PRRRRT!
ni: Binibining Efrelyn"PRRRRRT" pito sa 'kin ng police officer. Hinarang niya ako sa daan. Nakapagtataka't dala ko naman ang quarantine pass ko't alas 8 palang. Ang curfew ay 9 pa. Wala akong ibang nagawa kundi ang pumara sa harap niya. Baka nga may kailangan lang siya.
"Sir? May quarantine pass po ako! Pupuntaha-----" agad niyang tiningnan ang quarantine pass ko.
"Alam mo ba ang 1 meter distance policy?" tumango lang ako at nagsalubong ang dalawang kilay. Hindi ko siya maintindihan.
"Miss Emelyn? Alam niyo rin bang bawal ang mag-angkas?" Lumingon ako sa likod ko pero bago pa man ako nakalingon ay biglang umihip ang hangin kaya't napuwing ako.
"Si---"
"Miss? May penalty ka ng 2,000 dahil sa 'di pagsunod ng batas. At dalawa pa talaga ang angkas mo ha?" nalisik ang aking mata at gulat na gulat sa narinig.
"Sir Wala po akong angkas!" Natawa lang ang police.
"Sir?Dalawang babae ba ang nakikita mo?" tumango ito at nanindig ang balahibo ko.
"Si-Sir? Papunta palang po ako kay Iva at Unnice, Nagsalpukan po ang motor nila sa Isang truck...." napaurong ang lalaki sa kanyang narinig.
"Yu-yung sa isang baranggay? Si-sige Iha... Mag-ingat ka!" tugon nito habang nakatingin sa aking likod. Marahil ay nakatingin sa kanila sina Iva at Unnice.
Bago pa umandar ak motor ay naramdaman ko ang paghawak nila sa bewang ko."Emelyn..... Sumama ka sa 'min ..... hi...hi..hi..hihi..." matinglis nitong tugon.
Biglang may dumaang truck sa harap ko na halos wala na akong makita dahil sa liwanag. Ilang segundo pa'y nakita ko na lamang ang aking sarili na hinahabol ang aking hininga't malabo na ang aking paningin. At naroon sina Unnice at Iva nakangiti.
"Kung hindi mo sana kami prinank na nagsuicide ka... Edi sana hindi kami nabunggo sa truck..." tugon ni Iva. Yes! April fools! And I hate it. Edi sana hindi nangyayari ang lahat ng to.
"Hanggang kamatayan.... Bestfriend goals pa rin tayo..." tugon ni Unnice habang tumatawa hanngang sa mawala na ako sa aking sarili.

YOU ARE READING
ONE SHOT COMPILATION | MIXED GENRES
Teen FictionThis story are originally written by Binibining Efrelyn. This is composed by different genre either short or long. Enjoy reading! Facebook: Binibining Efrelyn YouTube: Efrelyn Gaviola