CHAPTER 36

2.7K 173 28
                                    

A/N: Wala gusto ko lang mag A/n bat ba? At saka gusto ko lang mag Third person Pov! pasensya na pala wala akong alam sa pageant  Siningit ko lang talaga to ! !

••••••

Malakas na sigawan ang naririnig ni Kint, hindi pa man kasi nag sisimula ang pageant pero kanya kanya nag sisitilian ng kani kanilang manok

Andito siya sa isang Classroom nag aayos ng sarili kasama sila Ate Anne niya at Kuya Fred at Ryan

napayuko na lang si Kint ng walang manlang sumigaw ng pangalan niya, meron man pero si Tanya at Tita Crystal nya lang

"Sout mo na yang Maskara!" utos ni ate Anne niya

"Mamaya mo pa yan huhubadin pag sa talent na!" Pag papa alaala naman ng kuya Fred niya

tumango na lang si Kint kahit kinakabahan siya, kahit kabisado na niya yung step nung sayaw ay di niya makuhang di kabahan lalo pa't hindi siya sanay sa ganito

Malakas na buntong hininga ang pinakawalan niya bago tumayo

narinig nya na kasi yung emcee at pinapila sila katulad nung pre-pageant sa College ulit nila ginanap medyo mas malaki kasi ito kesa sa kanila

lalong lumakas ang sigawan ng mga tao, kaya ganun din kalakas ang pag tunong ng dibdib ni Kint

muli siyang huminga ng malalim ng isa isa na silang tinawag para rumampa sa harapan

Production number muna hanggang sa rumampa ulit sila para mag pakilala

Unang tinawag si no. 1 Kaya agad itong kumaway sa mga taong nanonood at saka nag pakilala sa harapan kasunod ni no. 1 si number 2 hanggang sa si Rain na ang nag pakilala buong galak itong gumiti sa madla na sinundan naman ni Kian yung kaklase ni Kint katulad ng iba malakas din ang palakpakan kahit na may sout pa silang maskara pero kilala pa rin naman sila dahil sa No. na nakasout sa kanilang gilid

Candidate no. 8 sigaw ng emcee

kasabay nun ang dahang dahang pag labas ni Kint sa backstage

Pag labas nya naging tahimik ang buong paligid pero di yun pinansin ni Kint sa halip nag patuloy lang sya sa pag rampa

Ilang saglit lang pa narinig na nya yung suporta ni Tanya

sya lang yung tanging sumigaw at nag cheer kay Kint kaya naman napangiti na lang si Kint

sana kung si Tanya na lang ang naging kaibigan nya noon at hindi si Andrea, hindi sana mag yayari to

Tumigil sa pag lalakad si Kint at saka hinawakan ang mike na nasa harap niya at saka ngumiti at nag pakilala sa lahat

"I'm Kim Faj---!" pinutol ni kint ang pag sasalita ng mali ang nasabi nyang pangalan

Pero ngumiti pa rin siya at saka tinuloy ang pag papakilala

"I'm Kint Peter Isaac Arnaiz Representative of ABM-1" ika niya sabay ngiti ulit

Gusto sanang yumuko ni Kint dahil sa narinig niya yung ibang tumawa buti na lang narinig niya ang boses ni Tanya na kalapit lang ng tita Crystal niya sa unahan naman noon si Xyrill na nakangiti sa kanya

nginitian nya naman ito at saka ulit ito nag model papunta sa mga kasama niya na nasa likod nya lang naman

Pinabalik na ulit sila para sa swimsuit hindi nga nila akalain na may roon pang pa swimsuit baka nakakalimutan ata nilang mga lalaki parin sila

nakahinga ng maluwag si Kint ng makitang may panyong kasama yung swimsuit na isosout nila

mas ayos iyun para walang bumakat

MY BULLY FUTURE HUSBAND | To Be Published Under Etlux Oc Publishing Inc.Where stories live. Discover now