A STEP TO REMEMBER
Genre: Comedy
ni: Binibining Efrelyn
"Sa bawat hakbang mo, buhay mo ang nakasalalay o ng pamilya mo..." Bulong nito sa bihag niyang nasa gitna ng dilim. Walang ibang nakikita kundi and madilim na paligid.
Hindi lamang isa o dalawa ang nakakaranas ng panghuhusga, pang-aalipusta, kutya, bully o ano pa man na maaring ikasira ng buhay.
Si Yttrium ay kilala bilang si Riu, isang binatang nagmula sa nayon ng Bizarre. Isang binatang laging nabibiktima ng mga panghuhusga mula sa ibang tao. Siya ang laging nakikita ng mga tao pagkat hindi manlang nito magawang lumaban at ipaglaban ang kanyang sarili mula sa mga ito. Iba't iba rin ang kanyang napagdaanan mula sa kamay ng iba at walang ano man na naririnig mula sa kanya. Ngunit ani nga nila, lahat ay natatapos sabay ng pagtatapos ng mga buhay na nakagapos.
"Hey dude! You're so weird huh!" saad ng isang lalaking nakasalubong ni Riu nong pauwi na siya ng bahay. Siya si Garry, isa sa mga kinakatakutan sa bayan. Isang siga na walang awang nambubugbog ng mga walang kalaban-laban.
"Tapos yung name mo pa, Yttrium? Duh? Ano ka periodic table of elements?" Tugon ni Sanny sabay dura sa mukha ni Riu. Napayuko lamang ang binata at hindi nalang lumaban pagkat alam niya ang kahahantungan kong siyang magtapang-tapangan sa harapan ng magsyotang si Garry at Sanny.
"Boy? Napakahina mo talaga! Kaya kayo laging naaapi dahil sa kahinaan niyo!" Nagpatuloy sa paglalakad si Riu at hindi na lamang umimik ngunit nang malagpasan niya ang magkasintahan ay bigla siyang pinalo ng isang malaking kahoy sa kanyang paanan kaya napadaing siya dahil sa sakit.
"Pasalamat ka at yan lang ginawa ko sayo! Pasalamat ka dahil 2nd anniversary namin ngayon!" Sabay halik sa kanyang kasintahan at tumalikod.
"Wala akong pakialam kung ilang beses niyo man akong bugbugin. Atleast wala akong ibinigay na rason upang gawin iyon. Maybe I'm weak but God knows how to save me from this! Matatapos ang lahat Garry... Wag kang makampante!" lumingon pabalik si Garry at pinagpapalo ng paulit-ulit si Riu nang walang kalaban-laban.
"Prrrrrrt!" Pito ng mga tanod kaya't kanya-kanyang nagsitakbuhan ang dalawa.
Nang matapos siyang pagpaluin ay nanghihina na ang katawan ni Riu. Nanghihina sa sakit at nanginginig na dahil sa lakas ng mga palong kanyang natanggap. Samahan pa ng dura na ginagawa ng mga magkasintahan.
Gabi na ng makauwi si Riu sa kanilang tahanan. Nag-iisa na lamang si Riu na naninirahan sa kanilang bahay. Ang kanyang ama ay sumakabilang buhay at ang kanyang ina naman ay nasa kabilang bayan lamang ngunit ni pagdalaw ay 'di magawa ng kanyang ina. Ang tanging balita niya ay may mga anak na ito. Malaki ang galit niya rito pagkat iniwan lamang siya ng kanyang ina sa lola niya at anh kanyang lola'y pumanaw na mahigit 10 taon na ang nakakalipas.
"Garry?" mapaglarong tawag ni Raymond. Alam na alam ni Riu na ang pakay na naman nito ay ang pagtripan siya kaya nagtago ito sa ilalim ng katre.
Si Raymond, Lance at Xander ang tatlong lalaking magkakapatid na madalas dumadalaw kay Riu upang utus-utusan ito at kung hindi naman sumusunod si Riu ay pinapaliguan ito ng mainit at kumukulong tubig. Minsan naman ay pinapasok nila ito sa isang sako at pinapaduyan-duyan sa labas ng bahay nila hanggang sa hindi ito makahinga.
Kaya't sa tuwing naririnig ni Riu ang boses ng mga ito'y sinusubukan niyang tumakas mula sa kanila pagkat alam nilang may balak na naman itong hindi kaaya-aya.
"Riu? Nasaan ka? Nandito na naman kami! Let's play a game again!" Patawa-tawang tugon ni Lance habang papasok ng bahay.
Nang makapasok sila'y napansin nila na wala roon si Riu kayang hinalughog nila ang buong bahay.

YOU ARE READING
ONE SHOT COMPILATION | MIXED GENRES
Teen FictionThis story are originally written by Binibining Efrelyn. This is composed by different genre either short or long. Enjoy reading! Facebook: Binibining Efrelyn YouTube: Efrelyn Gaviola