PWEDE BANG, AKO NAMAN?
"Kuya? Pahiram naman ako ng Tshirt mo! Wala na kasi akong masuot para mamaya sa date namin ni Cyril..." nangising pakiusap ng kapatid si Drake.
"Sige Drake. Kunin mo sa box ko yung bagong bili kong damit. For sure, bagay yun sayo...." he gave me hug bago nagtungo sa kwarto ko.
I'm his older brother and it's my obligation to provide him whatever he wanted. Kami nalang ang magkasama sa buhay kaya ako na rin ang tumayong ama at ina ni Drake.
"Kuya pahiram ako ng cellphone! Malabo kasi ang camera ko!" Agad ko din namang ibinigay ang cellphone na nasa bulsa ko
"Basta ha, pakita ako ng mga pictures niyo!" Dali-dali itong ngumiti at umalis.
Lahat ng gusto niya, ibibigay ko basta makakapagpasaya sa kanya. Sana, makapagtapos siya ng pag-aaral niya para siya ang magpatuloy sa pangarap na naudlot ko. 3rd year college na sana ako ngayon, kaso napatigil ako dahil sa pagkawala ng ina at ama ko.
"Kuya? Pahiram ako ng sapatos mo... Saka, pahiram na din ng sumbrero mo...." tumango lang ako ngumiti sa kanya.
Lahat, ibibigay ko. Para sa kanya. Ayokong maramdaman niyang nag-iisa siya sa bawat laban. Nandito ako, kasama niya ako.
"Kuya? Pahiram ako ng pera... Pupunta kasi kami ng sine at manood..." nang kapkapin ko ang bulsa ko't tiningnan ang loob. Tumambad sa akin ang sinkwenta pesos ko kung saan, hindi yun kasya. Yun nalang ang pera ko sa oras na ito.
"Drake... Pwede bang hindi ka nalang muna sumama sa kanila? Kulang pera ni Kuya e?" biglang nawala ang ngiti sa labi niya nang tinangihan ko ang kagustuhan niya.
" Pero kuya! Ako nalang ang hinihintay... Sige na kuya!"
"Drake wala nga akong per--"
"Napakawalang kwenta mo namang kapatid! Yun na ngalang hinihingi ko e... Di pa maibigay...." saad nito sabay sagi sa balikat ko. Hindi niya ba ako naiintindihan?
"Drake intindihin mo nam---ah---aray!" napatigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin na kasalukuyang nakadiin sa aking dibdib. Sumisikip ang dibdib ko at 'di ako makahinga ng maayos.
"Tch! Ano ba yan!" pagdadabog nito.
"I-ikuha m-mo nga ako ng t-tubig.." Utos ko dito. Nahihirapan akong huminga at hindi ko alam kung bakit.
"Kuya! Late na ako sa oras ng usapan! Ikaw nalang! Kaya mo na yan... Mauna na ako sayo!" Sigaw nito bago tuluyang umalis ng bahay. Mabilis na umagas ang mga luha sa mata ko at tila ba sinisisi ko ang sarili ko sa paggiging walang kwenta ko. Huminga nalang ako ng malalim at minabuting pakalmahin ang sarili ko.
Kasalanan ko ba ang maging ganito? Lahat naman ginagawa ko upang maging mabuting kapatid ngunit taliwas pala sa aking akala ang lahat ng sukli niya.
"Kuya? May babayaran kami sa school. 400! Saka, pahiram ako ng bag mo. Sira na bag ko!" kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi ngunit, wala akong ibang magawa kundi ang Ibigay.
"Bakit nasira ang bag mo?"
"Rambulan!"
"Rambulan?! Seryuso ka ba?! Drake! Pag-aaral ang atupagi---"
"NYE NYE NYE NYE!!! WAG KA NANG MAINGAY KUYA. PAULIT-ULIT KA NAMAN E! PATI BA NAMAN IKAW SESERMUNAN AKO?" Galit niyang tugon bago umalis sa harap ko at nagtungo sa kwarto. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang at bakit naging ganito ang lahat.
Nararamdaman kong sumasakit na naman ang ilalim ng dibdib ko at masakit kung huminga. Patagal ng patagal, nandidilim ang paningin ko't hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

YOU ARE READING
ONE SHOT COMPILATION | MIXED GENRES
Teen FictionThis story are originally written by Binibining Efrelyn. This is composed by different genre either short or long. Enjoy reading! Facebook: Binibining Efrelyn YouTube: Efrelyn Gaviola