Chapter 23

460 30 1
                                    

"Yow! Kumusta kayooo?"

Kasasagot ko palang ng tawag ay narinig ko na agad ang bunganga ni Shyla. We are currently having video call.

"Nasa'n sila Ali?" Tanong ni Mess.

"At bakit sila kasali aber?" Ano bang nakain ng babae na 'to at ang hyper?

"Shyla, stop eating chocolates." Sita ni Ada.

Natawa kami at ngumuso naman ang isa. Pampahyper nga naman kasi 'yon.

"How are you guys?" Si Misha,

"Good."

So far pare-pareho lang naman kami ng sagot. Nagkukwentuhan kami ng kung ano ano nang mapansin kong nakayuko si Shy. Parang may tinitingnan sa cellphone niya.

"Shyla tumawag ako para makapagbonding tayo. Bakit magcecellphone ka?" Mataray na tanong ni Miana. Para namang walang narinig yung isa at nakayuko pa rin. Anong nangyari rito?

"Shyla!"

"Denden!"

"Dean Shyla!" Sigaw ko at doon lang siya tumingala.

"H-ha? Ano 'yon?" Utal niyang sabi.

"Anong ano 'yon? Nag-uusap dito tapos hindi ka nakikinig ha?"

Tumawa siya nang malakas pero dahil sa ganda ng quality ng camera niya, kitang kita namin ang sunod sunod na pagpatak ng luha niya.

"Hoy gagi?" Gulat na tanong ni Artemis. Lahat kami ay nagtataka.

"Den, bakit?" Nagaalalang tanong ni Mia.

"Tange wala 'to. Hahaha!" Kasabay ng tawa niya ay sumabay ang hindi mapigilang hikbi hanggang sa yumuko nalang siya at tahimik na umiyak.

Walang nagsasalita sa amin at pinapakiramdaman ang isa't isa. Pinapanood lang namin ang kaibigan at hinihintay na kumalma.

"Bakit gano'n? Pwede naman kami, e. Pero bakit hindi pa rin kami?" Tahimik kaming nakinig sa kaniya.

"Ang hirap niyang mahalin." Nanginginig ang labi niya nang bigkasin ang mga salita na 'yan. Mabilis namang sumunod ang mga luha sa mata na pilit niyang pinupunasan. Nakita ko ring umiiyak si Miana.

"Alam niyo 'yon? Yung okay kayo sa lahat. Okay kayo sa mga tao sa paligid niyo. Right place, right time. Pwedeng pwede kayo... Pero yung nararamdaman niya hindi pwede. Ayaw, e. Hahahaha!"

"Ang hirap kalabanin. Lahat ginawa ko para ako nalang yung mahalin niya. Para kahit papaano... kahit kaunti lang sana. Baka naman pwedeng bigyan niya ko ng kaunting nararamdaman." Shy...

"Why do I need to love someone who doesn't even look at me? Tangina mahal na mahal ko siya. Akala ko siya mahal niya rin ako." Akala rin namin. Alam naming mahal ka niya. Yumuko siya at nilaro ang mga kamay. "Anong gagawin ko?" Parang batang niyang tanong.

Naawa ako kay Shyla. Pero hindi iyon ang kailangan niya.

Umiyak siya nang umiyak at wala kaming ginawa kung hindi pakinggan siya hanggang lumipas ang oras at kumalma na ang nararamdaman niya.

"Sorry guys huhuhu. Nagulo ko ang bonding natin."

"Parang gago tumigil ka nga. Alangan namang unahin pa namin ang chikahan? Edi ikaw nalang ang pagchismisan namin!" Biro ni Mia.

"Mia naman, e!"

"But it's totally fine, Shy.  You matter more than anything else." Misha,

"Right. It's better to let that out. I know you are still not okay but we are here, Shy. Okay? Huwag iyak nang iyak sa sarili. Kaya nga tayo magkakaibigan." Parinig ko at makahulugang tiningnan si Ada. Guilty'ng umiwas lang siya ng tingin.

Capture me, Alynna (Villa Priscilla Series #2)Where stories live. Discover now