BABAE AKO NA AYAW BASTUSIN
ni: Binibining EfrelynBabae ako, babae ang mama mo.
Babae ka, babae ang ate mo.
Babae ka, respetuhin mo ang sarili mo.
Respeto, hindi galing sa kanino.Sabi nila, Ito yung paraang pampalakas ng kalooban.
Sabi ko naman, wala namang masama kung yun lang.
Magsuot ka ng short? Okay lang yan!
Magsuot ka ng spaghetti? Okay lang din yan.Walang masama kung 'STYLE' lang ang pinag-uusapan.
Alam ko namang sa panahon ngayon,
Pati sa damit may labanan.
Walang masama diyan.Pero kaibigan, yung halos ilabas mo na ang pwet at kasuluksulukan ng katawan?
Maghunos-dili ka naman,
Dinadamay mo ibang kababaihan.Tiktok at Fb, ang daming papansin.
Para kayong uuod na binudburan ng asin.
Kulang nalang maglumpasay para kaawaan ng reaksyon.
Hindi ka ba nahihiya? Sabagay, kagustuhan mo pala 'yon.Ang dami kong nababasa,
Humihingi ng respeto ang iba.
Nakakatawa ka,
Sarili mo'y pinagmumukha mong tanga.Humihingi ka ng respeto,
Pero ut"*ng mo nakadisplay sa publiko?
Ano ka? Santong kabayo?
O, gusto mo kami pa lumuhod sa harap mo?Eto namang iba, Sabi nila lipunan ang problema.
Pansin niyo ba, tahimik ang lipunan kung walang pabida.
Kung hindi ka uhaw sa atensyon ng madla,
Hindi ka sana nakahain sa lamesa.Ngayon, sabi pa nila normal lang sa Pilipinas na maging chismosa.
Pagnakaapak daw sa Pilipinas ang iyong mga paa,
Maghanda ka nalang daw sa iba't ibang sasabihin ng iba.
Pilipinas, Pilipinas daw ang problema.Mag-isip ka nga,
Alam mo namang nasa Pilipinas ka,
Bakit mo yan ginagawa?
Bakit parang kasalanan pa ng Pilipinas?Ayaw mo sa Pilipinas?
Sige, Doon ka sa lugar kung saan pwede kang gumanyan.
Alam kong demokratiko ang ating bansa,
Pero hindi ibig-sabihin na lahat pwede mong magawa.Sa pagsayaw ay walang masama,
Sa pagkuha ng larawa'y wala.
Alam mo yung masama?
Yung pati pagkababae mo, nagiging malaswa.Hindi Pilipinas ang problema.
Hindi lipunan ang mapanghusga.
Hindi ako na gumawa ng tula,
Kundi ikaw, na siyang paksa ng aking likha.Uulitin ko, magsuot ng bikini, short, spaghetti, dress o kahit ano pa ma'y walang masama.
Pero sana alam mo ang limitasyon, para Hindi ka kawawa.
Kung ayaw mo maging laman ng social media't ikaw ang masama,
Gawin mo ang tama.Hindi ako nagsasalita bilang manunulat,
Nagsasalita ako bilang isang babae na gustong magmulat,
Sa mga katotohanang hindi lahat ng babae walang respeto sa sarili.
Hindi ako nagmamalinis, bahala na kung sino ang mainis.Alam kong may mga matatamaan at tatahol na naman.
Pero naniniwala akong, ang iba sa mga kababaehan pagod ng madamay sa kasalanan iba ang dahilan.
Pagod na kaming husgahan,
Pagod na kaming pagbintangan.Gusto namin ng respeto,
Ngunit dahil sa pinaggagawa ng iba,
Pati kami, nadadamay at binabastos,
Mabigat sa dibdib, na nakikitang pinaglalaruan ang kababaihan.Pero anong magagawa ko?
Sira na ang imahe namin para sa karamihan.
Anong magagawa ko?
Respeto ng tao'y tila nababawasan.Kaya please lang,
Tama na. Nakakadamay na kayo ng iba.
Respeto,
Paulit-ulit na salitang binabanggit sa tulang Ito.Iyon rin kasi ang salitang,
Hindi maibigay sa sarili ng ibang kababaihan.
Respetuhin mo muna ang ikaw,
Bago ka sa repeto ng iba'y maging uhaw.At sa ibang tao naman,
Wag din masyadong maging judgemental,
Hindi sa lahat ng bagay,
Nakaayon lang din sa inyong kagustuhan ang aming ibibigay.Babae ako,
Nagkakamali...
Nadadapa...
Nasasaktan.

YOU ARE READING
ONE SHOT COMPILATION | MIXED GENRES
Teen FictionThis story are originally written by Binibining Efrelyn. This is composed by different genre either short or long. Enjoy reading! Facebook: Binibining Efrelyn YouTube: Efrelyn Gaviola