Chapter 11

614 34 23
                                    

"Sinisingkit ng mata mo diyan ha?" Maangas kong tanong kay Miro the moment I entered the office. "Gandang ganda ka sa'kin?"

"Psh. Lakas manira ng umaga. Tabi nga diyan!" Tinabig niya 'ko na halos ikatumba ko. Aba't tarantado 'to, ah. Gaganti sana ako nang napahinto ako sa sinabi niya. "Pasalamat ka crush kita."

Napaamang man ngunit mabilis akong nakabawi. I shrugged my shoulders and flipped my hair.

"Napakayabang!" Mahinang tulak niya kaya humalakhak ako. Binibiro ko lang naman siya! Haha!

"Kanina ka pa, ah!" Amba ko. Kala niya ata hindi ko napapansin ang mga pananakit niya. Inambaan din niya ako bago inirapan at nilampasan. Siraulo talaga.

Dumiretso ako sa opisina ko. Nang ilapag ang mga gamit ay napansin ang isang paper bag.

"Breakfast?"

'Kainin mo hanggang mabulunan ka!' -Miro

"Napaka-pabebe talaga no'n." Nakangiti kong sambit habang inilalabas ang pagkain. Ayos dahil hindi pa ko nagaalmusal.

Magana akong kumakain nang mag-vibrate ang phone ko.

To: Calys Medina

Will pick you up later. I have shoot now. See you.

Bigla akong nabulunan kingina.

"MIRO!!!!" Ubo pa rin ako nang ubo habang kinakabog ang dibdib ko.

"Bakit!? Anong nangyari?!! Ayos ka lang?!"

Hirap man ngunit buong lakas ko siyang binulyawan. "Bakit wala kang inumin?!"

"Ay putangina nabulunan nga. Sandale!" Mabilis siyang lumabas. Hindi na ko makahinga hayop. Yung masarap na pancake na walang habas kong sinubo ang tanginang nakabara sa lalamunan ko!

"Oh! Inom bilis!"

"Sandali!" Binuksan niya ang tubig na halos matapon na dahil sa panginginig niya.

Mabilis akong uminom habang nangingilid ang luha. Isang malakas na ubo ang pinakawalan ko nang matapos uminom. 'Pag tapos mawala ng bara ay huminga ako nang malalim.

"Okay na?" Matalim ko siyang tiningnan. Ang lakas na ng nginig niya, hanggang balikat na.

"Tangina mo tumawa ka nang hindot ka." At bumulanghit nga ng tawa ang gago. Kaya pala nginig na nginig siya dahil sa kapipigil ng tawa.

"Hooo! HAHAHAHHAHAHA!" Malagutan ka sana ng hiningang demonyo ka.

Huminga siya nang malalim. "Ayan okay na. So baki-HAHAHAHAHAHAHAHA! SORRY SORRY!"

"Lumayas ka na rito at baka laslasin ko 'yang litid mong gago ka."

"HAHAHAHA hindi na! Hindi na ko tatawa promise!" Kakasabi niya palang na hindi na siya tatawa pero parang mahihimatay na naman siya dahil sa halakhak niya.

"Labas na!" Bwisit.

Patuloy pa rin siya hanggang sa kumalma na at uminom ng tubig.

"Grabe, nabulunan ka talaga?" Patanga ko siyang tiningnan.

"Obvious ba?"

Umiling iling siya, "I got the magic in me. Nagkatotoo,"

"Tanga. Gano'n ka kademonyo." Irap ko.

"Sus. Eh bakit ka nga ba nabulunan? Gutom na gutom?"

Napahinto ako sa tanong niya. Gusto ko man sabihin at magkwento, hindi naman ako gano'n kabobo para gawin 'yon. Kaya tumango nalang ako. Pinitik niya ang noo ko.

Capture me, Alynna (Villa Priscilla Series #2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang