Chapter 9

629 37 6
                                    

"How are you?"

We are currently leaning at the railings of our studio. I looked at Miro,

"I'm good. How about you?" nahihiya kong sagot dahil napakapormal niya magsalita. Hindi ako sanay.

Nakita kong tumango-tango lang siya. "Good to hear..." he stopped for a while bago napapabuntong-hiningang tumingala sa langit.
Punong puno ng bituin ang langit ngayon. Sobrang ganda...

"Ang ganda 'di ba?" without answering my previous question, he asked me that.

"Maganda."

"Kasing kinang mo sila."

"H-huh?" I looked at him na para bang himala ang sinabi niya. Pinagsasabi nito?

"Do you still remember the first time we talk?" Naguguluhan man ay pinili kong tumango.

FLASHBACK

"Hey, do you have pen?" Nilingon ko ang nagtanong sa akin. Automatic akong umiling kahit meron naman talaga. Ugali ko na 'yon dahil nadadala na ako sa mga ballpen kong hindi na bumabalik. Saka hindi naman kami close. "Sige ikaw nalang magsulat ng pangalan ko dito sa index card."

"Inuutusan mo 'ko?"

"Eh, Ayaw mo magpahiram. Nakita ko kaya kanina yung pencil case mo ang dami mong pen." Ay wow.

"Oh, eh ba't tinanong mo pa?"

"Syempre tulad niyan oh," tinuro niya pa ako, "Ayaw mo magpahiram."

Inis kong kinuha ang index card niya. "Pangalan?"

"Ay wow ang damot talaga." I heard him murmured. Matalim ko siyang tingnan, "Miro Thaddeus Dela Cuesta."

I wrote his name. Sinulat ko din lahat ng information na kailangan bago binalik ang index card sa kaniya.

"Thanks. Miro nga pala." He extended his hand. I looked at it,

"I know." Irap ko. Kasusulat ko lang nga, ah.
Ngumuso lang siya hanggang sa pinapasa na ang index card.

END OF FLASHBACK

Ngingiti ngiti siyang tumingin sa akin. Ang ganda ng ngiti niya kaya napangiti rin ako.

"That was hilarious I know."

"Not really," I chuckled. He stopped,

To be honest, the atmosphere was so awkward. Matagal na kaming magkakilala pero parang bumalik kami sa umpisa. No, parang mas comfortable pa nga kami the first time we met, eh. I don't know pero parang may barrier. And that was probably the thing that happened recently na until now, I don't understand.

Ilang sandali pa kaming natahimik,

"Why are you... so distant?" I can't contain it anymore. Kasi nakakapagtaka lang. I don't remember anything na ginawa ko para ikagalit niya. I know wala...
Or wala nga ba?

"I... just want to save ...myself." Pahina nang pahina niyang sagot.

Come again? Save himself?

From what?

Nangunot ang noo ko. "I don't get it. Save you from what?"

Huminga siya nang pagkalalim-lalim. Na para bang nandoon lahat ng sasabihin niya. Na parang nakadepende doon kung sasabihin niya ba. What was that for?

"I want to save myself...

from you."

w-what? From me?

Capture me, Alynna (Villa Priscilla Series #2)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें