Ang gown ni papa

11 2 0
                                        

ANG GOWN NI PAPA
ni: Binibining Efrelyn

"PAAAAAA!!!" umaalingawngaw ang boses ko mula sa kwarto. Pano ba naman kasi, may nakita akong gown sa isang kahon.

"Bakit? Anong nangyari?" Napalabas ako ng kwarto dala-dala ang gown na yun. Kulay itim tapos may mga magagandang design. Pero kanino to?

"Kanino to?" Manghang-mangha kong tanong. Napakaganda at napakasimple.

"Ah.. akin yan!" Ano? Sa kanya? HAHAHAHA Seryuso ba siya?

Kasalukuyan siyang naglilinis ng isda para sa tanghalian namin.

"Anong sayo pa? Pinagloloko mo ko e. Siguro kay Mama 'to? Ang ganda!!!!" saad ko sabay sukat-sukat at ikot-ikot.

"Akin nga yan!" napaupo ako sa tabi niya.

"We?" Tumango siya

"Bakit? Gusto mo bang malaman ang buong kwento?" Kwento? Waaaaw! This is interesting.

"Sige pa, Dali!" naeexcite ako. Ngayon ko lang kasi nakita 'to. And hindi naman ako judgemental, alam kong barako si Papa.

"Ganito yun, nagkakilala kami ng Mama mo dahil sa gown na yan! Inutusan ako dati ng kapatid ko na humanap ng gown na marerentahan at sa 'di inaasahang panahon, naghahanap din ang Mama mo ng gown para sa kanya. Unang araw pa lang ng pagkikita, nabihag na niya ang puso ko...Nag-agawan pa kami pero bilang lalaki, nagpaubaya ako. Pero bilang kapalit, hiningi ko ang pangalan at cellphone number niya HAHA!" natatawa nitong kwento habang hinihiwa ang mga sahog para sa lulutuin niya.

"Galawan talaga ni Papa... HAHAHAH!" Saludo ako sa galawan niya kasi kung di dahil sa kanya walang Joicy na nabubuhay ngayon HAHAHA.

"Tapos ayun, nagkamabutihan at nauwi sa ligawan at naging magjowa tapos nagsama sa isang bahay. Isang araw, inutusan niya akong lumuwas ng bayan para bumili ng bigas at mga gulay kaso nga lang... Nadaanan ko ang isang sabungan at natuwa ako sa mga nagsasabong at naipusta ang perang pambili ng bigas at gulay..." Natatawa nitong tugon. Napakamot nalang ako sa ulo habang nakikinig sa mga kwento niya. May pinagmanahan pala ang pagiging pasaway ko.

"Hanggang sa naubos ang pera ko't natalo ako. Umuwi ako sa bahay na walang dalang ni isa sa mga pinabibili niya kaya nagsimulang magsiliparan ang mga baso,plato, kaldero at mga kubyertos. First time kong makakita non. Wala kaming kakainin kasi hindi ako nakabili kaya may naisipan si Mama mo na gawin para magkapera kami..." tumingin siya sa 'kin na may ngiti sa kanyang mga mata.

"Ano po yun?" nagtataka kong tanong.

"Pinasali niya ako sa Miss Barako ng baranggay!" Napasampal siya noo niya. Natatawa ako pero pinipigilan ko lang. Baka masapok ako nito e.

"Kahit ayaw ko, sumali ako kasi kasalanan ko naman e! Kung 'di ako nagsabong edi sana may bigas na kami. Kaya ayun, no choice kundi ang sumali sa Miss Barako. Sa awa ng diyos, ako ang ang nanalo kaya tuwang-tuwa siya. Hanggang sa napagpasyahan niya na yun nalang daw ang gagawin kong racket. Total, nag-eenjoy din naman akong rumampa kaya tinuloy ko na. Rampa dito, rampa doon. At sa lahat ng sinalihan ko, dalawang beses lang akong natalo. At ang lagi kong sout sa mga competition e yung gown na yan... Kaya napakahalaga niyan sa 'kin!" tumango lang ako. Napakalalim naman pala ng storya nitong gown na 'to.

"Pero Pa... Nasaan na si Mama? Bakit ho hindi ko siya nakita?" Tumingin si Papa sa isang kwarto na hindi ko pa napupuntahan. Sa tuwing sinusubukan kong pumasok doon, lagi niya akong sinisita at pinapagalitan. Hindi ko alam kung anong meron sa loob ng kwarto pero talagang nacucurious ako. Kaya ngalang, di ko magawang pumasok.

"Wala na siya... Nag-away kami dati dahil rin sa gown na yan..." hays. Mula bata pa ako, hindi ko na maalala ang mukha niya. Kahit litrato manlang ay hindi ko makita.

Lagi niya kasing iniiwasan ang mga tanong ko pag tungkol kay Mama.

"Pa..." hiniwa nito ang sili.

"Bakit?" mahinahon nitong tanong.

"May tanong ako..." Tumingin lang ito sa 'kin na nakataas ang dalawang kilay.

"B-Bakla ka ba?" walang emosyong nakikita sa mukha niya.

"Hindi"

"Pa? Tanggap naman kita e... Napapansin kasi kita minsan. Tapos sabi mo pa, nag-eenjoy kang rumampa? Oh?" Napainom ito ng tubig na nasa tabi niya.

"Joicy? Hindi ako bakl--"

"We? Pa? Tanggap naman kita!"

"Hindi nga!"

"Papa naman e! Alam ko naman bak---ah!" Napatigil ako nang maramdaman ko ang pagtusok ng kutsilyo sa aking dibdib.

"P-pa?" Ngumisi lang ito at diniin ang kutsilyo. Napakalim ng pagkakabaaon nito.
Napatingin ako sa kutsilyong nakabaon sa aking dibdib at napahawak sa kamay ni Papa na nakahawak sa kutsilyo.

"Sabi ko ngang hindi ako bakla...." bulong nito.

"Pa-Pa... M-Masakit p-po..." Hinahabol ko na ang aking hinga. Ang sakit.

"Hindi ako bakla!" sigaw nito bago paikot-ikotin ang kutsilyong nakabaon sa aking dibdib.

"A-Aray p-pa... M-Masakit n-na..." Nahihirapan na akong huminga.

"Wala kang pinagkaiba sa yong ina! Parehas lang kayong mapanghusga. Ginagawa ko to para sa inyo tapos sasabihin niyong bakla ako? Ngayon? Sino ang bakla?" sigaw niya. Alam ko na... Pinatay niya din si Mama...

"Pa...Pa... T-ta-tama n-na!" nabitawan ko na ang gown na hawak ko. Sana pala hindi ko nalang kinuha yung gown na yun.

Ngumiti lang siya ng napakalapad at pinaikot-ukot ulit ang kutsilyo at padiin ng padiin ang pagkakapilipit.

"Pa...Ba-Baki---Ah!" Daing ko bago tuluyang tinusok ni Papa ang kutsilyo sa aking dibdib na tumagos hanggang sa aking likod.

He killed me, his daughter.
He killed his wife, my mother.

Because he don't want anybody to call his Gay....

ONE SHOT COMPILATION | MIXED GENRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon