MBFH-3√

8.4K 454 21
                                    

MBFH-3

KINT'S POV

Pagkapasok ko sa room nagbabagang tingin ni King ang bumungad sa akin hindi ko alam kung bakit pero sa dahilan ng pag tingin nito sa akin e nakaramdam ako ng kaba, hindi ko na lang ito pinansin at umupo sa tabi ni Tanya nakita ko kasi itong pumasok na, pagka upo po sya na mang pag tingin niya mula ulo hanggang paa

“kaninong damit yan beks?tanong sa akin ni Tanya

Ahh 'kin pagsisinungaling ko para hindi na s'ya mag tanong, ngayon nga lang siya pumasok, kukulitin pa niya ako

Kailan pa naging Fajardo ang last name mo, the last time i checked, Arnaiz ang apilyedo mo” nag dududang tanong nito sa akin, nangunot naman ang aking noo, Fajardo? Reian

Hinarap ko siya para sana mag tanong ngunit isang ngisi lamang ang ibinigay nito sa akin at saka ito mabilis na pumunta sa likod ko, kasunod noon ay narinig ko na lang ang pag tunog ng camera ng kanyang cell phone, kinuhaan niya ng litrato ang likuran ko, pagkatapos nun ay muli niya akong hinarap at inabot sa akin ang kanyang cell phone, kinuha ko naman ito at tiningnan, nakita ko na may apilyedo pala sa likod ng aking t-shirt, Fajardo.

“ano kanino 'yan” tanong niya sa akin, pansin ko ang pag labas ng biloy nito, marahil ay kinikilig ito para sa akin dahil sa maling akala niya, tsk!

“kay Fajardo?” pag pipilosopo ko sa kanya na ikinataas lang ng kanyang kilay, tsk hindi mabiro.

“okay fine, itong t-shirt na 'to pinahiram lang sa akin ng taga kabilang room, dahil nadumihan ang t-shirt ko” saad ko sa kanya, pero sa halip na sanay tigilan na niya ako ay lalo lamang ako nitong kinulit dahil sa madilim na naiisip nito sa kwento ko, hindi ko na lamang siya inimikan para matapos ang usapan, naupo na lang ako sa upuan na katabi niya, sa huli naman ay nanahimik din siya at naupo na rin sa katabi kong upuan.

Iginala ko ang aking paningin dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin, ilang linga pa ay natagpuan ko ang mga matang nakatingin sa akin, mga abong mata ni King, hindi ko alam pero agad kong iniwas ang aking paningin at saka muling ibinaling sa aking kaibigan.

Minuto ang lumipas, dumating ang aming guro kaya nag si tahimik ang lahat at bumalik sa kanya kanyang upuan, dalawang guro pa ang pumasok sa classroom namin bago namin narinig ang pag tunog ng bell, agad akong niyaya ni Tanya keso gutom na gutom na daw siya dahil daw sa teacher namin na hindi niya maintindihan ang tinuturo, sinisi pa talaga ang gutom niya sa teacher naman sa gen. Math, pagkarating namin ni Tanya sa cafeteria nag offer siya na siya na daw ang mag oorder, tinanguan ko na lamang siya ay saka na upo sa bakanteng upuan, habang inaantay ko si Tanya ay naisipan ko na mag basa ng novel na dala dala ko, nasa kalahatian pa lamang ako ng isang pahina nang may nag lapag ng tray sa may table na kaharap ko, kasunod nun ay naramdaman ko na lang ang pag upo ng isang tao, inangat ko ang aking ulo para tingnan ito, si Reian pala na pulang pula ang labi, ngumiti ito sa akin kaya nginitian ko rin ito

“pashare ako sa table ah” binibining binibing tanong nito sa akin, ewan ko ba sa taong 'to may time kasi na lalaking lalaki ang boses nya tas ngayon yung boses nya mas mahinhin pa ata sa boses ni Maria Clara, tumango lang ako sa kanya, ilang saglit pa'y dumating na rin si Tanya dala ang isang tray, naupo ito sa tabi ko, kaya madali ako nitong nasiko nang tingnan ko ito ay nginuso niya lamang si Reain

“ahh nga pala Reian, si Tanya pala kaibigan ko, Tanya si Reian pala” nakangiting saad ko

“Hi” bati ni Tanya kay Reian, ngumiti naman si Reian at saka ito binati pabalik, pag katapos nang pagpapakilala sa isa't isa ay inumpisahan na naming kumain, natapos ang 10 minuto na puro lamang kami kwentohan at tawanan, pinagtitinginan na nga kami ng iba dahil sa lakas nang boses ni Tanya, bumalik kami sa classroom na puro pa rin kwentohan at kulitan,

Mabilis na lumipas ang oras dahil agad na natapos ang klase at ngayon nga ay uwian na gusto ko sanang sabay kami ni Tanya kaso mag kaiba ang daan namin, habang nag lalakad ako sa may pasilyo ay may biglang humila sa braso ko na siyang aking ikinagulat

A-Ano ba bitawan mo 'ko” natatakot na utos ko sa taong humila sa akin, at saka akong napatingin sa braso ko, tama nga ako na lalaki ang humihila sa akin, base na lang sa maungat nitong kamay, titingnan ko pa sana ito sa mukha nang bigla ako nitong itulak sa loob ng kotse, kasunod nun ay mabilis rin itong sumakay at pinaandar ang sasakyan, inangat ko ang aking ulo para tingnan kung sino ito, tama nga ang hinala ko, si King ito

“ano bang problema mo?” napipikon na tanong ko sa kanya, kasi naman tahimik akong nag lalakad kanina tas bigla bigla niya akong hihilahin, tas ngayon hindi siya mag sasalita.

Hindi niya tinungon ang tanong ko, ano pa nga ba ang aasahan ko sa taong 'to, napakatipid mag salita, pansin ko nga na halos hindi rin ito pala imik kay Andrea

Ilang saglit pa ay huminto na ang sasakyang aming sinasakyan, nakarating kami sa aming pupuntahan na wala man lang imikan

“ano pang tinutunganga mo d'yan hindi ka pa bababa?” saad niya sa akin na hindi sa akin na katingin at saka ito bumaba sa kanyang kotse at saka malakas na isinarado ito

“King hindi mo man lang ba ako pag bubukasan?”  tanong ko sa kanya,  tulad kanina ay hindi ako nakakuha ng sagot mula dito, tinulak ko ang pintuan ngunit ayaw mabuksan, sinipa ko pa nga ito ngunit ayaw talaga, kainis paano ba buksan ang kotseng ito, sa pagkakatanda ko ito pa lamang ang unang beses na nakasakay ako sa isang kotse

Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa kotseng iyo basta ang natatandaan ko nakatulogan ko na ang pag iisip kung paano bubuksan ang pintuan, nagising ako dahil naramdaman ko na may nag bubukas ng butones ng aking uniform, kaya naman mabilis akong napabangon at saka nag lilikyaw dahil sa gulat, tiningnan ko kung sino ang kasama ko sa kwarto, si King pala

“ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” naiinis na tanong ko kay King ngunit nginisian lamang ako nito, tiningnan ko siya ng masama.

“tss” ngisi nito sa akin

“arte akala mo babae, akala mo may dede” saad nito bago tuluyang lumabas sa kwarto, bwiset.

teka kwarto? agad kong ginala ang paningin ko nasa kwarto nga ako, ang ganda at ang laki ng silid, ginala ko pa ang paningin ko hanggang sa makarinig ako ng pagkatok sa may pintuan naglakad ako palapit sa pintuan at saka ito binuksan

“ah sir nakahanda na po ang haponan” bungad na saad ng babae na sa tingin ko ay kasambahay, tumango ako sa kanya

“ganun po ba? sige po maghihilamos lamang ako” sagot ko dito, pag katapos naman noon ay umalis na rin ito, sinarado ko na ulit ang pintuan at saka bumalik sa kama, napatingin ako sa isang damit na nakapatong sa kama, kinuha ko ito at tiningnan ng mabuti, katulad ito ng suot kanina ng babaeng kumatok sa kwarto, kaya ba ako dinala ni King dito kasi may balak siyang gawing katulong ako, at may balak pa ata ito kanina na paltan na agad ako ng damit na pang katulong, binalik ko na lang 'yung damit sa pinag kuhaan ko nito at saka ako tumayo at pumasok sa cr, tulad nga ng sinabi ko sa kasambahay kanina ay nag hilamos ako, pagkatapos nun ay agad na rin akong lumabas ng kwarto at saka bumaba, nasa second floor pala ang kwarto ko

Nang makababa ako ay may nakasalubong akong katulong sinamahan ako nitong makapunta sa Dining area, nang makarating kami doon ay kumakain na si King, umupo na lang ako sa upuan at saka akmang sasandok ng pagkain ng sitahin ako ni King

“teka, kakain ka na agad e wala ka pang nagagawa, mag trabaho ka muna” saad nito sa akin at saka tumingin sa damit ko, hindi ko kasi sinout 'yung pangkatulong na damit sa kwarto

“Ahh, Manang Carmen, paki asikaso naman po ng bagong hired nating yaya” baling nito sa isang katulong diniinan pa niya talaga ang salitang yaya, agad namang lumapit sa akin 'yung manang carmen at saka ako inaya, pag katayo ko ay binulangan ako ng katulong na ito-tour niya daw ako sa loob ng bahay

“mabulunan ka sana” inis na bulong ko sa hangin bago umalis sa dining area.


MY BULLY FUTURE HUSBAND | To Be Published Under Etlux Oc Publishing Inc.Where stories live. Discover now