Chapter 19

570 34 6
                                    

"Totoo nga!"

"Woy mahiya ka naman. Naririnig ka ng mga tauhan niya. Kilala ka pa yata tapos kung ano anong sinasabi mo."

Pikong binalingan ko si Ali. Bakit ba ayaw ako paniwalaan ng mga tao? Ganoon ba 'ko kapanget para imposibleng magustuhan ni Calys?

"Nakakasakit na kamo kayo." Inarte ko.

Nagtawanan lang sila habang kumakain pa rin.  Pinagpatuloy ko nalang rin ang pagkain. Makikita niyo talaga kapag naging kami!

Sinabi naman talaga ni Calys na gusto niya ako, eh. Yun nga lang, hindi sigurado. Malabo pa sa ngayon at ewan ko kung kailan lilinaw. Mahirap magsalita ng tapos lalo na sa isang Calys Medina. Kaya naiintindihan ko sila kung bakit gano'n ang reaksyon nila. Ano nga namang mapapala sa akin ni Calys 'di ba? I mean, he already have Jianna. Parang nasa kama na siya lumipat pa siya sa sahig. Pwe.

Oy pero aminin niyo! Masarap humiga sa sahig!

"But you know what, Aly? Parang you are somehow telling the truth." Nagugulat akong tumingin kay Artemis.

"Somehow, Artemis? Somehow?!" I exclaimed. "Aba do I really look like I'm lying?" Eksaherada kong tanong.

Ada said, "More like dreaming."

"Grabe 'yon hahahahaha!" Masama kong tiningnan si Waze.

"Ada naman! But seriously like super serious, I am telling the truth." Giit ko.

"How do you come up with the idea the she's somehow telling the truth, love?" Napatingin kami kay Nickel 'pag tapos ay binalingan si Mess para hintayin ang sagot niya.

Nagkibit balikat siya, "Iba ang tingin niya kay Alynna." Kinikilig ako!!!

"Parang duling siya?"

"Tangina mo, Jerome!"

"HAHAHAHAHAHA!"

"HAHAHA! No tanga. It's more like, he's very affectionate with Aly. Well that was my observation but who knows right?"

Really? I never saw the way he stared at me. Hindi ko matagalan. Parang nakakalunod.

Gano'n naman yata kasi lahat ng definition ng tao sa tuwing titingin sila sa mata ng taong mahal nila.

Nakakalunod.

But I think, hindi naman talaga nakakalunod. It is more like scary, not to be drown but because we are afraid that they will know what we feel towards them. We are scared because they might read our eyes. They might know how we feel just by the way we look at them adoringly.

"Asang asa na po ang ating kaibigan." Ngumuso ako kay Shyla.

"Huwag kang mag-alala, isesend ko sa'yo ang picture niyo ni Calys kanina!"

"Miana!" Sita ko dahil ang lakas ng boses niya na akala mo nakakatuwa yung sinabi niya. Siraulo talaga.

Hanggang makauwi kaming lahat ay inaasar pa rin nila ako. Though hindi naman ako napipikon dahil nagsasabi ako ng totoo. Kapag nag-usap kami ni Calys talagang makikita niyo, ha!

---

Ilang araw na ang lumipas matapos ang nangyari sa mall. Nakauwi na rin ang mga kaibigan ko kaya ako naman ang uuwi ng Villa ngayon. Nangako kasi ako kay mommy last week na uuwi ako kaya nagmamaneho ako pauwing Villa.

Ilang araw na ring hindi nagpaparamdam si Calys sa akin. Kahit saang social media ay hindi siya nagmemessage. I expected this naman since yesterday is the showing of their movie. I haven't watch it yet because of two reasons.

Capture me, Alynna (Villa Priscilla Series #2)Where stories live. Discover now