Dagli

2 2 0
                                        

DAGLI
ni: Binibining Efrelyn

"PAPAAAAA!!" tawag ko Kay papa habang pinagmamasdan siyang papalayo mula sa kinatatayuan ko.

"Shhhh Lexie!Stop!" Di ako nagpatinag at patuloy pa rin ang aking pagsigaw upang kunin ang atensyon ni papa at balikan ako.

"Nak,Kailangan ko tong gawin...." he shouted.

"Paaaaa!!!!!! Please no! Wag mo ko iwan pa!" Sigaw ko dito habang umiiyak. Naglakad na papalayo at palabas si Papa kaya mas lumakas ang aking iyak at sigaw upang balikan lang ako dito.

Ayoko dito.
Ayokong mawalay sa kanila.
Ayoko dito.
Ayokong Iwan ako dito.

"Lexie, Sana maintindihan mo yung papa mo kung bakit Niya ginawa to!" Matalim akong tumingin sa babaeng nag-aabot ng pagkain sa 'kin. Bakit? Dahil ba sa kahirapan? Dahil ba walang magbabantay sa 'kin?

"BAKIT KAILANGAN AKONG IPAMPON?BAKIT KAILAN AKON IWANAN DITO? KASI DI NIYA AKO MAHAL..." Sigaw ko dito.

"Lexie! Siya nalang ang meron ka! Siya nalang ang nag-aalaga sayo! Ginawa Niya to kas----" Tinapon ko ang pagkain na kanyang inabot. Ang kailangan ko si Papa! Wala ng iba.

"Kasi may nakakahawang sakit ang papa mo! Malubha na kaya kailangan ka ng dalhin dito! Inisip Niya lang ang kapakanan mo! Ayaw Niya na mahawaan ka Lexie!" bigla akong napaiyak dahil sa sinabi Niya.

"Si-sinong mag-aalaga sa kanya?A-ate! Ibalik niyo papa ko! Kawawa naman siya ate!" hinawakan ko ang braso Kiya at nagmamakaawang ibalik ako Kay papa. Walang magbabatay sa kanya,walang mag-aalaga sa kanya.

"No Lexie...."

"Ate please.... Ibalik niyo ako sa papa ko kailangan Niya ako! Ate please lang ho!" Nagmakaawa ako sa kabilang hanggang sa abot ng aking makakaya ngunit hindi nila ako pinalabas.

Hanggang dumating yung nga raw na nalaman ko na lang na naagnas na ang bangkay ng aking ama sa Isang sulok ng kanto.

Wala akong ibang magawa kundi ang umiyak,
Wala akong ibang magawa kundi ang lumuha.
Wala akong ibang magawa kundi ang manatili sa loob ng bahay ampunan.

ONE SHOT COMPILATION | MIXED GENRESWhere stories live. Discover now