TULA

14 2 0
                                        

KAILANGAN NA NGA BANG MAGPAALAM?
ni: Binibining Efrelyn

Pa'no ba ako magsisimula?
Mula ba sa una hanggang sa ika'y nawala,
O mula sa wala ka na patungo sa kung pano tayo nagsimula?

Eto na naman ako,
Muling gagawa ng tulang para sa iyo,
Susubukan na namang itugma,
ang mga letrang na sa aking dila.

Halo-halo ang mga letra't kataga,
Ngunit may tanong ako, ako'y mahal pa ba?
Isang sagot, ang katanunga'y mapapawi na.
Isang sagot, upang puso't tuluyang makalaya na.

Sa bawat titig mo, ramdam ko ang saya.
Ngunit hindi ko nabasa sa iyong mga mata,
Ang mga bukas, dahil tanging saya ang lamang ang bumabakas.
Kaya't hindi ko nakita na ipagpapalit mo rin ako sa iba.

Ang ala-alang mabubuong kasama ka, tapos na.
Ang mga tawa na hindi na ako ang gagawa.
Ang mga masasayang kahapon, wala na..
Naglaho na.

Hindi ko alam kung paano ako magsisimulang kalimutan ka.
Ang tanging alam ko lang, ngayo'y Naguguluhan pa.
Bakit?Saan?Paano?Kailan? Bakit nagsawa ka ng hindi ko alam?

Bigyan mo nga ako ng kunting dahilan,
Upang puso't isip ko'y maliwanagan.
Mahal, sagutin mo naman ang mga tanong ko.
Kung bakit hanggang dito nalang tayo.

Ewan ko ba, Kailan pa ba? Kaya ko pa ba? O kaya pa ba nating dalawa?
Kasi ang alam ko, sawa ka na sa meron tayong dalawa.

Ngayon, alam na ba natin ang sagot sa tanong na kailangan na nga ba nating magpaalam?
Dahil kahit anong gawin Kong laban, kung ayaw mo na... magagawa mo pa rin akong sukuan.
Kahit ilang beses pa akong magmakaawa, kaya mo akong iwanan.

Kung tapos na talaga, sige.. umalis ka na dahil alam kong magiging masaya ka na.
Magiging masaya ka sa piling ng iba.
Dahil kung doon ka naman talaga masaya, papalayain na kita, kahit na masakit para sa akin yung bitawan ka.

Hindi mo kailangan na magpanggap,
Kung hindi na ako, wala na akong ibang magagawa kundi ang umiyak.
Ipapanalangin ko nalang na sana'y makahanap ka ng taong makakasama mo sa iyong mga pangarap.

Ang hirap sabihin na malaya ka na.
Pero mas mahirap yung nakikita kitang hindi na masaya.
Nagpapanggap na mahal pa rin ako kahit hindi naman talaga.
Dahil magmumukha lang akong tanga.

Bibilang ako ng tatlo, makakaalis ka na.
Isa, mahal pa rin kita.
Dalawa, kaso lang may mahal ka ng iba.
Tatlo....Kaya paalam, Malaya ka na.

ONE SHOT COMPILATION | MIXED GENRESWhere stories live. Discover now