Chapter 10

663 38 4
                                    

"Where are we?"

"Don't worry. We're still in Manila." Duh? Kinse minutos palang ata kaming bumabyahe. Malamang.

"Ay weh?" Jejemon kong sabi. Alangang lumabas kami sa Metro Manila sa loob ng 15 minutes. Himala 'yon. Eh ang traffic pa nga!

Bakit ko ba ginagawang big deal? Badtrip.

Nilibang ko ang sarili sa daan. Pinanood ang mga ilaw ng sasakyan at poste. Pilit kong inaaliw ang sarili dahil hindi na naman ako mapakali sa katabi ko.

I've never seen him for like a month or two? I don't exactly know. I was very disappointed. Syempre gaya ng iba, umasa rin ako 'no. Crush ko 'yan eh. Psh.

Pero gaya din ng iba, tamang asa lang ako. I kinda expect that, though mas matimbang pa rin ang pag-asa na baka mga i-date niya nga ako. But on the other thought, maybe not. Sino ba naman ako sa buhay ng artistang ito?

That's why up until now, I am still wondering...

Why me?

All of the people, why me?

It's not like I don't want to, of course I like it! But, ang gulo, eh! May Jianna 'di ba? And sino nga ba ulit ako? Jeez!

"What's on your mind?" Nilingon ko siya. Nang mag-tama ang mata namin, pasimple akong umiwas.

"Bakit, facebook ka ba?" Kumunot ang noo niya.

"What? Of course not."

"Then I'm not gonna tell you." I smirked. Pwede pakurot sa pisngi? Hmp gigil.

Hindi niya na ako pinansin at tinuon ang paningin sa daan. Pasimple ko din binalingan ang gawi niya. Kunot pa rin ang noo pero ang aliwalas ng itsura. Ang ganda ng mata. Ang kapal ng kilay. Ang tangos ng ilong at pa-puso ang labi. Ang sarap halikan.

Sa gitna ng pagpapantasya parang biglang, huy.

Bigla akong nagulat sa iniisip at mukhang tangang iniwas ang tingin para ibaling sa bintana. Kaya ba today sis? Tanong ko sa puso kong ang OA ng tibok.

Oh my god. Nakakahiya 'yon.

"Let's go." Hindi pa ko nakakabawi sa pagkapahiya nang huminto kami sa isang restaurant. "And oh," he placed his hand on the steering wheel after removing his seatbelt. "I don't mind you staring at me." He smirked!

Umawang ang labi ko at tulalang pinanood siyang bumaba sa sasakyan. Geezzzz! Nakita niya 'yon? Ugh. Nakakahiya pota.

Nanginginig kong tinanggal ang seatbelt ko at nagiisip kung bababa ba ako o maiiwan nalang sa sasakyan. Pwede bang i-take out niya nalang ako?

Wow? Ganda ka?

Pwede naman niya talaga akong i-take out. Charot!

Puno ng kahihiyan akong lumabas. Nakita ko ang inip niya habang nakapamulsang nakasandal sa sasakyan.

"Tapos ka na bang mag-internalize?" Irap lang ang sagot ko.

"Lolo mo internalize."

He just chuckled. Adorbs!

We enter the restaurant. It's not the typical restaurant na pang mga nakakaangat. Hindi fine dining. Ang light lang ng vibes dito. Parang coffee shop na cute pero hindi. Ang daming halaman. Para siyang forest gano'n ang aura niya.

Umakyat kami sa taas. Ang cute ng hagdan. Para siyang hanging bridge tapos yung hawakan niya sanga ng puno. Though hindi naman siya magalaw. Basta ang cool. When you go on the second floor, doon mo marerealize na forest nga yung theme ng restaurant.

Capture me, Alynna (Villa Priscilla Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora