Chapter 18

555 36 8
                                    

Hindi magkamayaw ang sigawan ng mga tao. Halos dumagundong ang buong mall lalo na nang magtama ang mata nilang dalawa habang magkahawak ang kamay at kumakanta.

"OMG!!! Grabe ang titigan! Kayo nalang please!!!!" Mabilis kong siniko si Miana.

"Tumahimik ka nga!"

"What?! Why?! Nakakakilig kaya sila!" Inirapan niya ako, "Go #Calianna!!!"

Calianna? Ang kokorni amputa. Ang sarap batuhin ng itlog na bulok. Akala mo ang gagaling kumanta! Tse.

Hanggang matapos ang kanta ay matalim ang tingin ko sa entablado. Para bang hinihiling ko na sana may kung anong pwersa ang mayroon sa stage na iyan at bumuka tapos mahulog sila. Inis na inis ako.

"Yung nguso mo ba hindi mo ititikom?" Puna ni Ali. "Ang sagwa tingnan."

"Pag sinuntok kita mas sasagwa ka." Irap ko.

"Ay bakit ba ang sungit mo?" Nilagay ko ang hintuturo sa labi ko at sumensyas na tumahimik na siya kaya mabilis niya kong inakbayan para pigain.

"Arayyy!!!" Impit na sigaw ko. Parang nalamog ako.

"Calys? Hello?"

Nagising ang diwa ko nang tawagin ng host si Calys. Dumiretso ang mata ko sa harapan. Nakita kong nakatingin nang masama si Calys sa akin kaya buong lakas akong kumalas kay Ali.

"Yes, I'm sorry I got distracted." Ngiti niya sa host.

Magkahawak pa rin ang kamay nilang dalawa.

"Okay so may tanong ang mga fans," Napuno ng tilian ang buong mall. Kahit sila Miana ay kilig na kilig ang kokorny. "Hmm, what is the real score between you two?"

Nakita ko ang mahinang tawa ni Jia sabay ang kapit ng kabilang kamay sa braso ni Calys.

"Well, we are good friends." Safe na sagot ni Calys habang malaking nakangiti sa mga tao.

"Oh come on, Calys. You've been saying that for almost years now. Yearly na ang sagot niyo na 'yan. I don't think maniniwala pa ang fans." Mapaglarong turan ng host dahilan ng malakas na pambubuyo ng mga fans.

Eh, bakit pinipilit niyo ba kasi?! Eh, kung sa good friends sila, ano naman? Tsh.

"There is something with your smiles. Do you think it is the perfect time?"

Nakita kong parang nahiya si Jia. Pulang pula rin siya at pilit itinatago ang mukha sa shoulder ni Calys. Nang gawin niya 'yon ay tumawa ng mahina si Calys kasabay ng malakas na sigawan ng tao na para bang alam na nila ang sagot.

Naging mahirap ang mga paglunok ko sa mga sumunod na eksena.

"Oh my God. I think we know now the answer, right guys?" Nakakabingi ang sigawan pero parang wala akong naririnig. Hindi naman malamig pero nanginginig ako. Nakakakillig naman, pero naiiyak ako.

"Rest room lang ako, Ada." Bulong ko kay Ada at mabilis tumakbo palayo. Kahit masikip pinilit kong makipagsisikan para makaalis.

Nang makalabas ako sa event place ay parang mas maraming tao ang nandirito. Mas masikip siya kumpara sa pwesto ko pero parang mas nakahinga ako ng maluwag.

Nagpunta ako sa cr kung saan wala gaanong tao. Nasa gitna ata ang lahat at kilig na kilig sa mga eksena. Nang makapasok ako ay ni-lock ko ang pinto at magkakasunod na pinakawalan ang mga luha.

Ang pathetic ko grabe.

Wala namang kami pero bakit naging ganito kasakit? Wala naman akong karapatang masaktan. Nakakainis kasi ayaw umampat ng luha ko. Gusto kong humagulgol kaso natatakot akong may makarinig kahit alam kong imposible. Dahil lahat ng tao ay nasa gitna at pinapakilig ng lalaking iniiyakan ko.

Capture me, Alynna (Villa Priscilla Series #2)Where stories live. Discover now