CHAPTER 31

3.4K 193 25
                                    

KINT...

Simula ng pumasok kami sa coffee shop ay hindi na ako nag salita, hindi ko alam kung bakit? siguro dahil sa inis ewan ang gulo, basta may parang bumalik?

Hanggang sa nakarating kami sa bahay ni tita marga, ilang minuto pa lang kami doon ng maramdamang naiihi ako, kaya nag paalam ako sa kanila gusto pa akong samahan ni king pero tumanggi ako

Pero parang maling tumanggi ako kasi hindi ko pala alam kung saan yung C.r

Nakakita ang ng isang maid agad akong nag tanong kung saan ang C.r

Marami daw C.r dito pero sa C.r sa taas na lang daw ang gamitin ko para siguradong walang gumagamit

pinataas nya ako tapos tinuro nya sa akin yung direction

diretso, kaliwa, kaliwa, kanan yang yung sinabi sa akin tapos daw makikita ko yung puting pinto

kaya yun nga ang ginawa ko diretso kaliwa kaliwa kanan at charan ang daming puting pinto

grabe ahh bat ba kasi ganto yung bahay nila tita marga nakaka inis na

Maya maya pa naisiban kung buksan isa yung pinto

una kung binuksan yung nasa unahan ko hindi ito cr kwarto ito may kama pa nga ito sinunod ko yung isa pero katulad kanina hindi rin yun yung c.r grabe ihing ihi na ako baba na lang sana ako para sa baba na lang ako umihi pero napatingin ako sa isang pinto na kulay puti pero may halong pink sa gilid tapos bahagyang naka angaw yung pinto

kaya kusa na lang nag kabuhay yung paa ko at saka pumunta sa kwarto na yun hindi rin ito c.r pero  katulad ng mga nauna kung buksan may kama din ito aalis na sana ako ng may makita ako na isang bagay dahilan para manatili ako doon

********

"Hayyy!" Ika ko ng maimulat ko na yung mata ko umaga na naman pala andito na kami ngayon sa masyon nila King

Nag text din sa akin kagabi si Ma'am Villano na sa Friday na daw kami pumasok I mean kaming lahat ng kasali sa pageant ang ibig sabihin lang nun ay isang linggo kaming walang pasok ang sabi lang sa akin ay para daw makapag handa kami ng maayos sa Pageant

Okay lang naman iyun para sa akin kaso nga lang ay baka mahuli ako sa klase dahil sa lintik na pageant na to

sariling praktis na rin daw ang gagawin kasi daw okay na naman daw yung ginawa namin ng dalawang araw

Hanggang ngayon ay wala pang nakakita ng pag babago ng itsura ko tanging si Tanya at yung mga kaibigan ni King syempre kasili na rin si King

Pero nung minsan na naka usap ko ulit si King sa bahay nila tita marga may sinabi itong hindi ko nagustohan 'Wala pa ring nag bago sayo mukha ka pa ring basahan' yan yung sinabi nya syempre naasar ako kaya nilayasan ko sino naman dibang matutuwa diba? ilang oras kaya yung pag mamake over ko

Bumangon muna ako para makapunta sa cr para makapag hilamos

pag katapos kung mag hilamos ay dumiretso ako sa baba papunta sa dining area gutom na namam kasi ako lagi naman akong gutom tuwing umaga

Pag punta ko doon wala pa si King kaya agad akong umupo at kumuha ng mga pag kain

kain lang ako ng kain ng mapatigil ako ng maramdaman na may matang nakatingin sa akin kaya agad kung hinanap iyun at doon ko nakita na kay king pala iyun sino pa nga ba ang aasahan ko diba?

Bahagya itong tumawa ng makalapit sa akin

"Grabe napapadalas ata ang pag kain mo ng marami medyo tumataba ka na" puna nito sa akin

MY BULLY FUTURE HUSBAND | To Be Published Under Etlux Oc Publishing Inc.Where stories live. Discover now