IKAW ANG AMING PAA
ni: Binibining EfrelynAma?Nasaan ka?
Sana'y mabasa mo ang tulang ginawa,
Ngayon, Ikaw ang aking paksa.
Ikaw ang gagawan ko ng tugma.Ayun sa kanila'y ama'y haligi ng tahanan,
Ngunit maliban dito'y ikaw ang aming paa't sandigan.
Ikaw ang lakas at kahinaan,
Ikaw ang aming inaasahan.Sa panahon ng kahirapan,
Kayo ni Ina ang natatakbuhan,
Ngunit sa tuwing kayo'y nahihirapan,
Natitiis niyo, Kahit pa hanggang kamatayan.Kayo ang takbuhan kapag may kailangan,
Pambili ng luho at kagamitan,
Kayo ang takbuhan,
Kapag ako'y tinakbuhan na ng kapalaran.Sa bawat laban ng buhay, kayo'y kasama.
Sa bawat pagbagsak, kayo ang kumalinga.
Sa bawat pagsabak, kayo ang sumangga.
Sa bawat pagkadapa,Kayo ang nag-aruga.Bilad sa araw ang inyong trabaho,
Kumakayod maghapon hanggang sumakit ang buto,
Walang tigil at walang pahinga,
Dahil ikaw ang inaasahan ng pamilya.Ikaw ang naging haligi ng tahanan.
Ikaw ang padre de pamilya na walang inuurungan.
Ikaw ang naging paa't sandigan
Sa mga oras ng laban?'Di mo kami sinukuan.Maharil ay hindi ako katulad ng iba,
Hindi ako madalas na nag-aI love you Pero mahal kita,
Alam ng sarili ko na ikaw ang pinakadabest na papa,
Ikaw, wala nang Iba pa.Sa tuwing kayo'y nakikitang pagod na,
Ang aking luha'y umaagos na.
Unti-unting napupunit ang aking dibdib,
Wala akong magawa kundi ang tumitig.Ilang beses na akong nawalan ng pag-asa,
Ngunit sa tuwing tinitingnan ko kayo'y aking nakikita,
Kung bakit kailangan Kong magpatuloy,
At kung bakit kailangan kung tawirin ang tulay,
Tulay patungo sa magandang buhay.Ako'y isang anak,
Anak na madalas nagbibigay ng sakit sa ulo,
Makulit at mukhang siraulo,
Pero iisa lang ang aking pangako,
Magtatapos ako para sa inyo.Ama, Ikaw ang buhay ng pamilya.
Ikaw ang bumubuhay at naghahatid pag-asa.
Ama, ikaw ang lahat ng pamilya.
Wala kami,kung wala ka.Salamat sa hirap at sakripisyo,
Aking pasasalamat ay hanggang dulo.
Salamat sa lahat ng pagmamahal,
Hanggang kamatayan,Ikaw ang pasasalamatan.Ama, hindi kalang basta haligi ng tahanan,
Ikaw ang ama na siyang naging ama'y sandigan.

YOU ARE READING
ONE SHOT COMPILATION | MIXED GENRES
Teen FictionThis story are originally written by Binibining Efrelyn. This is composed by different genre either short or long. Enjoy reading! Facebook: Binibining Efrelyn YouTube: Efrelyn Gaviola