Chapter 13

560 38 4
                                    

Napahilamos ako ng mukha nang magsara ang elevator. Nagstay ako ng saglit habang nakatanaw pa rin sa kung saan siya sumakay paalis. Pinipilit kong kalmahin ang puso ko bago tuluyang pumasok sa unit.

Last night, the moment he answered the call, I went to my room. Hindi ko na siya hinintay pa. Nakausap niya si Jianna. Hindi malabong iba na naman ang lalabas sa bibig niya. Hindi na naman magtutugma ang mga salita at kilos niya.

Ganun pa man, hindi ko pa ring maiwasan umasa na naman. Kahit alam kong magulo. Kahit alam ko naman imposible yung nasa isip ko. Isang Calys Medina? Magugustuhan ang tulad ko? Bakit? Paano?

Nagising ako sa malalim na pag-iisip nang tumawag ang mommy.

"Hi anak!" When I heard her voice, I suddenly longing for her hug.

"Hi mommy. How are you?"

"Inunahan mo naman ako. That's what I called for. I want to ask you if you're okay there." Nahiga ako sa sofa at ipinatong ang braso sa mga nakapikit kong mata.

"I'm okay, mom."

"Hmmm? Why is your voice like that?"

"Like what?"

"Are you sad?" Mommy knows me so well.

"No. Why would I be?"

"Okay sige para hindi ka na sad, I have a good news."

"Ano po 'yon?"

"Your dad called!" I heard excitement through her voice. For what?

"And?"

"He was inviting us for his son's birthday party." What?

"And you're happy?" Para saan? Iimbitahan niya kami sa birthday ng anak niya? After what he did? Hell no!

"Yes of course anak. That's your brother." Napatayo ako sa sofa, gustong sumigaw. I calmed myself.

"I'm an only child." Mariin kong sabi. Anong karapatan niyang gawin 'to sa mommy ko?!

"Ynna," I heard the authority. "He's still your father."

"As far as I remember, I don't have a father since I was 10!"

"Alynna!" Tumulo ang luha ko.

"Mommy naririnig mo ba ang sinasabi mo?"

"Anak-"

"Gusto mong magpunta tayo sa birthday ng anak ng dati mong asawa?"

"Alynna ang boses mo." Naririnig ko ang pagbabanta.

"Mommy ang dati mong asawa na iniwan ka para sa ibang babae!"

"ALYNNA!" Tuloy tuloy ang daloy nang luha ko nang sigawan ako ni mommy. "Hindi kita pinalaking bastos. Piliin mo ang mga salita mo."

Tahimik akong umiiyak. "Pupuntahan kita riyan ngayon."

Iyon lang ang huli niyang sinabi bago ibaba ang telepono.

Patuloy pa rin ang iyak ko.

Hindi ito luha na para sa akin. Luha ito na para kay mommy. Paano niya nakuhang maging masaya para sa taong sumira sa kaniya? Paano niya nakuhang harapin at pakitunguhan ang taong niloko at sinaktan siya? Ako ang nasasaktan para sa kaniya.

FLASHBACK

"Yssa please," nakaluhod si daddy sa harapan ng mommy ko habang nakadungaw ako sa pinto ng kwarto nila.

Hindi nila ako napapansin. Kung makikita ang mukha ng sampong taong gulang na bata na nakasungaw sa pinto ay mababakas rito ang pagtataka.

Anong nangyayari?

Capture me, Alynna (Villa Priscilla Series #2)Where stories live. Discover now