Dad, stay with me.

11 2 0
                                        

DAD, STAY WITH ME!
ni: Binibining Efrelyn

Collaboration of: Binibining Efrelyn and Anxious Rhett

I'm Rhelyn and I'm a daddy's girl. I really love to play with Dad. He really know what I want, that's why we're so close.

"Daddy, I have a good news!" mom shouted

Lumapit sa'min si Mom at may hawak siya na kung ano.

"I'm pregnant! Magkakababy na ulit tayo"

Yehey! Magiging ate na ako! Hinawakan ko ang tummy ni Mom.

"Hello baby, I'm your ate!" Galak na galak kong tugon.

"So for now, we need to eat muna okay?" sabi ni Mom na sobrang saya

"Yes Mom! Let's go Dad!" hinila ko na sila papasok sa loob ng bahay

Habang kumakain kami biglang nag open ng topic si Dad.

"What if magvacation tayo sa province namin?" tanong ni Dad

"Magandang idea 'yan Daddy para makita na ni Rhelyn ang lola niya," saad ni Mom

"Excited na ako, I want to see my lola," sabi ko kay Mom at Dad

"So kailan Mommy?" tanong ulit ni Dad

"Sa birthday ni Rhelyn"

Wahhh! Sa birthday ko? That is the best gift ever! A family vacation with them.

Bago pa man sumapit ang birthday ko, sana'y lumabas na si baby. And I think magkakasundo kami because she's a girl! Lagi ko siyang iipitan then maglalaro kami ng puzzles. Iniimagine ko palang, ang saya-saya na.

Pero ang takot ay 'di ko maiwasan. Takot na baka sakali ay mawala na ang pagmamahal nila sa 'kin kasi ang atensyon nila'y matuton na sa aking kapatid.

"Rhe-Rhelyn? Are you okay?" Tanong sa 'kin ni Dad habang nakayakap sa 'kin.

"Opo.." mahinahon kong sagot.

"Sigurado ka baby? Sabihin mo na kay Daddy!" pagpipilit nito.

"Kasi Daddy...natatakot po ako!" He consiously looked at me.

"Bakiy ka naman matatakot? May multo ba?" natatawa nitong tanong.

"Hindi po! Ano po kasi.... Natatakot ako na baka pagmanganak na si Mommy... Makalimutan niyo na ako! Natatakot po ako baka di niyo na ako mahalin" tugon ko dito.

"Naku naman! Nagpapalambing lang itong ate namin! Syempre naman hindi... Syempre pantay lang yun! Kahit naman may baby na tayo, isa ka pa rin sa baby namin! Kaya wag ka ng malungkoy diyan!" Pinuno ni daddy ng halik ang aking mga pisngi.

Tulad nga ng sabi ni Daddy. Hindi ako nagpadaig sa takot, sa pangangamba at selos. Hinayaan ko nalang na tumakbo ang mga bagay-bagay.

Lumipas ang 7 buwan at 9 months na ang tiyan ni mama. Kahit na kabuwanan na niya ay hindi sila nag-alinlangan na bumiyahe. Sa susunod na linggo ay kaarawan ko na.

"Ready na ba? Tara na!" ngayon ang araw na aalis na kami papuntang probinsya. Excited na ako na makita sina lola at lola.

"Opo mommy!" Sigaw namin ni Daddy at nagtungo sa loib ng sasakyan.

Hindi umabot ng 3 oras ang biyahe namin at nakarating kami sa probinsya at sinalubong kami nina lolo at lola.

"Eto na ba si Rhelyn? Aba'y napakalaki na ng batang eto ah!" Salubong sa 'min ni Lola.

"Hello po lola at lolo!" nagmano ako sa kanila.

"Aba'y magalang na bata!" tugon ni lolo.

"Oh tara na!! Pumasok na kayo sa loob at ako'y naghanda ng pagkain!" Pang-anyaya ni lola.

ONE SHOT COMPILATION | MIXED GENRESWhere stories live. Discover now