Chapter 2

799 42 4
                                    

"Pia do you have Ms. Reg phone number?"

"Yung road manager po ni Calys Medina?" I just nodded. I'm going to accept the photoshoot. One day shoot lang naman 'yon. Hindi naman 'yong music video ang ishoshoot.

She gave me the phone number but I decided na siya nalang ang tumawag kay Ms. Reg. Bahala silang mag-usap. Pwede namang si Leslie ang ipadala kong photographer. Trained naman lahat ang mga photographers ko dito. Walang latak, palaban lahat.

Nagtrabaho ako the entire day. Halos makalimutan na naming kumain dahil sa mga ginagawa. Madalas 'yon mangyari dahil talagang nag-eenjoy kami. Lalo 'pag mga commercial videos. Yung mga video editors talagang aliw na aliw. Buti nga at nag-risk ako sa mga gano'n. Kaya naman pala at ang saya gawin.

Mabusisi kong binalikan ang trabaho. Lahat ng pictures ay talagang pinagtutuunan ko ng pansin. Ayokong may pangit akong gawa dahil public figure ang kliyente ko. Lahat ng fans nila mapapansin ang gawa ko.

Natapos ko ang ginagawa in just a day. Lahat ng photos ay na-edit ko. Bukas sisimulan na namin 'to ilagay sa ni-layout naming magazine. Maiuupload na din namin ang mga pictures sa instagram.

Sa totoo lang, sobrang nag-eenjoy ako sa ginagawa. Akala ko noon walang patutunguhan ang hilig ko. I even planned to shift course. But I'm glad I didn't. Ito talaga ang passion ko. Dito ko nakukuha ang fulfillment ko.

I remember my journey before I get here. Ilang companies ang nagreject sa akin kahit para sa akin sobrang ganda na ng portfolio ko. Ewan ko kung pinagbasehan ba nila ang TOR ko. Wala talaga silang mahihita doon dahil karamihan ng grades ko nakabase sa dami ng absent ko. Haha! Hello nakakatamad pumasok!

Althrough out my journey, nakasupport ang mga kaibigan ko. Sila ang napush sa akin na i-pursue ko 'to. Naalala ko pa ang excitement ni Mia at Shy sa tuwing papalakasin ang loob ko. Pati ang matatalim na salita ni Ada at Artemis 'pag naiisipan kong sumuko. Misha always lift me up when rejections ate me. Gano'n din ang mga kaibigan kong lalaki. Wala ni isa sa kanila ang nag-sabi itigil ko 'to. Lahat sila naniwalang kaya ko at magiging magaling ako.

Katulad ng mga kaibigan ay gano'n din kalaki ang supporta ni mommy sa bagay na gusto ko. Naalala ko kung paano niya ipaalala na ako ang maghahandle ng business niya. Bata pa 'ko no'n kaya oo lang ako nang oo. I never expected that things will eventually change. Naiba ang gusto ko. But never in my life na kumontra si mommy even once. Lahat 'yon, suportado niya lahat. Ni minsan hindi siya nagduda sa kakayahan ko.

I'm so happy that God surrounds me with wonderful people.

---

Ilang araw ang lumipas. Natapos na din namin ang project namin doon sa kasal. Based on the comment sa internet when we released it, magaganda ang feedback. Mas marami ding pumuri sa photography skills ko dahil sa pre-nup. Ako kasi ang kumuha nang mga 'yon. Pati pag-edit ako din. Tuwang tuwa naman ang mag-asawa sa wedding pictures nila na naka-frame. Ang yabang tuloy ni Miro ngayon!

Marami akong naging prospect clients. May mga nag-email ding mga artista for some maternal shoot and baby showers. Lahat 'yon ay balak kong paunlakan. Kailangan kumayod dahil marami pa akong papasahurin.

We are now currently working sa isang minor shoot namin. Pre-debut lang ito ng anak ng isang mayamang negosyante. Next week naman kami iko-cover namin ang mismong debut niya. Hindi na ako sasama dahil may appointment ako no'n. Kaya naman na nila 'yon. But before that, this weekend na ang alis namin pa-Batangas for the photoshoots ng isang sikat na magazine. Pressured ako dahil sikat talaga 'to at ang lupet ng kalaban nilang magazines.

"Ma'am ito po 'yong mga files."

"Put it there." Busy pa rin ako sa ginagawa.

"Nagpa-appointment po pala ng meeting si Ms. Reg regarding sa photoshoots na pinabooked nila."

Capture me, Alynna (Villa Priscilla Series #2)Where stories live. Discover now