Chapter 20

608 34 11
                                    

"Sandali," Tiningkayad ko ang kasama. Inayos ko ang suot niyang sumbrero pati ang facemask dahil baka may makakilala sa kaniya. He pulled my waist closer while I'm fixing his cap. 

"You're so pretty." bulong niya kaya natigilan ako. Nang makabawi ay inirapan ko lang siya at mabilis na tinapos ang ginagawa. Bahagya ko siyang tinulak. 

"Tara na nga sa loob." 

Inakay ko na siya papasok ng resto bar. Nang tumanda kami ay dito na kami tumatambay though syempre duhat pa rin kaya lang may ibang timpla na ang mga bibig namin. Hindi na gulaman ang hanap minsan. 

Marami-raming tao sa loob kaya medyo kinakabahan ako kasi baka makilala si Calys. Kasagsagan pa naman ng movie niya. Hindi ko pa rin pinapanood dahil ayoko lang. 

"Ly, dito!" Nakita kong kumakaway si Mia at Shy sa pwestong medyo sulok na. 

"Bakit nasa sulok naman tayo?" tanong ni Misha na nasa likod ko pala at kadarating lang kasama si Jioh.

Hinawakan ni Shy sa braso si Misha at bumulong, "May artista nga 'di ba?" 

Nang banggitin 'yon ni Shyla ay naramdaman ko ang paghawak ni Calys sa kamay ko. Nakuryente man ay inakay ko nalang siya palapit sa mga kasama. 

"Siya na ba 'yan?" Maangas na tanong ni Ada. 

"Feeling ko nag-aassume ka pa rin girl. Face reveal nga!" Sarap sabunutan ni Misha Vien! Anong akala mo sa'kin ilusyunada? Tse!

"Upo kayo." Naupo kami ni Calys sa pwesto na nakatalikod sa tao dahil kailangan talaga naming mag-ingat. 

"Kumusta pre?" tanong ni Ali kay Calys. Tinanggal ni Calys ang sumbrero at sinuot muli ng pabaliktad. Tinanggal niya rin ang facemask kaya nataranta ako. Shet ang gwapo niya kaya lang jusko napaka-risky na ginawa niya. Kaya tinaas ko ang hood ng jacket niya. 

"I'm good," sagot niya kay Ali bago tumingin sa akin. " Why?"

"Ay pota totoo nga!" 

"Jusko legit!" Mahinang hinila ni Mia ang buhok ko. "Gandang bata." gigil na sabi niya bago tumayo para salubungin ang asawa. 

"So," panimula ni Je, "Saan ka nga nakabili ng gayuma ha?"

"Papansin ka kamo." angil ko. Basher talaga, e!

"Hindi seryoso nga tanga. Bibigyan natin si Ali para mahalin ni kalawakan."

"Tanga ka rin seryoso. Mas mukha ka pa ngang manggagayuma sa'kin, e!"

"Tanga nga 'yan. Hoy Jerome mahal ako no'n fyi."

Inirapan lang siya ni Jerome para sabihing hindi siya naniniwala. Si Jerome lakas makairita. Walang matinong sinabi, e.

"Grabe pero paano nga kasi kayo nagkakilala? Oy, hi Mayor!" Nilingon namin sila Mia nang batiin ni Mess si Mayor. Nagbatian kami bago bumalik muli sa tanong.

"Malamang sa work." Sagot ko.

"Tapos? Nagustuhan mo siya?"

"I've got interested on her." He winked at me.

"Bakit? Anong interesting kay Aly?" Mariin kong kinurot si Ali. Napakahayop! Nakakairita ang halakhak nila.

"Well she's kinda intimidating."

"Ano?"

"Paanong naging intimidating 'yan? Tulala nga palagi 'yan!"

Bakit ko ba sila kaibigan? Ang sarap asinan ng mga bunganga, e.

Capture me, Alynna (Villa Priscilla Series #2)Where stories live. Discover now