Chapter 6

681 35 0
                                    

"Anong tinutulala tulala mo diyan, Alynna?" Inismiran ko lang si Ali. "Ang yabang 'kala mo maganda." Mabilis ko siyang binatukan. Tsk.

Nasa Villa ako ngayon dahil bumisita ako kay mommy at syempre chill kami ng mga kaibigan ko. Month of May na ngayon. Mag-iisang buwan na ang lumpas. Halos naging abala kaming lahat noong April at ngayon naman umuwi ako para sa pre-debut shoot ni Andra.

"Hoy, Aly ano ka? Kanina ka pa mukhang tanga diyan."

"Bakit niyo ba kasi ako tinitingnan?" Nguso ko. Badtrip 'tong mga 'to.

"Nakakasulasok ang haba ng nguso mo." Ginaya niya pa talaga ang nguso ko.

"Di mo bagay, Jioh leche ka."

May iniisip kasi ako. Actually noong nakaraan ko pa 'to iniisip. Ang tagal na nitong naglalaro sa isip ko.

Nagpatuloy kami ng kwentuhan. Sinimulan na kasing ipadevelop ni Jerome ang Villa Luz. Kaya iyon ang pinaguusapan namin. Balak nga din naming dayuhin ang resort nila sa Batangas though napuntahan ko na 'yon dahil ako ang nagphotoshoot ng resort na 'yon. Nakakainis magtrabaho kay Jerome. Ang kunat!

Pero ayon nga, sana matuloy. Gusto ko ding marelax, eh. Maya maya pa ay dumating si Ada kasama ang dalawang kaibigan niya.

"Ah si Waze nga pala guys, kaibigan ko. Si Dane din, kilala niyo naman na siya." Sweetheart mo 'yan noon, eh!

Aasarin ko sana kaya lang nakakahiya. Ang gwapo ng mga kaibigan nitong babae na 'to. Si Tantiangco kilala na namin 'yan noong senior high school palang. Si Waze naman mukhang pamilyar pero di ko na maalala. Nakakalungkot nakakalimutan ko ang mga mukha ng gwapo.

Nagpatuloy kami ng kwentuhan. Puro asaran lang at minsan tungkol sa negosyo. Hanggang sa napunta sa pagiging NBSB ni Ada.

"Hoy naging kayo ba?!" Alam ko hindi naging sila ni JC, eh.

"Tumigil ka nga, Alynna!" Sungit.

Puro daldal lang si Ali at Jerome. Sila bangka, eh madaldal din ang mga kaibigan ni Ada kaya ayon. Lulubog ang barko ang peg nila. Sagwan pa more.

"Nakita ko portfolio mo, ah? Gaganda," Maya mayang sabi ni Ada sa gitna na pang-aasar namin kila Misha.

"Ako pa ba, Ada?"

"Oy Aly, hingi mo naman ako ng autograph kay Calys Medina. Ang ganda ng boses no'n grabe." Napangiwi ako.

"Ah hindi ko 'yon kilala." Mapait na sabi ko.

"Sinungaling ka! Ikaw nga ang kumuha ng latest photoshoot niya." Ayaw talaga magpatalo nitong Mia na 'to! Makaramdam ka mars :(

"Ah basta, ayoko." Irap ko. Syempre umirap din siya. Napakamaldita! Eh, sa ayoko, eh. Tsk.

Naalala ko na naman ang lalaki na 'yon. Simula nang halikan niya ako sa opisina ko, hindi niya na ako pinansin hanggang makaalis sila. Noong kinabukasan naman ng photoshoot, sobrang extra. Ang sweet sweet niya.

FLASHBACK

"Hey," Bati niya nang makalapit siya akin. Kararating lang nila. Nang sabihin ni Pia na narito na sila, hindi na kumalma ang puso ko. Sabog ako ngayon kaya nakakahiya humarap. Ni mag-powder nga hindi ko nagawa. Kung kahapon nakapag-ayos pa ako, ngayon naka-printed t-shirt lang ako at ripped jeans. Madumi pa nga ang suot kong white sneakers.

Paano ba naman ako aayos kung mag-damag mulat ang mata ko? Halos hindi magfunction ang lahat sa akin dahil sa ginawa ng lalaki na 'to. Akala niya ata nakakatuwa niya. Well, partly I'm kinda happy kasi sino bang hindi? Inaya kang magdate ng crush mo! Hello, girl? Paano kumalma?

Capture me, Alynna (Villa Priscilla Series #2)Where stories live. Discover now