Chapter 8

611 39 0
                                    

"Hoy, ba't hindi ka nagsabi?" Salubong ko kay Miro nang mabalitaan kong ngayon ang uwi nila. Inagahan ko talaga ang pasok para mas mauna ako sa kaniya. Nakakairita 'tong Miro na 'to. Pati text at tawag ko ayaw sagutin. "Hoy kinakausap kita!"

"Why?" Napatanga ako.

"Anong why?"

"I already said that to you. What's the matter?" Ano bang problema niya at nag-eenglish pa siya?

"Am I not have the right to ask?" Nalalabuan kong tanong.

He just looked at me then sarcastically laughed. "Yeah right. You're the boss."

"That's not what I meant."

"That's what you're implying."

"Ano bang problema mo?" Ang labo niya, eh. Bigla biglang umaattitude. Nakakabwisit.

"Wala. Excuse me. You're blocking my way." Naguguluhan man ay pinili ko nalang tumabi. Sinundan ko siya ng tingin. Anong meron?

Nang hindi ko na siya matanaw, umakyat na rin ako sa opisina. Dire-diresto ang lakad ko at hindi na 'ko lumingon pa. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung bakit gano'n ang pakikitungo sa akin ni Miro. May nagawa ba ako? Noong nakaraan ko pa napapansin na hindi niya ko kinakausap. Pati opinyon ko ay hindi niya hinihingi. Parang hangin lang ako na hindi niya nakikita. Noong una hindi ko pinapansin dahil baka pagod lang siya. Pero ngayon? Hindi ko na alam.

Nanlulumo akong nagpatuloy sa trabaho. Ayoko mang ipahalata pero naapektuhan ako sa kinikilos niya. Kaibigan ko si Miro, kaya hindi ako panatag na parang galit siya sa akin. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin kung gano'ng sarkastiko niya ako sagutin.

The whole time, I was thinking about the things I've done in the past few days. Things that might be the reason why Miro's acting like that to me. Pero it's almost lunch time, wala pa rin akong maisip. Hindi ko naman siya inaano!

I decided not to eat dahil wala akong gana. Umidlip lang ako saglit dahil masakit na ang mata ko.

Mahigit isang oras din siguro ang tulog ko nang maalimpungatan ako. Dinilat ko ang mata nang maramdaman kong parang may nanonood sa akin. Sa pagdilat ng mata ko ay nasalubong ko ang mga mata ni Miro.

"Miro," Bakas ang gulat niya nang magising ako subalit mabilis itong napalitan ng lamig.

"Paki-pirmahan." Ha? Iniabot niya sa akin ang isang folder. Bumagsak ang pag-asa kong kakausapin niya ako ngayon kaya't kinuha ko nalang ito para tingnan.

Tahimik kong binasa ang papeles 'pag tapos ay marahang pinirmahan. Inaasahan kong magpapasalamat siya o di kaya'y ipupukpok sa ulo ko ang folder gaya nang madalas niyang gawin, pero hindi. Ni tingnan hindi niya ginawa. Kinuha niya lang ang folder at tuluyang lumabas ng opisina.

Bumuntong hininga ako. Hindi ko na talaga alam ang problema niya. Bahala na nga siya diyan! Napapagod na 'ko mag-isip. Ayaw niya ko kausapin? Fine! I will do the same. Hindi ko din siya kakausapin. Tse.

I continue to work. I didn't noticed the time. Masyado akong nalibang. Napansin ko lang ito nang tanungin ako ni Pia kung uuwi na ako. Pinauna ko nalang silang lahat para sure akong hindi ko na maabutan si Miro dahil baka mabulyawan ko lang siya. Iniisip ko nalang na baka may problema siya pero napupuno na 'ko.

When I'm done, I decided to go home. I fixed my things then went outside the office. I was looking at my car keys that's why I didn't notice that the lights are still on. Nang papalabas ay inabot ko muna ang switch para patayin.

"Can't you see that there's someone still working here?" Napatalon ako sa gulat dahil sa nagsalita. Nanlalaki ang mata na nilingon ko si Miro. Binuksan ko ulit ang switch ng ilaw. Nasa table siya at nakabukas pa rin ang laptop. Hindi ko naman siya napansin.

Capture me, Alynna (Villa Priscilla Series #2)Where stories live. Discover now