Chapter 15

588 34 4
                                    

He placed the paper bag from the music store on the center table and went to the kitchen. He probably preparing for the food. I went to him.

"Ako na rito,"

"No, I insist." He looks guilty. I let him and silently watch how he transfer the food in the plate. When he's done, I sat in front of him. "You don't want to sit beside me?"

"I'm fine here." Maybe he noticed the tension between us that's why he never asked further. We started to eat. Nakakabingi ang katahimikan. Tanging tunog lang ng kubyertos ang naririnig.

As usual, nauna akong natapos. Hinihintay kong matapos siya bago umalis. Nang mapansin niyang naghihintay ako, parang binagalan niya ang kain.

"Bilisan mo maghuhugas pa ako."

"I will do the dishes."

"You don't know how." Napakagat lang siya ng labi. Ang sexy, tsk.

Natapos siyang kumain at nag-ligpit na rin ako ng pinagkainan. Habang naghuhugas ay nasa gilid lang siya ng sink habang pinapanood ako. Nakakilang tuloy. Mabuti na nga lang at wala akong nabasag na baso kahit may mahinang panginginig akong nararamdaman dahil sa presensya niya.

"Hindi ka pa uuwi?" Tanong ko habang nagpupunas ng mga basang kamay. Ibinaba niya kamay na nasa lababo at umiling.

"I don't have schedule today."

"Why don't you rest instead?"

"I am resting." Whatever, Calys.

Nagdiretso ako sa sala para sana manood kaya lang nakita ko ang paper bag. Naupo ako sa lapag at kinuha ang mga strings. "Kabit mo na 'to."

"Okay." Inilapag niya ang wallet at cellphone sa center table bago kinuha ang gitara. Napansin kong may nalaglag. ID?

"Drike Calysto Medina? Ito ang real name mo?" Nagulat man ay tumango siya bago ibinalik ang atensyon sa ginagawa. "Ikaw ang tagapagmana ng isang communication agency?"

"What? Of course not."

"So finafollow mo si Artemis?"

"What are you talking about? It's Calysto not Callisto."

"Joke lang, eh. Pero doon kinuha ang name mo no? You're a moon."

"No."

"Weh? Moon ka, eh. And... A godde—"

"No. I'm not a moon nor a goddess. Stop that. I'm not a follower of Artemis. My name has nothing to do with Callisto."

Humalakhak ako. Napakapikon, eh. Haha! Binibiro ko lang naman tsk.

"Pikon ka?"

"Sarap mong piltikin ng string." Aba't!

Inirapan ko lang siya at binalingan ang ID. Bakit ang gwapo? Dapat 'di ba pangit?

"Di ba required na pangit ang picture sa ID?"

Ngumisi siya, "So you're saying that I'm handsome?"

"Hindi maganda lang lighting mo rito."

"Sus." Tse. "How about you? What is your full name?"

"Alynna Therese Ramos," Bakit kaya pagsinasabi natin ang pangalan natin nakakailang? Parang nakakabulol? O ako lang?

"Therese..."

"Don't call me that."

"Why? That's gorgeous."

"Yung huling tumawag sa akin niyan wala na." Tawa ko.

"Silly. But I prefer Ynna."

"Si mommy ko lang tatawag no'n." Parang bata kong sabi. He just chuckled.

Capture me, Alynna (Villa Priscilla Series #2)Where stories live. Discover now