Chapter 3

682 39 0
                                    

"Ready na lahat?" Miro asked. I checked everything. When they are all ready I just nodded. We are going to Batangas now for a photoshoot. Bale 2 days and one night kami do'n.

Sinusundan ko ngayon ang van na minamaneho ni Miro. Dahil maraming equipments, dinala ko ang sariling sasakyan. Mga alas dos siguro makakapagcheck in kami. Hinahabol kasi namin ang palubog na araw tapos bukas ang sunrise naman.

Ilang oras ang naging biyahe. Ang hinto lang namin ay noong kumain kami 'pag tapos biyahe na ulit. Mag-aalas dos nang makarating kami sa resort. Sinalubong kami ni Paula.

Ang ganda ng lugar, nakakarelax. Ang sarap siguro dito kung mga kaibigan ko ang mga kasama. Kaya lang trabaho ang ipinunta namin, eh.

Nagcheck-in na kami. Si Leslie at Tanya ang kasama ko sa kwarto habang si Miro at Vj ay hiwalay.

"Magpahinga muna tayo. Mga alas kwarto pwede na siguro tayo mag-set up." Tumango lang ang mga kasama ko. Nakakapagod mag-drive. Ang kwarto namin ay may isang king size bed at isang single bed.

"Ako na dito sa single bed. Tutal single naman ako." Biro ko sa dalawa. Natawa naman sila. Sana all may jowa.

Inayos lang namin ang mga gamit 'pag tapos ay nahiga na 'ko. Nagpaalam ang dalawa na mag-iikot. Palibhasa mga hindi pagod, eh!

Mabilis akong nakatulog dahil nga pagod. Bandang alas kwatro nang gisingin ako nila Tanya para sabihing nakaset up na sila.

"Bakit hindi niyo ko sinabihan? Sana natulungan ko kayo."

"Sabi ni Miro hayaan na daw po kayo magpahinga, eh. Ayos lang ma'am. Mahaba din ang dinrive niyo." Tumango nalang ako at sinimulang i-assemble ang camera ko. Pinunasan ko na rin 'to.

Nang matapos ay bumaba na ako. Inabangan kami ni Paula sa lobby.

"Start na tayo?" Tanong ko. Nag-aalangan siyang ngumiti.

"May isa pa kasing kulang, Ms. Aly." Nangunot ang noo ko. Hindi pwedeng mahuli kami.

"Mga anong oras daw ang dating? Kailangan nating maabutan ang araw."

"Hindi ko din kasi macontact ang manager niya, eh."

Ito ang isa sa kinaiinis ko sa mga artista. Porket sila yung bida, pa-star lagi. Hindi marunong sumunod sa oras. Pero sige. Konting oras pa baka sakaling nagka-aberya lang sa biyahe. Mahaba naman pasensya ko... minsan.

Lumabas ako ng hotel at dumiretso sa dagat. Ang ganda talaga ng lugar. Dahil hindi pa naman nagsisimula ay inayos ko ang camera para kuhanan ang lugar. Nang makuntento sa mga kuha ay umupo ako sa buhanginan. Nakakainis ang tagal. Tsk.

Nakaharap lang ako sa dagat. Namulot ako ng buhangin tapos ay ipinuwesto ang camera. Tinapat ko ang kamay sa tapat ng lense pagtapos ay dahan dahang pinakawalan ang buhangin sa kamay. Tyinempuhan ko ang pagbagsak nito bago pinindot ang camera.

Lupet. Ang ganda ng repleksyon ng araw sa dagat at pinalabo ng bumagsak na mga buhangin. Kumuha pa ko ng iilang litrato bago tumigil. Malapit nang lumubog ang araw. Inis kong tiningnan ang relo.

Tumayo na ko para pumasok sa hotel.

"Where are they?" Seryosong tanong ko. Naiiniis.

Kinakabahan ang mukha ni Paula. "Sorry Ms. Aly. Papunta palang daw po siya." Pahina nang pahina niyang sabi.

"Nasaan ang iba?"

"Nasa kwarto po nila."

"Pababain mo na. Kukuhanan ko na. Yung wala pa," Nag-isip ako nang magandang ganti dahil talagang nababadtrip na 'ko. "Pakisabi hindi araw ang mag-aadjust sa kaniya." Irap ko. Kumilos na sila para tawagin ang ibang model.

Capture me, Alynna (Villa Priscilla Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora