ALAD DOSE, HIHINTAYIN KITA.
ni: Binibining Efrelyn"Maaaaa? Wala pa ba si Papa?" mausisa kong tanong.
"Nak, alas dose na gising ka pa? Matulog ka na!" Bumaba kasi ako galing taas upang hinatayin si Papa. Kasalukuyan kasi siyang nagbibilang ng pera na kanyang kinita mula sa paglalako ng gulay.
"Hinintay ko pa si Papa e. Sabi kasi niya, uuwi siya pag alas dose!" nakangiti kong sagot.
"Anak...malayo pa uuwi si Papa mo..." paliwanag niya. Imbis na makinig ay dumaretso ako sa bintana't naghihintay sa pagbabalik ni papa. Sabi niya kasi, babalik siya ng 12. Labing-limang taon palang ako ngayon at sa susunod na mga araw, 16 na ako pero wala siya.
Wala pa akong muwang sa mundo mula nang iwan niya kami upang magtrabaho sa ibang bansa. Noong una'y ayos lang sa akin ang pag-alis niya dahil pinaalala niyang uuwi siya sa pagsapit ng alas dose kaya't pinanghawakan ko iyon. Tuwing sasapit ang alas dose, daretso na agad ako sa bintana't naghihintay sa pagdating niya. Halos doon na din ako abutin ng antok at nagigising nalang ako na nasa kwarto ko na.
Maayos naman ang pagpapalaki ni Mama ngunit parang kulang pa din, at gusto kong makasama din si Papa. Noong una'y nakakapag-usap kami lagi. Sulat dito, sulat doon. Ngunit habang tumatagal, nagiging minsan nalang ang madalas na sulatan.
Hindi madali ang walang ama. Hindi madaling mag-isip ng mga bagay-bagay lalo na sa panahon ngayon. Gusto ko na siyang umuwi. Gustong-gusto!
"Nika! Umakyat ka na sa silid mo upang makapagpahinga...." ngumiti lang ako sa kanya at binaling muli ng mata sa bintana. Ayokong makaligtaan ang bawat hakbang ni Papa.
"Ma, malakas ang pakiramdam ko na uuwi siya sa birthday ko... Diba ma?" huminga lang nang malalim si Mama't tumango.
"Anak, darating si Papa pero, mga bukas p o di kaya sa susunod na bukas... Magpahinga ka nalang! Araw-araw kang puyat!" nagbitaw lang ako ng malalim na hinga.
"Matulog ka na po Ma... Kasi bukas, uuwi na si Papa..." malakas ang pakiramdam ko na makikita ko na siya.
"Nak...."
"Ma.... Kaya ko po na mag-isa..." tumango lang siya at kumuha ng unan sa taas at sa lapag natulog at 'di niya ako iniwan.
Ilang araw ang lumipas, ganoon ang nangyari. Naghihintay ako sa pagdating niya at sa araw na yun, Hindi ko na siya hahayaang mawala pa sa tabi ko. Hindi ko alam pero, nanghihina ang katawan ko. Nahihilo ako at 'di ko na alam kung saan patutungo ang katawan ko hanggang sa nawalan ako ng ulirat.
"Nak? Gising na. Andito na si Papa!" unti-unting nagliwanag ang paligid at nakita ko si Papa habang nakabuka ang mga palad upang ako'y yakapin. Agad akong tumakbo papalapit sa kanya upang yakapin siya at maramdaman ko ulit ang yakap ng ama. Walang mintis ang aking mga luha't patuloy na umaagas sa aking mata. Hindi ko maipaliwanag ang saya na aking nadarama no'ng mayakap ko siya. Ngunit patagal ng patagal ang aking pagkakayakap, parang unti-unti din siyang kumukupas.
"Wag kang mag-alala.... Pauwi na si Papa... Magkikita na tayong dalawa..." sambit nito na may ngiti sa labi bago tuluyang nawala.
Sinubukan ko siyang habulin ngunit pano? Kung ang lahat ng ito'y, isang panaginip lang? Sana hindi na ako nagising.
"Nak... Tulog na. Wag mo nang hintayin si Papa..." bulong ni Mama habang nakahawak sa dextrose na nakakabit sa aking kamay.
"Hindi Ma... Nakita ko si Papa sa panaginip niya.... Uuwi na siya Ma..." naluluha si Mama habang nakaharap sa akin. Ano ang nangyayari sa kanya? Ayaw ba niyang makasama si Papa ulit?
"Nak... Tama na... Bawal na sayo ang magpuyat.... Dahil sa puyat mo, nagka tumor ka n sa utak mo... Nak, Tama na oh... Wag nang hintayin si Papa... Hindi na siya babalik...." hagulhol niya. Anong hindi babalik? HAHAHAHA Mali! Babalik siya. Ano naman kung tumor? Wala akong pakealam, ang mahalaga makita ko si Papa. Miss ko na si Papa!
"Ma? Maririnig mo ba ang sarili mo?Babalik si Papa!" sinampal niya ako sa di ko malamang dahilan.
"Gumising ka na Nika! matagal nang patay ang Papa mo! Bata ka palang wala na siya. Hindi siya nag-OFW! Binaril siya sa harap mo nong kayakap mo siya. Hindi siya nagtrabaho o ano! Nika, wag mo nang pahirapan ang sarili mo. Yung mga gamot mo para sa trauma hindi mo pala iniinom! Kaya pala walang pagbago sayo... Nika... Wala na yung papa mo! Hindi na siya babalik! Gumising ka na sa katotohanan!" nanigas ang buong katawan ko sa sinabi niya. Ano bang sinasabi niya?
"Ma hindi! Umalis ka na! Si Papa ang kailangan ko hindi ikaw! Umalis ka na!" Sigaw ko't pinagtatanggal ang mga tube na nakaturok sa kamay ko. Ayoko ng gamot! Gusto ko si Papa.
"Anak tama na!" Sigaw niya.
"IKAW ANG TAMA NA! ALAM KONG BABALIKAN AKO NI PAPA!" sigaw ko habang humahagulhol. Hindi totoo ang lahat ng sinabi niya.
"Nika..." bulong nito't umiiyak.
"Ma... Babalik si Papa...." nakangiti kong sambit.
"Nika? Tara na?" Napabaling ako sa pintuan nang dumating si Papa na nakaputing barong. Ang gwapo niya sa suot niya.
"Oh Ma! Andito na pala si Papa! Ma? Mag-iingat ka dito ha... Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, pero sa ngayon kay Papa na muna ako sasama..." sambit ko habang pinpahid ang luha niya. Nag-iwan ako ng halik sa kanyang pisngi. Ayaw niya pa akong bitawan kaya umupo ako sa bintana't lumingon sa labas. Nag-iwan ako matamis na ngiti habang nakatingin sa labas. Lumingon ako kay Mama at niyakap ko siya sa huling saglit.
"Nak, wag mo iwan si Mama...." bulong nito.
"Ma, babalik ako.... Wag kang mag-alala..." nakayakap lang siya ng mahigpit sa kin habang umiiyak. Babalik naman ko e.
"Nak, sige na o... Wag mo iwan si Mama..."
"Ma, alas dose na... Andito na si Papa, aalis na muna ako ha? Mahal na mahal kita...." mahigpit kong pinilipit ang kamay ko sa likod niya't sinandal ang ulo ko sa balikat niya.
"Shhh sige nak... Magpahinga ka na! Mahal na Mahal ka din ni Ma---"
Hindi na natapos ang sinabi niya nang tuluyan na akong nagpakain sa dilim. Hindi ko na kaya.
Pa, magkikita na tayo. Magsasama na tayo.
Alas dose na, magkasama na tayong dalawa. Kaso pano si Mama? Sige, babalikan din natin siya.

YOU ARE READING
ONE SHOT COMPILATION | MIXED GENRES
Teen FictionThis story are originally written by Binibining Efrelyn. This is composed by different genre either short or long. Enjoy reading! Facebook: Binibining Efrelyn YouTube: Efrelyn Gaviola