Chapter 17

582 27 11
                                    

"Try mo 'to tingnan mo kung gagana."

"Maganda ba 'to? Bago lang, ah. Sinong developer?"

"Ewan ko ba. Bilis na. Uy Tanya nasend mo na yung ibang pictures?" Mabilis na tumango si Tanya kay Miro kaya ibinalik muli nito ang tingin sa ginagawa nila ni VJ.

Kalalabas ko lang ng opisina para kamustahin 'tong mga 'to. Busy kami ngayon dahil ang daming kliyente.

"Ano 'yan?" Nagulat ang dalawa nang lapitan ko sila. May sinusubukan ata silang bagong application.

"Wala hindi mo alam 'to." Tabig ni Miro. Pikon ko siyang tiningnan.

"Yabang nito. Ano nga 'yan?" Pinakita nila sa akin ang ginagawa. Tama siya, hindi ko nga alam.

"Sabi sa'yo 'di mo alam, eh. Tabi ka nga." Mahinang tinulak ko siya. Pagkayabang yabang ng hayop na 'to.

"Absent lang ako niyan!"

"Lagi ka namang absent." Inabot ko si VJ para kurutin. "Aray! Totoo naman kaya. Anong sabi sa kaniya ni Sir Alonzo, Miro? "Sino bang in-enroll ni Ramos yung kaluluwa niya at hindi ko nakikita?" HAHAHAHA!"

Parang gago silang nagtatawa doon. Nakapa-OA. Ilang beses lang naman ako nag-aabsent parang ang big deal lagi. Mga bwisit.

Nagpatuloy sila nang ginagawa hanggang natapos ang buong maghapon namin. Isang buwan na ang nakalipas nang huling magkita kami ni Calys. Hindi na rin ako nakatanggap ng mensahe galing sa kaniya. Sa social media nalang ako nakikibalita kung anong nangyayari sa kaniya.

Nakausap ko rin kahapon si Vince tungkol sa pinapagawa niya kaya lang gaya ko ay hirap din ang tauhan niya na kontakin sila Jianna. May project kasi ang dalawa actually matagal tagal na rin ata nila itong shino-shoot. Ito ang kauna-unahang movie na pagbibidahan nila. Nakakagulat dahil never ko pang nakita si Calys na umacting. I never thought pati pagiging actor papasukin niya. However, Jianna's sucks at acting. Like nakakadismaya as in. Kaya takang taka ako kung paano naging best actress 'yon. Mas maiging kumanta nalang siya!

Sabado ngayon at nasa studio kami para tapusin ang isang trabaho. Kailangan na kasi 'to kaya minamadali namin. Lahat kami tutok sa ginagawa.

"Okay na ba 'to, ma'am?" Mabusisi kong tiningnan ang binigay ni Pia. Nang may makitang mali ay agad ko itong sinabi sa kaniya para baguhin. Tumango lang siya bumalik na pwesto.

Binilisan ko ang pagtatrabaho para matapos na kami.

Ilang oras pa ay halos tapos na ang lahat at nagpapahinga na.

"Kain muna tayo—"

"Alyyyyyyy!" Huh? Nilingon ang sumigaw , gayon nalang ang gulat ko nang makita ang mga kaibigan.

"Hoy Alynna hindi ka na umuuwi!" Sigaw ni Ali habang nakaturo pa sa akin.

Mabilis akong tumakbo para yakapin sila. "Grabe anong ginagawa niyo rito?!" Gulat kong tanong.

"Bibisitahin sana namin si Ada tapos naisip ka namin kaya dinaanan ka na namin." Medyo natigilan ako sa paliwanag ni Jerome. Siniko siya ni Shyla.

"Si Ada lang bibisitahin niyo?" Mahinang tanong ko.

"Tangina mo talaga Jerome sabing 'wag mo na ituloy, eh!" Singhal ni Misha.

"Nagtampo tuloy. Bobo kasi."

"Gagi, Aly joke lang! Si Ali nakaisip non. Gano'n daw sabihin namin para mainis ka." Mapait akong ngumiti.

"De okay lang. Aalis na din ba kayo? Ingat ha."

Capture me, Alynna (Villa Priscilla Series #2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ