The boat is sinking

4 1 0
                                        

THE BOAT IS SINKING
ni: Binibining Efrelyn

"Class? Wala ba kayong teacher?" Nagsitinginan ang lahat kay teacher nang magtanong ito.

"Wala po Ma'am, Vacant po!" Sagot ng president naming si Anna Rose.

"Okay! Let's use it sa Isang game! Trip to Jerusalem! Gusto niyo ba yun?" agad-agad na nagsitayuan ang mga classmate ko. Saka syempre sasabay din ako sa trip nila Lalo na't si Ma'am Abby ang magpapalaro.

"Taraaaa na Ma'am!!!" Sigawan ng mga abno kong kaklase.

"Ma'am dapat may price!" Sigaw ni Jaime mula sa likod.

Jusqo Jaime! Kahit naman di ka makipaglaro, panalo ka na sa puso ko yieeee keleg. Charot lang! Baka mapatay ako ng jowa ko.

"Syempre meron! Pero mamaya ko na sasabihin! Okay! Ayusin niyo na yung upuan!" Agad na pumwesto si Ma'am sa unahan at inayos ang mga gamit na nandon. Yung mga kaklase ko naman nagsiayusan. Pinagilid ang mga upuan at nagtipon-tipon sa gitna.

"Ready na ba kayo?" Sigaw ni Ma'am.

"MA'AM! MATAGAL NA AKONG READY! SIYA LANG NAMAN ANG HINDI!" sigaw ni Luna sa likod.

"owwwww---" sigawan namin. Jusko Buti nalang mabait si Ma'am kaya nakilisabay siya sa trip namin.

"Ang drama mo 'di ka naman mahal!"

"OwwwwWwww!!!!" Mas domoble ang sigawan ng si Ma'am na ang nambasag ng trip. 4 na buwan na kasi siyang naghahabol don sa senior high na 'di naman siya pinapansin psh.

"Naku! Tara na. Let's start! The boat is sinking. Group yourselves into.... 20!" utos ni Ma'am. Agad-agad na nagyakapan ang mga kaklase.

Hugot dito. Hugot doon.

Kulang nalang magkauntugan ng mga ulo.

"WaaAaaaah tanggal na yung 15 dito HAHAHAHA! Okay.... Hiwa-hiwalay muna..." tawa ni Ma'am na nabilaukan pa.

"The boat is sinking...Group yourselves into 9!" agad nagtakbuhan ang lahat. Syempre, buhay pa ako. Nandito kami ngayon, walo kaming lahat dito. Jaime? Pwede bang mayakap naman kita kahit ngayon lang? ChAaaaar it's true.

"Tanngal na sina Ivy, Trisha, Lexie and Josh!" Nagsiupuan naman sila.

"Okay we have 2 groups... Hiwalay na kayo!" Saad ni Ma'am.

"Matagal na kaming hiwalay Ma'am no need to mention!" Hugot ni Patricia. Jusko! Ano na bang nangyayari sa room na ito? Buti pa ako, tamang sulyap lang kay Jaime na kanina pa nakatingin sa 'kin chaaar practice lang baka tumitig e.

"Share mo lang?" Pambasag ni Ma'am.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!" tawanan namin.

"Pero Ma'am? Hindi ko po siya isheshare!" Nagulat ako ng bigla nila akong tinulak-tulak. Si Jaime pala yung nagsalita. Shit!

"Sanaaaa aaaalll Chynna!!!!" sigaw ni Chris sa tenga ko. Edi syempre sinapak ko bunganga, ayun dumugo.

"Okay okay! Group yourselves into 10!" Ang bilis naman ng laro? 10 agaaaaad?

"HOY CHYNAAAA!!! DITO KA SA 'MIN!!!" sigaw ni Richard kaya agad akong napayakap sa kanya. Siya yung nanliligaw sa 'kin 2 months na.

Pero nagulat ako ng biglang lumipat si Jaime sa tabi ko at hinarang kami ni Richard.

"A-anong ginagawa mo Jaime?"Nauutal kong tanong. Syempre, ikaw ba naman mayakap yung crush mo? Di ka kaya mangingisay sa kilig? Duh!

" Sabi ko... I don't share mine..." Saad nito sabay yakap ng mahigpit sa 'kin. Walo kami pero parang sa kin lang yata siya nakayakap? Sheeeeet ayokong magexpect crush.

ONE SHOT COMPILATION | MIXED GENRESWhere stories live. Discover now