Chapter 14

522 37 6
                                    

Dumiretso ng kusina si mommy habang inakay ko ang bisita sa sala. 

"Ano bagang ginagawa mo na naman kasi rito?"

"Ulit-ulit ka?" Aww sungit yarn? "I told you, I will just get my stuff." Biglang pumasok sa akin ang eksena kaninang umaga. 

"Nga pala ikaw hudas ka. Bakit naman sa dami dami ng maiiwan mo iyon pa?" Pigil sigaw kong sita. 

"Duh? Do you honestly think that I can be able to choose what to and not to forget?" He obviously said na para bang ang tanga ng tanong ko. 

Inirapan ko nalang siya dahil nababanas ako. Nagmukha pa akong baliw sa harap ni mommy kahit totoo naman ang sinasabi ko. Tsk.

"Mag-almusal ka muna rito hijo at naghanda ako." Dali- dali akong ngumiti ng peke at inunahang magsalita si Calys.

"Ah hindi na mommy uuwi na rin siya. Kukuhanin lang niya yung naiwan niya." Pinandilatan ko si Calys habang may pekeng ngiti pa rin sa labi ko. Tumayo naman agad ang artista at matamis na ngumiti kay mommmy. 

"Thank you, ma'am." Ngumiti naman si mommy at tumalikod na. Inis ko siyang tiningnan. Tumaas lang ang kilay niya bago nagsalita. "Lead the way." 



Nagsimula na kaming kumain subalit naiirita pa rin ako. 

"Alynna ano bang problema ng nguso mo at hindi mo maitikom?" Napapahiyang tinikom ko ito. 

Tss. Pinagpatuloy ko ang pagkain. Tahimik rin akong nagnanakaw ng tingin kay Calys. Saan na naman kaya ang lakad nito?

"Why?" Nagulat ako at mabilis na umiling kasabay ng pag-iwas ng tingin. Nakakahiya nahuli niya ako.

"Ynna kumain ka nang kumain diyan. Panay ang tulala mo." Naiinis kong binalingan si mommy. Kanina ko pa napapansin na pinapahiya niya ako. Palibhasa alam niyang crush ko 'tong lalaki na 'to!

"Ynna, huh?"

"What?" Kibit balikat lang ang isinagot niya.

Habang kumakain ay biglang may tumawag kay mommy. "Excuse me,"

"So Ynna is your nickname?" Nagtataka kong tiningnan ang katabi.

"And?"

"That's pretty nice. Suits you."

Biglang may pumitik sa puso ko at biglang tumibok nang malakas. Nagiwas ako ng tingin at napainom ng tubig. Anong problema nito at nagpapakilig?

"Uhm sorry Ynna and I badly need to go. May deliveries sa shop. I need to attend that." Mommy said soon as the call ended. Dahan dahan akong tumango. "Umuwi ka sa susunod na weekend ha. Hindi pa tayo tapos mag-usap. Calys hijo, bumisita ka sa bahay namin kung may oras ka." Ngiti niya kay Calys.

"I will, ma'am. Thank you."

"Tita Yssa. You can call me, Tita Yssa." What? At bakit?

"Sure, Tita."

Nag-ayos na si mommy at magkasabay namin siyang hinatid sa labas ng unit ko. "Diyan nalang kayo. Kaya ko na hanggang sa sasakyan. Mag-ingat ka, Alynna. Ikaw na ang bahala sa kaniya, Calys."

Nakangiting tumango naman ang katabi ko. Humalik na ako kay mommy at marahang hinaplos niya ang braso ni Calys bago pumasok sa elevator. Hinintay namin itong sumara bago sabay pumasok sa loob ng unit.

"Oh heto na ang mga gamit mo. Kompleto na 'yan." Nahihiya kong abot ng isang paperbag.

Kinuha niya lang ito at nilampasan ako bago ipinatong sa center table at nahiga sa sofa.

Capture me, Alynna (Villa Priscilla Series #2)Where stories live. Discover now