Horor ft. Jamyca

1 2 0
                                        

HORROR ft. JAMYCA
[Dedicated to Jamyca Catherine]
ni: Binibining Efrelyn

"Hi hi hi hi...." Napatakip ako ng tenga ng biglang may tumawa ng matinglis. Hindi ko alam kung saan ito naroroon at 'di ko alam kung bakit niya ako ginugulo.

"S-Sino ka?" Nanginginig na ang aking mga tuhod at nagtatalong pumunta sa kama at nagkumot.

"Jamyca.... Hi..hi..hi..hi..hi..." tawag pa nito sa pangalan ko. Sino siya? Bakit kilalala niya ako? Naramdaman ko ang dahan-dahan na pagbaba ng aking kumot hanggang sa tuluyan itong natanggal sa katawan ko. Gustong-gusto ko nang sumigaw pero baka sabihing nababaliw na ako saka natutulog na din sina Mama.

"Ba-Bakit? A-anong kailangan mo?" Napatakip nalang ako ng tenga ko at pinikit ang aking mga mata. Masasapak ko talaga 'tong multong to pag nagkalakas loob na akong harapin to.

" Wag kang matakot... HA HA HA HA! " minulat ko ang aking mga mata at tumambad sa akin ang isang babaeng nakabaliktad at pula ang mga mata. Nakakulay puti ito at puno ng itim na dugo ang katawan.

"Sino ka ba? Bakit ba ako ang pinagtitripan mo! Alam mo, hindi ako takot sa multo!" sigaw ko dito at umastang kunwari hindi natatakot kahit na yung totoo'y gusto ko nang lumabas ng kwarto.

"Alam ko.... Hihihihi...." tumawa ulit nito ng matinglis saka unti-unting lumapit sa 'kin. Hi-hindi na ako makagalaw...

"Lu-Lumayo ka sa 'kin!" nagsign of the cross ako para kahit papano ay mawala ang demonyong ito.

"...... Good actress!" may binato siya sa 'king papel.

"Ano to?" Nagtataka kong tanong pero syempre binasa ko.

"Wag ka nang maraming tanong! Ang daldal mo naman! Basahin mo nalang kaya?" Aba? Ang sungit naman ng multong 'to.

"Maattitude ka sis?" pabiro kong sagot pero bigla niya akong pinandilatan at nilapadan ang ngiti niya. Paksheeeet!

"S-sabi ko nga babasahin ko na!" saka ko binasa ang nakasulat.

"FB account: Momoisme@Yahoo.com" Huh? Wew! Infairness, iba na talaga ang panahon ngayon pati multo may facebook na.

"Anong gagawin ko dito?" ngumiti na naman siya ng nalapad.

"BAKIT BA NGITI KA NG NGITI? ANG CREEPY MO KAYA!" I rolled my eyes and she stepped backward.

"Add mo ko! Gusto kita maging friend!" umupo siya sa tabi ko pero shit! Natatakot pa rin ako.

"Ba-bakit? Natatakot ako sayo e! Urong ka don! Utos ko sa kanya.

"Inuutusan mo ba ako?" singhal nito. Abaaaaa naman talaga! Pati multo maattitude na talaga saka pilosopo!

" Hindi naman! Kung gusto mo pa nga dito ka sa hita ko umupo e!" tumaas lang kilay niya.

"SML?" Wtf! Updated na ba talaga sila ngayon?

"OO SKL psh!" I just rolled my eyes again. Pero teka wait! Bakit ba gusto niya ako maging friend?

"Wait lang ha?"

"Ha?"

"Sabi ko wait lang!"

"HAKDOG!" sabay ngisi na naman na nakakatakot. Sarap padyakan e grrr!

"Psh! Ano ba problema mo? Bakit gusto mo ko maging kaibigan? Natatakot ako sayo!" Bigla itong lumitaw mula sa pagkakaupo kaya napaatras na naman ako.

"Sa 'kin takot ka? We? E ilang ulit ka na ngang naghosting pero natakot ba kami sayo? Epal ka din e!" Sabi ko nga 'di ako takot sayo.

Ayun.

Yawa jud. Hindi lang maattitude, hindi lang pilosopo, hindi lang nakikiuso, mapanakeeeet din pala tong multo.

Pwede manakit ng multo? Ay wag nalang! Baka masaktan yung nanghost sa 'kin.

ONE SHOT COMPILATION | MIXED GENRESWhere stories live. Discover now