PULBOS

7 3 0
                                        

PULBOS
ni: Binibining Efrelyn

"Sis?May pulbos ka?" tanong ko sa katabi ko.

"Huy Dina?May pulbos ka?" tumango naman eto at kinuha ang pulbos sa bag niya. Di pwedeng matapos ang araw na di ako nakakapulbos HAHA ayokong lumabas na haggardeous ang fezzz ko.

"Eto Julliana oh!Ibalik mo nalang katapos!" Paalala nito.

"Kala mo naman nanakawin ko to HAHAHA Kalma ka lang sis. " Agad akong naglagay sa kamay at naglagay sa mukha ko.

Napatigil ako ng nakatingin ng masama sa 'kin si Kurt.

"Yes?Baby?Why?Is there something wrong?" tinaasan Niya lang ako ng kilay. What the fuck Kurt, You're too childish.

"ANO NGA KASI PROBLEMA?" Sigaw ko habang pinagpapatuloy ang pagpupulbo ko at liptint.

"Ba't ka ba kasi laging nagpupulbo tuwing malalabas na ng room? Liptint mo napakakapal! Ano bang ginagawa mo?Bakit?" Napakaseloso naman nito oh!

"Babe?Ayaw mo bang fresh yung girlfriend mo paglalabas ng room?Gusto mo na magmukha akong dragon sa labas?Ha?" Tinaasan Niya pa rin ako ng kilay. Tumayo siya at lumapit sa 'kin at nagsimulang tanggalin yung Liptint ko.

"Ano ba Kurt! lagi nalang ba tayo mag-aaway dahil sa pulbos at liptint na to?Tangina naman e!Ano bang ginawang kasalanan sayo ng pulbos at liptint na to?Ha?" galit na galit kong tanong. Natahimik siya at tumigil sa pagtanggal. Nakita ko siyang nakapout at umaarteng bata.

"Pinapagalitan mo ba ako?" With a pouted lips. Shet! Kung di ka lang talaga mahal ng babaeng pinagbabawalan mo ay nasapak na kita Kurt naku!

"Ikaw kasi e!" turo ko sa kanya.

"Ayaw ko lang naman na may mainlove sa 'yo! Ayoko na may makapansin sayo kasi lagi lang fresh. Ayoko lang naman na may makaagaw sa 'kin e! Ayokong mawala ka! O baka naman ay may iba ka nang gusto kaya lagi lang nakapulbo't liptint?Ha?" Nakayuko't nakapout sa gilid ng upuan. Naku naman!Ewan ko kung magagalit ba ako o kikiligin deputang Kurt na to!

"Grrrrr halika nga rito! Bakla ka ba?" sinamaan Niya ako ng tingin saka lumapit.

"Sorry!" parang bata talaga to,Pero kahit Ganito to?I feel so lucky on him. He's so perfect!

"Halika,I want you to know na di ako nagpupulbo kasi Amy bago ako! Ayoko lang na magmukhang karabao sa labas na madaming putik sa mukha ha?And Ikaw lang naman yung mahal ko e! Don't worry babe! Next time,di na ako magpupulbo at magliliptint! Saka kung gusto mo,Di na rin ako maligo at magtoothbrush!Ganon kita kamahal!!" Saka ko siya niyakap ng mahigpit at sinasakal ng yakap ko.

"Babe naman e...Seryuso ako!"

"Seryuso din ako! Kaya tumigil ka. Tara na! Uwi na tayo!" Tumango lang siya at ngumiti.

He's actually my ideal man. Seloso siya at madaling magtampo Pero malambing at mapagmahal. I will never leave him,Bahala kayong humanap ng sa Inyo.

ONE SHOT COMPILATION | MIXED GENRESWhere stories live. Discover now