Prologue

105 2 0
                                    


Patty's POV

"Nabalitaan kong may bisita daw na magbabakasyon dito."- imporma ni aling diday habang kasalukuyan kaming naglalaba sa tabing dagat.

Ako'y nakaupo sa bangko habang binabanlawan ang mga nalabhan na damit ni nanay.

Sa tabi ni nanay ay si aling diday na tagapangalaga ng bahay ni kuya Khanzler Lacuesta. Siya ang nagmamay-ari sa islang ito na tinitirahan namin ngayon. At siya ang may-ari sa malaking bahay na kasalukuyang nakatirik sa gitna ng isla.

Kita'ng-kita duon ang malaki nitong bahay dahil ito lang ang namumukod tangi. Sa likuran ng bahay nito ay ang mga tahanan na naming nakatira dito.

"Bisita? Ngayon lang may magbabakasyon dito sa isla natin. Siya ba'y kaibigan ni sir khanzler?"- tanong naman ni nanay habang nagkukuskos.

Naalala kong tinulungan kami ni kuya khanz nuon na dalhin dito para may matirahan kami. Kasama na din ang mga kamag-anak namin ay nagtungo kami sa isla'ng pagmamay-ari ni kuya khanz. Siya din ang nagpagamot kay tatay kung kaya't sobra kaming nagpapasalamat sa kaniya. Dahil kung hindi niya kami nakita sa lansangan nuon ay hindi kami nandito ngayon.

"Bali-balita ko'y kaibigan ng kapatid ni khanzler ang magbabakasyon dito."- tugon naman nito.

"Kung ganon, siya lang ang magtutungo dito?"- tanong pa ni nanay.

Hapon na kung kaya't hindi kami naiinitan at pinagpapawisan. Desyembre na din kaya malakas ang ihip ng hangin.

Napangiti ako ng masulyapan ang anak ni aling diday na si karlo at sandra na kasalukuyang nagtatampisaw sa tubig malapit lang samin.

Tanaw ko din sina mang kanor na asawa ni aling diday, si tatay at ang ilan pa naming kasamahan dito na nakasakay sa bangka habang patungo na sila papalapit samin.

Kaninang tanghali pa kase sila pumalaot dahil mamimingwit daw sila ng isda.

"Oh siya patty, pakikuha mo na tong mga nalabhan at isampay mo na."- utos ni nanay habang dinadala lahat ng mga damit namin sa palanggana.

Magiliw naman akong tumango at ngumiti sa kaniya.

"Sige po nay."- sagot ko at binuhat na ang palanggana na puno ng damit namin.

Nagsimula na akong maglakad sa buhanginan habang patuloy na sinasayaw ang mahaba kong buhok dahil sa hangin. Suot-suot ko ang saya ni nanay na pinaglumaan na niya at hanggang talampakan ito na kulay itim. Sa pang itaas nama'y naka long sleeves lang ako na kulay puti.

Ganito lang naman ang sinusuot ko araw-araw. Sanay na ako atsaka komportable na ako sa ganitong suot. Sinabi kase sakin ni nanay na hindi dapat ako palaging nagpapakita ng balat. Kung ako naman ang tatanungin, ayoko din naman kase hindi ako sanay. Hindi din ako komportable hindi tulad sa pinsan kong si isabel na palaging naka shorts at sando.

Kapag nadadaanan ko ang malaking bahay ni kuya khanz ay walang sawa pa din akong namamangha.

Sobrang laki nito na sa pagkaka alam ko ay aabot sa ikatlong palapag. Sa harapan ay may simpleng porch kung tawagin. May tatlong hakbang pa na hagdan patungo sa pintuan ng bahay. Sa porch nito ay may duyan pa at mga bulaklak na si aling diday pa ang nagtanim.

Bagamat hindi ko pa nasusumpungan ang loob ng tahanan ni kuya khanz ay masasabi ko ng maganda ito at sosyalin.

Hindi kase kami pinapayagan ni aling diday na pumasok dahil bawal daw. Sinunod na lang namin dahil baka may magawa pa kaming kasalanan. Atsaka isa pa, nirerespeto namin si kuya khanz. Siya ang tumulong samin kung kaya't ayaw namin siyang magalit.

Nang makarating ako sa tahanan namin ay agad akong nagtungo sa likod.

Binaba ko ang palanggana sa buhanginan at nagsimulang magsampay ng damit na si tatay pa ang gumawa.

Masasabi kong simple lamang ang bahay namin. Gawa lang sa matitibay na papag, kahoy at banig. Maliit lang ngunit sapat na para saming tatlo.

Magkakahilera lamang ang mga tahanan namin dito. Sa unahan ay si aling diday na namumukod tangi samin. Dahil mas malaki sa kanila ng kaunti kaysa sa bahay namin.

Pangalawa kami, at ang pangatlo ay ang bahay nila isabel. Magkapatid ang tatay namin kung kaya't siya'y pinsan ko. Ang pang apat ay sina tiyo tadio na pinsan din ni tatay.

Sa tuwing madaling umaga at tanghali ay namimingwit sila ng isda. Bagamat nagpapadala si kuya khanz kada buwan ng kakailangan namin ay gumagawa pa din sila tatay ng paraan upang kahit papano hindi kami pabigat kay kuya khanz.

Ayaw naman naming iasa na lang sa kaniya ang lahat. Kahit na mayaman ito ay mayruon din naman siyang mga gastusin sa buhay.

Malapit na akong matapos sa pagsasampay ng makarinig ako ng ingay galing sa dalampasigan.

Ramdam ko ang paglakas ng hangin at ang mga buhanging nadadala nito.

Dali-dali akong umalis sa likuran ng bahay namin at sinilip kung anong nangyayari.

Tuluyan na akong napanganga ng bumungad saking harapan ang isang chopper. Hindi pa ako nakakakita ng ganito sa personal. Tanging sa mga libro lamang na nakukuha pa namin kay kuya khanz.

Sadya ngang sobrang laki ng chopper na iyon. Kasalukuyan itong bumababa sa buhanginan habang mabilis na umiikot ang pakpak nitong nasa tuktok.

Nakita ko pa duon ang saktong pagdating nila tatay habang may hawak silang tig-iisang balde. Samantala si nanay naman at aling diday ay nakatayo na habang hinihintay ang pagbaba ng chopper.

Ang ilang kapitbahay namin ay lumabas sa kanilang tahanan upang masaksihan ang nangyayari.

Muling linipad ang ilang buhanginan dahil sa paglapag ng chopper. Tuloy ay napatakip ako saking mga mata upang hindi mapuwing.

Nang maramdaman kong tumigil na sa pag andar ang chopper ay tinanggal ko na ang aking mga kamay mula saking mukha.

Duon ay kitang-kita ko ang pagbaba ng isang matangkad na lalake. Ito'y nakasuot ng fitted jeans, black longsleeve at sapatos. Ang kaniyang buhok ay maayos na nasuklay patagilid ngunit may ilang hibla pang nakatakas patungo sa kaniyang kilay.

Kung hindi ako nagkakamali ay matangkad ito at sakto ang pangangatawan.

Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit tila napako ang mga paa ko habang mariing nakatitig sa lalakeng iyon. Tila may dala itong hipnotismo dahilan kung bakit nabihag niya ang atensyon ko.

Tuluyan na akong napasinghap ng masilayan ko ang kaniyang mukha.

Bagamat nasa malayo ako ay napansin ko na agad ang makakapal nitong kilay. Ang matangos nitong ilong, ang manipis ngunit mamula-mulang labi at ang perpekto nitong panga.

Ngayon lang ata ako nakakita ng lalakeng sobrang perpekto sa personal. Akin lang silang nakikita sa libro o di kaya'y magazine na pinapadala pa ni kuya khanz sa amin.

Hindi ako makapaniwala na makakakita ako ng isang tulad niyang sobrang perpekto.

Tuluyan ng kumabog nang malakas ang payapa kong puso ng magtama ang mga paningin namin. Ramdam ko duon ang lamig sa uri ng kaniyang titig ngunit bakit tila hindi ako natatakot? Bakit parang habang tumatagal ang ang pagtitig namin sa isa't-isa ay unti-unting natutunaw ang puso ko? Bakit nagiging ganito ang nararamdaman ko?

Marahan kong dinama ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko. Patuloy pa din iyon sa pagkabog sa hindi malamang dahilan.

**
~vis-beyan 28

A/N: This is a work of fiction. Names, character's, businesses, places and incidents are the product of the author's imagination and are used fictitious. Any resemblance to actual event's, places or person, living or dead, is purely coincidental.

Date started: 12/28/20

Anomalous Orb of Night (Beast Series 1)(ON-HOLD)Where stories live. Discover now