TULA

69 2 0
                                        

IKAW ANG HULING PAKSA BAGO TULUYANG MAKALAYA
ni: Binibining Efrelyn

Tagu-taguan, asan ang liwanag ng buwan?
Pagbilang ng tatlo, ika'y aking kakalimutan.
Isa... Dalawa.... Dalawa.... Mahal, Hindi ko kaya.
Hindi ko kaya, na wala ka.

Isang araw, bigla kong naalala ang lahat.
Dating kahapon na tayo'y masaya't iyon ay sapat.
Kahapon na puno ng ligaya ang panahon.
Kahapon.... At hindi na ngayon.

Ang dating tayo'y biglang lumipas.
Puro sakit ang naramdaman sa dumating na mga bukas.
Kitang-kita sa mga mata ang mga bakas.
Ang mga bakas ng mga luhang sa aki'y pinaranas.

Sana nga'y sa pagbilang ng tatlo,
Lahat ng sakit ay maglaho.
Para naman matahimik na ang puso,
Ang pusong pagod na't gusto ng sumuko.

Kaso hindi ganon kadali,
Ang hirap tanggapin na ika'y wala na sa tabi.
Na kahit kaila'y Hindi na makikita ang ngiti,
Dahil wala na, tapos na ang bawat sandali.

Iniwan mo akong nalulumbay,
Nangungulila't halos mamatay.
Wala na akong magagawa kahit na maglumpasay,
Sige mahal, magpahinga ka na diyan aa kabilang buhay.

ONE SHOT COMPILATION | MIXED GENRESWhere stories live. Discover now