CHAPTER 26

3.5K 194 12
                                    

KINT.....

Maaga akong nagising ito na ata ang pinaka magandang umaga na nagising ako hindi ko alam kung bakit pero napakagaaan ng pakiramdam ko dalawang araw na pala ang nakalipas simula ng dumalaw dito sila Tita Crystal at Tito Kenji dalawang araw na pala simula ng regaluhan ako ni King ng Bagong Cellphone na di Touchscreen yan yung inabot nya sa aking supot pero hindi ko naman ginagamit nakatago lang dito sa aking kwarto bukod sa hindi ko kailangan at may keypad pa naman akong Cellphone ay hindi ko rin alam kung paano gamitin iyun hindi kasi ako sanay na sanay na ako sa cellphone na ginagamit kung keypad medjo okay na ulit kami ni King bipolar kasi yung lalaking iyun

Lumabas ako sa aking kwarto at saka ako bumaba pa punta sa Dining Area medjo gutom kasi ako di kasi ako nakakain masyado kagabi kasi may tupak si King inaway na naman ako

Pag karating ko dun naabutan ko si king na naka upo at kumakain na kaya umupo na rin ako at saka kinuha yung bacon

"Morning!" bati nito na ikinagulat ko Di ko talaga maisipang baka may bisyo itong lalaking ito

ngumiti na lang ako at saka siya binati pabalik baka kasi tupakin na naman

pag katapos nun wala na sa aming nag salita hanggang sa matapos ang pag kain

Hindi na nga rin pala ako sumasabay kay king umiiwas lang ako baka kasi may makakita na kay king ako nakasakay, sabagay katulong nga pala ang tingin nila sa akin

****

Andito na ako sa tapat ng school hinatid ako ni manong bert medjo late na pala ako kasi kukunti na lang yung mga nakikita kung papasok sa gate friday ngayon kaya hindi sila naka uniform okay lang kasi sa aming hindi mag uniform kahit na private ito

Habang nag lalakad ako pinag titinginan ako ng nga ilang stuyadeng nadadaan ko naririnig ko rin yung tawa at pang lalait nila

"totoo ba yan yung yaya ni King?" sabi nung isang babaeng nakasalamin
"Sya nga daw tsk! ang panget naman kukuha na lang ng yaya yung ganyan pa!" sabi naman nung isa
"Oo nga sana ako na lang yung kinuhang yaya ni king!" hirit pa nung isa na medjo ikinatawa ko gusto nilang maging yaya para lang makasama si King ganun na ba sila kapatay na patay kay King? at saka hanggang ngayon pinag uusapan pa rin nila eh nung isang araw pa yun

pag karating ko sa tapat ng Classroom agad kung nakita si tanya kaya naman agad akong lumapit sa kanya katabi nya si Charles nag bebe time sila sanaol diba di ki na lang sila pinansin kasi na papasanaol ako

"Nakapag review ka na?" Tanong sa akin ni Tanya

"Oum!" sagot ko at saka bahagyang tumango summative test kasi namin ngayon

"Pagaya ako!" bulong nito na ikinatawa ko

"Di ka ba nag review?" Tanong ko

Umiling naman ito at saka tinuro si Charles

puro kasi harutan - Bulong ko na parang narinig ni Tanya kaya tinaasan ako ng kilay

Binigay ko na lang yung reviewer ko na kinuha nya at binasa nilang dalawa

maya maya pa dunating na yung teacher namin binigyan agad kami ng summative test

Nakita ko namang nakasimangot yung mag jowa  di kasi nila halos na basa yung binigay ko pero wala silang ginawa kundi ang itago iyun at saka kumuha na rin ng summative test

Alam kung ket papaano ay may maiisagot si tanya nag review na rin naman kami noon at saka napag aralan na namin iyun

ako ang unang nakatapos sa Summative test kaya binigay ko na yun kay mam nakita ko pang ngumuso si Tanya na parang nag hihinge ng sagot

MY BULLY FUTURE HUSBAND | To Be Published Under Etlux Oc Publishing Inc.Where stories live. Discover now