bianca.

"W-why?" I uttered.

"Kasi nakakasawa ka...." She replied.

Tanda ko pa yung araw na sinabi niyang mahal niya din ako. Kaya, malakas ang tiwala ko na balang araw, sakin siya babagsak.

And now, why she's telling me.... Sawa na siya?

"Bi-Biancs? May nagawa ba ako?" nanlalamig na ang katawan ko.

"Just stop bothering me. Pinaayos ko na ang lahat. Next month, after this movie... Hindi tayo yung 'Biguel' na hinahangaan nila. Let's end everything here!" Aalis na sana siya nang bigla kong hawakan ang kamay niya.

ONE SHOT COMPILATION | MIXED GENRESWhere stories live. Discover now