CHAPTER 28

3.5K 190 17
                                    

KINT...

Ambilis ng araw, Monday nga at papunta na akong school sinadya kung maagang gumising para maiwasan si King at saka may Exam kami ngayon

Pag labas ko ng gate may kotseng naka parada di ko na lang pinansin kasi kilala ko kung kanino yun, akala ko pa naman maiiwasan ko sya ang aga ko pa namang nagising

patuloy lang akong nag lakad pero ang luko sinusundan ata ako kaasar binilisan ko nga yung pag lalakad pero binilisan nya rin ng kunti yung kotse nya Ugh! inaasar ata ako ni King maya maya pa na isipan ko na lang na tumakbo katulad ng kanina mag kasabay pa rin kami

Huminto ako kaya huminto rin sya

"Problema mo ah?" Tanong ko

"Wala bakit ba?" He answered

"Sinusundan mo ba ako? Tanong ko

"Hindi papunta rin akong school bat may iba pa bang daan papunta doon?" He asked

Medyo na pahiya naman ako ng kunti kaya di na lang ako umimik at nag lakad na lang ulit, narinig ko na lang itong tumawa tsk! baliw talaga

"Sumakay ka na nga lang diti bakla ang arte mo eh!" Ika nito amp ako pa ang maarte inaano ko ba sya? di ako  nag salita at patuloy lang akong nag lakad

"Sakay na bilis!" utos nito na medyo galit na kaya sumakay na lang ako sa passenger set nakakapagod din naman mag lakad at saka may pag kamarupok din ako

"Sasakay lang din naman pala ang dami pang arte!" Bulong nito pero sapat para marinig ko hindi na lang ako ulit nag salita baka kasi humaba pa kasi nga Bipolar si King

Di ko namalayan na nasa parking lot na pala kami ng school ng hindi ko napapansin medyo lutang kasi ako kahit anong gawin ko diko mawala sa isip yung mga sinabi ni King kailangan kung mag relax exam pa naman namin

"Baka gusto mong buhatin pa kita pababa?" ika ni king dahilan para mawala ako ulit sa pag iisip kaya tumayo na lang ako at saka tinangal yung seatbelt pero kamalasan di ko matangal ang yare nakita ko naman tumawa si King minsan ko lang syang makitang tumtawa lagi kasing seryoso at laging malalim ang iniisip

maya maya pa si King na yung nag tanggal ng seatbelt ko kaya namannagulat ako sadya kung pinigilan ang aking pag hininga kasi kunting hininga ko lang ay mag tatama na ang aming mga balat nagulat ako ng tumingin ito sa mga mata ko nakatingin lang sya hanggang sa bumaba ang tingin niya sa mga labi ko nag taka pa ako ng medyo yumuko siya hahalikan ba ako ni King? Di ko magawang umiwas kasi may nag sasabi saking wag malapit na yung labi nya sa labi ko ng biglang may kumatok sa bintana ng kotse ni King tunawa naman si King at saka binaba yung salamin ng kotse nya sana di kami na kita ng tao sa labas sana nga

Sumilit ako para tingnan kung sino iyun si Nico pala nag usap lang sila kaya bumaba na ako sa kotse para makapunta na sa room ko

Malapit na ako sa room ng may tumawag sa akin pag harap ko si Ma'am Villano pala teacher namin sa math at adviser na rin

"Bakit po ma'am?" Tanong ko kay Ma'am Villano na nasa harap ko na nga

"Sunod ka sa akin sa Faculty!" Sagot nito Faculty? anong gagawin ko dun? nakaramdam tuloy ako ng kaba wala naman akonh ginagawa ah?

"Totoy pakitawag mo si Avila sa section A1 sabihin mo ay sumunod din sa Faculty " Ika ni Ma'am doon sa lalaking nag lalakad Avila? sya yung kaklase naming bakla bakit ba kami ni ma'am papapuntahin doon? siguro ay uuutusan kami may exam pa naman pero okay lang kanyang subject naman yung unang exam

Pag karating namin ni Ma'am sa Faculty maraming mga lalaking stuyade doon na halatang hindi straight nakita ko pa nga si Rain pero mukha hindi ata ako nakita maya maya pa dumating na si Kian sya yung sinasabi nyang Avila kanina

MY BULLY FUTURE HUSBAND | To Be Published Under Etlux Oc Publishing Inc.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon