Epilogue

5.4K 213 83
                                    

Epilogue.

KINT 'S POV

7 years later.

"L-Lola s-sila Tom at Jerry po nag aaway sa labas" hinihingal na sumbong ni Dora kay mommy, kaya naman napailing na lang ako

"Bakit sila nag aaway?" tanong naman ni mom sa anak ko. Oo anak ko, hindi biro ang pangaganak ko para sa tatlong bata, mutikan na akong mawalan ng buhay, muntikan na akong sumunod kay daddy, buti na lang mabait sa akin ang Diyos at binigyan pa ako ng pangalawang buhay

"Kasi po lola may pinag aagawan silang bata, nagalit po si kuya Tom dahil po hinalikan ni kuya Jerry yung Crush ni kuya Tom" nakangusong sumbong pa ni Dora sa lola niya

"Hoy anong crush crush?" singit ko sa usapan nilang mag lola, aba't mga pitong gulang pa lang sila at may crush crush na agad at saka ano halik?

"Sino 'yung hinalikan ng kuya Jerry mo?" tanong ko pa kay Dora, nag iinit ang ulo ko, ang bata bata pa nila may mga halik na agad na nalalaman, mana sila sa daddy nila

"Yung anak po ni tita Tanya dada" sagot naman sa akin ni Dora dahilan para makulat ako

"Anak ni Tita Tanya mo?" ulit na tanong ko na ikinatango ni Dora

"Sino sa dalawa? si Tonton O si Tantan?" muli kung tanong kay Dora ba't yung anak pa ng kaibigan ko Jerry naku

"Si Tonton po" sagot sa akin ni Dora

"I'm home" biglang pasok ni King, kaya agad na tumakbo palapit sa kaniya si Dora at agad siyang niyakap

"May pasalubong si Daddy sayo Dora" saad ni King sa bata at saka inabot ang isang supot

"Na saan ang mga kuya mo Dora? sila kuya Tom at Kuya Jerry mo" tanong ni King sa bata ng mapansin na iisa lang sa triplets ang na abutan nila

"Nasa likod po, nag aaway sila" pag tatapat ni Dora sa daddy King niya

"Manang Carmen, paki tawag naman po sila Tom at Jerry sa likod" sigaw ni King

"Sige po sir King" sagot ni manang Carmen at saka ito tumakbo papunta sa likod

"Sakit ng likod ko, massage mo ako mamaya babe" sabi sa akin ni King at saka ako hinalikan sa labi

"Ganyan po yung ginawa ni Kuya Jerry kay Tonton" biglang ika ni Dora

"Anong ganyan?" gulat na tanong ni King kay Dora

"Ganyan po oh" sagot sa kanya ni Dora at saka pinag lapat ang mga daliri niya, sign ng kiss

"Nag kiss sila kuya Jerry at Tonton anak ng tita Tanya mo?" tanong ni King

"Opo" sagot ni Dora

"Francis Kint, Franco King" sigaw ni King, sa wakas ay binanggit din niya ang tunay na pangalan ng mga anak namin, pinag awayan pa namin dati ang pag papangalan sa mga anak namin, gusto kasi niyang pangalan ang anak namin ng Tom, Jerry, at Dora, na ikinatutul ko dahil ang sagwa, mas gusto ko yung pangalan na isinunod kay Daddy Francisco, sa huli ako pa rin ang nanalo, pero hayaan daw na iyun na lang ang maging nickname ng mga anak namin

MY BULLY FUTURE HUSBAND | To Be Published Under Etlux Oc Publishing Inc.Where stories live. Discover now