MBFH - 48

2.9K 162 6
                                    

MBFH - 48

KINT'S POV

"Pwede bang mamaya na yang Cell phone na yan?" tanong sa akin ni King kaya naman napatingin ako sa kanya kasalukuyan kami ngayong nasa loob ng Restaurant, may mga pag kain na rin sa table

"Mas importante pa ba yang pinag kaka abalahan mo kesa sa akin i mean sa pag kain, tingnan mo lumalamig na" muling saad ni King kaya naman binaba ko muna yung cell phone ko sa table at saka ako tumingin sa kanya, hindi ako sanay na ganto siya sa akin, napa buntong hininga na lamang ako at saka nag simula ng kumain

mag sasalita na ulit sana si King ng muling tumunog ang cell phone ko, kaya  agad ko naman iyong kinuha at binasa ang chat ni Tanya

From: Tantan

message: "Hala ka teh, bahala ka pag napikon yang si King, lipad ka talaga dyan" basa ko sa chat ni Tanya, kaya naman na patawa ako ng bahagya, ang sabi ko kasi kay tanya ichat lang niya ako ng ichat para hindi ako mainip dito, trip ko lang din asarin si King

Napatigil ako sa pag tawa ko ng may biglang kumuha ng cell phone ko kaya naman gulat akong napatingin kay King na kasalukuyan ng pinapatay ang cell phone ko pag katapos noon nilapag na niya sa table na nasa side niya

kaya naman bumalik na lang ako sa aking pag kain, na iilang kasi ako sa tuwing kaka usapin o titigan niya ako, siguro ay nasanay na din ako sa cold, at salbahing King noong may amnesia pa ako

"Natatakot ka ba sa akin?" King asked, so I shook my head

"Okay" sagot niya at saka kumain na lamang, tamo napaka cold talaga ng lalaking ito

pag katapos ng usapan namin iyun hindi na muling nag salita si King pero napapansin ko ang paminsan minsan niyang pag hawak sa kanyang ulo, pero pag titingin naman ako sa kanya nag iiwas lang siya ng tingin

"Okay ka lang ba?" hindi ko maiwasang mag alala, kasalukuyan kami ngayong nasa parking lot

"Oo naman bakit?" tanong nito at saka ngumiti sa akin

"wala wala" sagot ko na lang at saka umiling naiilang na naman ako

"Naiilang ka ba sa akin babe?" tanong niya kaya agad akong umiling

babe sya dyan baby kaya ang tawagan namin dati

"Why can't you look at me?" tanong niya kaya naman agad akong tumingin sa kanya nakipag titigan ako sa kulay brown niyang mga mata

"See, hindi mo nga ako kayang titigan ng matagal" saad niya ng agad akong umiwas sa pag titigan namin, Oo na na iilang ako sa kanya

"I'll court you again" seryosong saad niya kaya naman napatingin ako sa kanya

"Marami man ang nag yari sa pagitan nating dalawa, hindi naman nabago niyon ang nararamdaman ko para sayo, marami ng oras ang nasayang para sa atin Kint" saad niya pa sa akin kaya naman na patulala na lang ako

"Babawi ako, babawi ako sa mga katarantaduhang nagawa ko sayo, sorry" saad niya pa at saka dahan dahang lumapit sa akin

"Ngayon gusto ko lang malaman Kint kung ako pa rin ba? ako pa rin ba ang mahal mo" tanong niya ng makalapit sa akin

"Ako pa rin ba?" bulong niya sa tainga ko kaya naman pakiramdam ko nag taasaan ang mga balahibo ko

mag sasalita na sana ako ng tumunog ang Cell phone ni King

"Hello mom?"
"Wait! What?"
"Okay Sige po"

yan yung mga narinig kung sagot ni King sa Mom niya hindi ko naman alam kung anong pinag uusapan nila

MY BULLY FUTURE HUSBAND | To Be Published Under Etlux Oc Publishing Inc.Where stories live. Discover now