Chapter 5

681 36 2
                                    

"Pia, anong sabi?" Umaasa kong tanong kay Pia. Nagaalangan siya kung sasabihin niya ba o hindi na dahil sa mukha ko kaya nakutuban ko na.

Napabuntong hininga ako. "Ayaw?" Umiling lang siya. "Sige salamat. Pakibilinan nalang yung mag-lilinis ng studio."

Tomorrow is Calys photoshoot at dito gaganapin sa studio. Nakiusap ako kung pwedeng hindi ako ang kumuha. Binuild up ko pa ang credibility ni Leslie baka sakaling pumayag kaso olats. Ayaw ng Medina na 'yon badtrip.

Naalala ko pa rin kasi yung nangyari noong nakaraan. Medyo naturn off ako sa kaniya. Wow lakas maka-highschool. De joke lang. Eh, kasi kung saan saan sila naghahalikan kaya medyo na-turn on ako— ay naturn off pala. My goodness my virgin mind.

Pero ayon nga ayoko siya makaharap kasi nakakakaba na naman for sure. Nagiging at ease lang naman ako kapag naiinis na ako kay Jianna. Eh, wala naman siya ngayon. Kaya I'm 100% sure na hindi ako kakalma.

After noong nangyari last time hindi na sila nawala sa isipan ko. Talagang grabe yung curiousity ko sa kanilang tatlo. Nagwowonder ako kung anong meron kay Jianna at sa waiter na si Vince. Though mukha namang hindi talaga siya waiter at parang nagpanggap lang siya. So another isipin na naman kung bakit siya nagpanggap? Tapos ano bang meron sa kanilang tatlo at ang tindi ng tension between them? Ang daming tanong, right? Hindi ko lang talaga maiwasang mapaisip.

So anyway saka ko nalang sila iisipin dahil bukas haharapin ko ang isa sa kanila. Kailangan ko maghanda tsk.

Ginugol ko ang maghapon sa trabaho. Pagtuntong naman ng alas kwatro nagsimula na kaming mag-ayos ng studio. Nakakahiya naman sa kliyente namin bukas at superstar 'yon. Baka mapintasan mahirap na.

"Bakit hindi ka umuwi? Birthday ni Tita, ah?" I was in the phone with Misha.

"Nasa Japan si mommy, eh. Saka may appointment din kasi ako ngayon."

"Ang pangit ng ugali nito. Umuwi pa naman si Ada, chill daw tayo."

"Eh, mas pangit ang ugali niyo. Bakit ngayon niyo lang sinabi?" Wala naman silang nababanggit.

"Matic na kasi na uuwi ka dahil birthday ni Tita Yssa. Ipagluluto kami no'n 'no!"

"Sana kasi sinabi niyo edi sana hindi ko tinanggap 'to." Nakanguso kong reklamo kahit hindi naman niya nakikita.

"Gaga ka. Wala, absent ka ngayon! Ikaw ang taya sa susunod." Ako na nga ang hindi kasama, ako pa taya?

"Ayos ka, ah!"

"Oh bakit?!" Maldita talaga!

"Oo na. Mga walanghiya kayo. Basta, video call nalang bukas ha?"

"Taray. 'Musta naman diyan sa Korea?" Natatawang asar niya.

"Nagkiss na kami ni Lee Min Ho!"

"Gago lagot ka kay Ada. Haha!" Natawa ako. Si Ada parang ulaga din, eh. Di mo akalaing baliw sa koreano.

"Ah basta tatawag ako! 'Wag niyo na isama si Ali." Humalakhak siya.

"Dehins pwede mas kailangan niya ngayon 'to." Nacurious naman ako.

"Aw bakit? Anong chikading d'yan?"

"Chikading ka lang. Pinatapon siya sa ibang kalawakan." Nge? Humalakhak ako. Kawawa naman si Alisander.

"Kawawa naman. Buti nga. Haha!"

"Luh ang pangit ng ugali."

"Ikaw pangit ka. Basta ha? Sige na. Bukas nalang. Sagutin mo ang tawag ko Misha Vien!" Sigaw ko sa kaniya.

Capture me, Alynna (Villa Priscilla Series #2)Where stories live. Discover now