MBFH - 47

3.4K 188 10
                                    

MBFH - 47

KINT'S POV

Nagising ako ng nasa kuwarto na ako dito sa aming mansyon, agad kung ginala ang paningin ko sa kabuoan ng aking silid hanggang ngayon wala pa ring nag bago, yung kulay blue at black na wall yung study table ko, ang malaki kung salamin, at saka yung iba ko pang mga gamit gantong ganto pa rin walang pinag bago, bagamat malinis at walang ka alikabok alikabok wala naman na bago sa ayos ng gamit ko at sigurado din ako na walang nawala

Napatingin ako sa pintuan ng aking kuwarto ng biglang bumukas ito, si ate Anna pala, isa sa pinaka bata sa mga made namin

"Good evening po sir Isaac, kanina pa po kasi akong kumakatok, ang sabi po ng mommy niyo at pasukin ko na lang daw po kayo ng magising kayo pasenysa na po" gulat na ika niya sa akin ng makita niya ako, kaya naman nginitian ko na lamang siya

"Kint na lang beside na sanay na rin naman ako sa pangalang Kint" saad ko sa kanya at saka ko tinupi yung kumot ko

"Sige po sir Kint" naiilang niyang tugon

"Kint lang sabi ko haha" mahina kung tawa sa kanya at saka ko nilapag yung tinupi kung kumot

"Ahh sorry po, Si-r este Kint, nga po pala kakarating lang po nila Ma'am and Sir Franz, bumaba na daw po kayo ng sabay sabay na kayong mag hapunan" usal ni Ate Anna

"Paki sabi kamo na susunod na lamang ako" sagot ko pag katapos naman nun bumaba na si Ate Anna

Nag ayos muna ako ng sarili ko bago ako bumaba para makapunta sa Dining Area, nanibago pa ako dahil iba yung Hagdanan sa Mansyon ni King at sa Mansyon namin, kaya naman na hirapan pa ako sa pag baba ko sa hagdanan buti na lamang at maayos naman akong naka rating sa Dining Area, Nandun na sila mom at dad  na nag aantay sa akin na hanggang ngayon naman ay hindi pa nag sisimulang kumain

Tahimik lamang kaming kumain tatlo ng basagin iyun ni mom

"Anak!" tawag sa akin ni mom kaya naman napatingin ako sa kanya

"Nag kausap na ba kayo ng kuya Reian mo?" tanong niya sa akin kaya naman natigilan ako kasunod niyon ang dalawang sunod sunod kung pag iling

"Hindi pa po mom, hindi naman po kasi kami madalas mag kita, hindi ko rin naman po siya napapansin sa school" tugon ko at saka ko binaba ang
Kutsara't tinidor ko pag katapos non bahagya kung pinunasan ang gilid ng labi ko

"Ahh ganun ba nak?" mungkot niyang tugon sa akin "dibali may next time pa naman" saad niya sa kanyang sarili

"Nga! po pala mom sabi ni ate Anna, kakarating nyo lang din daw pong dalawa ni dad saan po kayo galing?" tanong ko kila mom at dad

"Ahh galing kasi kami kila King nak!" si dad ang sumagot sa tanong ko kaya sa kanya naman ako tumingin sa kanya ngayon

"Anong ginawa nyo po dun?" tanong ko naman sa kanilang dalawa since tapos na akong kumain makikipag kwentuhan na lang ako sa kanila maaga pa naman para matulog

"Talking?" sagot sa akin mom, kaya naman kay mom na ako ngayon nakatingin

"we talked about your wedding" dagdag pa ni mom kaya naman nanlaki ang mga mata ko

"Wait what? wedding?" gulat kung tanong

"Yes!" sagot ni mom sa akin at saka bahagyang lumungkot ang mukha niya, kaya naman naka ramdam ako ng kaba

"Bakit? ano pong pinag usapan niyo ang akala ko napag usapan na po natin iyon noong isang araw?" tanong ko sa kanila

"nag bago kasi ang isip namin ng dad mo, pina cancel namin ng dad mo ang nalalapit niyong kasal ni King" sagot ni mom

MY BULLY FUTURE HUSBAND | To Be Published Under Etlux Oc Publishing Inc.Where stories live. Discover now