Chapter 27

527 36 7
                                    

Ilang minuto ang itinagal ko sa parking lot dahil pinipilit kong i-kalma ang sarili.

The last time I broke my heart, I mended it alone. I have none. Kasi if I was broken, mommy was shattered. That's why I needed to be strong. I needed to mend our broken hearts alone.

I was leaning on the steering wheel when someone knocks on my window. When I looked at it, I felt scared.

Binaba ko ang bintana. Hindi ko siya tinitingnan at mahigpit na hinawakan ang manibela. Anong ginagawa niya rito?

"May kailangan ka?" Malamig kong tanong.

From my peripheral vision, I saw him removed his face mask.

"Can I hug you?"

Natigilan ako. Hug? Bakit?

Mariin akong pumikit. Pinipigilan ko ang sarili ko na makapagbitaw ng mga salitang pagsisisihan ko.

I looked at him, "No,"

Bakas ang sakit sa mukha niya. Bakit siya nasasaktan? Anong karapatan niyang masaktan?

Ang lawak ng ngiti mo kanina nang aminin niyong kayo na ni Jianna. Kaya ano 'tong ginagawa mo?

"Please," pagmamakaawa niya.

Nangilid ako luha ko.

"Ano pa bang gusto mo?" I cracked my voice. "Bakit kailangan mong hilingin 'yon?! Hindi pa ba sapat yung pinaglaruan mo 'ko? Kulang pa ba yung niloko mo 'ko? Dapat dagdagan mo pa? Kailangan ba na magmukha rin akong tanga? Ano pa bang kailangan mo?!"

Hindi ko maintindihan kung bakit namumuo ang luha sa mata niya.

"Artista ka nga talaga." Mahinang tawa ko kasabay ng pagbagsak ng mga luha 'ko.

"You know what Calys, I may not look stupid in front of other people but I am so stupid in front of the mirror. Kasi hindi naman nila alam na... kahit sa maikling panahon, naging tayo. Hindi nila 'yon alam. Hindi nga nila ako kilala. Hindi nila alam na mahal kita."

"Pero ako... alam ko 'yon sa sarili ko. Alam ko kung gaano kita kamahal. Alam kong minsan nagkasama tayo. Na minsan naging masaya ako sa'yo. At alam kong hanggang ngayon... kahit nasasaktan mo 'ko, mahal pa rin kita. Mahal na mahal pa rin kita." Kumawala ang mga hikbi ko.

"Yun ba yung gusto mong marinig?" Napapagod na 'ko. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan ko. Hinarap ko siya ngunit nasa loob pa rin ako. Hinawakan ko ang kamay niya.

Ang higpit ng hawak niya sa mga kamay ko.

"Ynna..."

"Calys, tulungan mo 'ko..." Napayuko ako sa magkakasunod na hikbing pinakawalan ko. "Ayokong maging tanga sa harapan mo. Tulungan mo 'kong kalimutan ka. Kasi... ayoko nang mahalin ka."

Nakita kong sunod-sunod ang naging pagpatak ng luha niya. Hindi ko man maintindihan ay pinunasan ko ito.

"Ynna... just a hug. I just want a hug." Mahinang sabi niya. Nagmamakaawa,

Nang hawakan ko muli ang mga pisngi niya ay mahigpit niya akong niyakap. Muli akong humagulgol at pilit isiniksik ang mukha sa leeg niya.

Mamimiss kita...

Gusto kong sabihin.

"I'm sorry." Bulong niya. Naramdaman ko ang mga luha niya kaya't tinapik ko ang likuran niya. Bakit palagi kang pagod kapag siya ang kasama?

Kumalas ako sa yakap. Ayoko man pero baka hindi na ko kumawala. Natatakot akong baka magmakaawa ako na balikan niya. Natatakot ako na kahit mali... baka hilingin kong maging pagkakamali niya.

Capture me, Alynna (Villa Priscilla Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon