MBFH - 51

3K 166 0
                                    

MBFH - 51

KINT 'S POV

Buhat ng iwan ako dito ni Andrea, naka tunganga pa rin ako, hanggang sa maalala ko ang sinabi nito sa akin

"Sundan mo na lamang ang mga petals sa buhangin, sa dulo noon makikita mo ang taong nag papasaya sayo, pag pasensyahan mo na mukhang pang bata, minadali kasi lahat ng ito"

Nag papasaya sa akin? naguguluhan man, dahan dahan kung hinakbang ang mga paa ko at marahang naglakad para sundan ang petals na sa buhangin

pakiramdam ko malayo na ang narating ko dahil sa maliliit na hakbang ko hanggang sa makita ko na lang ang isang naka agaw sa atensyon ko isang iyung pintuan, na sa paligid nito ay puro ilaw, hindi mo masasabing gabi ngayon dahil sa liwanag ng paligid, kung titingala ka doon mulang makikita na gabi na pala

kinakabahan man pero nag lakas loob pa rin akong pumunta sa pintuan na 'yun, dahan dahan ko yung binuksan hanggang sa bumulaga sa akin ang ilan tao na naka tingin sa akin, mga taong malalapit sa akin, sila Tanya, Charles, Nico, Tita Crystal at tito Kenji sila Mommy at Daddy, napailing na lang ako ng mapatingin ako kila Andrea at Reian, paano kaya ng yare 'yun?

napatingin ako sa paligid, walang kaharang harang ang mga ito, siguro ay itong inaapakan ko lang ang may harang, sa unahan

nagulat ako ng may biglang lumapit sa akin, si Daddy, naka ngiti ito sa akin at saka niya ako binati

"I'm Happy for you son, I mean Daughter hahah" bulong sa akin ni daddy at saka hinawakan ang kamay ko para alalayan akong mag lakad

"Dad..." tawag ko, ang akala ko si Andrea ang ikakasal, muli ko tuloy na alala ang huling sinabi sa akin ni Andrea bago niya ako iwan kanina, "Ang ex ng magiging asawa mo" napatingin ako sa unahan, andun si King nag aabang sa akin, tama nga ako ng hinala, sa sinasabi ni Andrea na Ex daw ng magiging asawa ko, Ex ni King, isang tao lang naman ang alam kung ex ni King, si ───

"Kint okay ka lang?" biglang tanong sa akin ni dad ng makita ang pag babago ng itsura ng mukha ko, nadala lang ako sa aking pag iisip, magiging magulo at mahirap ang sitwasyon nila kung tama ako ng aking hinala kung sino ang ama ng dinadala ni Andrea, magulo talaga, sobrang gulo, mahihirap sila sa sitwasyon nila

"Okay lang po nagulat lang po ako, ang akala ko po kasi hindi tuloy ang kasal na ito" pabulong na sagot ko pa balik kay dad,

bahagyang tumawa ng mahina si Dad bago muling siyang mag salita

"Syempre, gawa gawa lang iyun para ma Surprise ka sa kaarawan mo, Happy Birthday anak, sana kahit anong mag yare sa araw na ito maging masaya ka" saad sa akin ni Dad, dahilan para mag taasan ang  balahibo ko, iyan na naman ang mga salitang niyang ganyan

"Dad.." bulong ko sa kanya

"Bakit nak?" tanong niya sa akin ng tinawag ko siya

"Thank you" sabi ko sa kaniya at saka siya hinalikan sa pisngi, at marahan siyang niyakap dahilan para mahinto kami sa pag lalakad

"I love you dad... thank you" muli kung saad na umiiyak na ako ngayon

"Shh... Don't be sad, okay? it's your day" saad pa ni dad hanggang sa inalalayan ulit akong mag lakad ni Dad, papunta sa harapan

MY BULLY FUTURE HUSBAND | To Be Published Under Etlux Oc Publishing Inc.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon