Trip to Baguio.

10 2 0
                                        

TRIP TO BAGUIO
ni: Binibining Efrelyn

"Foods?" I offered.

"No thanks!" He replied with a cold voice.

"Drinks?"

"I said no thanks!" Ano na namang nakain niya?

"Tara? Lakad tayo!" Pag-anyaya ko sa kanya para atleast pagpawisan kami.

"Pagod ako.." tumango lang ako.

Anong nangyayari sa kanya? Kung sasabayan ko siya sa mood niya, paniguradong hindi namin maeenjoy ang trip namin dito.

"Love? Thank you sa pagpayag na dito tayo sa Baguio magcelebrate ng 3rd anniversary natin ha?" yan ang mga nabitawan kong salita sa kanya. Ngumiti siya at tumingin sa 'kin.

"Basta gusto mo, doon nalang din ako!"

3 years na kaming magkasama. Elementary palang siya na yung lagi kong kasama. Hanggang sa highschool, naging magbestfriend na kami at nang magcollege, he tried to court me. Hindi lang siya ang suitors ko that time but I love him since elementary kaya siya ang sinagot ko. May mga oras na 'di na kami magkaintindihan pero he never left me despite of my negativity.

"May problema ba?" Napapansin kong wala ito sa mood ngayon. Ewan ko ba, mula nang makarating kami dito sa Baguio, e wala na siya sa mood.

"Wala naman. Nilalamig lang ako!" saad nito. Nakasulukuyan kaming nakaupo ngayon dito sa bench. Nandito kami sa bundok ng Baguio, tanaw mula rito ang mga tanawin na natatabunan ng hamog. Sobrang lamig, kaya isang Jacket ay 'di kakasya para mainitan ka.

"May Jacket pa ako doo--"

"Ayos lang ako!" di pa nga ako natapos magsalita ay tinanggihan na niya ako. Simula pa nong bumiyahe kami papunta dito ay iba na ang kanyang kinikilos.

"Love? Sige na! may jack--"

"MARINEL! I SAID I'M FINE..." tinaasan niya ako ng boses. Napatigil nalang ako at 'di na nagsalita.

Napabuntong-hinga nalang ako. Isa sa mga bagay na ayoko ay ang tinataasan ako ng boses kaya nakakadismaya ang kanyang ginawa.

"S-Sorry... Nabigla lang ako..." paghingi niya ng tawad na hindi pa rin tumitingin sa 'kin.

Pinunas ko ang luha na namuo sa gilid ng aking mata dahil sa ginawa niya. Ano bang nangyayari sa kanya?

"May nagawa ba akong mali?" Naiiyak kong tanong. Dati, kapag may nagagawa akong mali ay tinatama niya pero ngayon? Kung meron man, Di ko alam kung ano pero kailangan bang malaman ko sa ganitong pamamaraan?

"Wala.." malamig na saad nito.

"TJ? Just tell me if you don't want here. Tell me as long as possible para makauwi tayo!" Tugon ko. Pinaglalaruan niya lang ang mga bato sa kanyang harapan

"No.. let's stay here.." mahinahong sagot nito. I just really can't understand what's happening with him. What's wrong? What's with us? Bakit ganito?

"Alam mo? Mula nong dumating tayo dito sa Baguio, you started getting colder as the weather. Nakikisabay ka sa lamig TJ! And I don't fvcking know why!" Medyo napalakas ang tinig ko. Sinubukan kong tumayo but he stopped me.

"Stay!" utos nito.

"Stay? Tapos ano? Kakausapin ko ang hangin? Sino kakausapin ko? Mga bato?" Naiiyak na ako. Nasasaktan na ako sa ginagawa niya! I don't freaking know what to do right now. Gusto kong malayo muna sa kanya kasi masakit na. 3rd anniversary namin pero bakit ganito? Bakit ganito yung regalo niya?

ONE SHOT COMPILATION | MIXED GENRESWhere stories live. Discover now