MBFH - 46

3.6K 201 13
                                    

MBFH - 46

KING 'S POV

Pag kagaling sa Hospital agad din kaming umuwi, nandito kami ngayon sa loob ng kotse, kami lang tatlo, ako si Mom at si dad, sila Kint naman ay nag pasundo gamit ang van nila

"May hermaphrodite pala talaga noe?" manghang mangha saad ni mom kaya naman napatingin ako sa kanya, bagamat nasa unahan siya at katabi ni dad kitang kita ko pa rin ang reaction ni Mom sa salamin

"Ang buong akala ko ay sa halaman at hayop lang iyun, hindi ko naisip na puwede rin pala yun sa tao" pag papatuloy niya pa na batid sa kanyang mukha ang saya

hindi naman ako tumutugon sa sinasabi niya at nanatili akong tulala, batid ko rin na si dad ang kausap niya

"Anong masasabi mo baby sa pag bubuntis ni Kint?" baling sa akin ni Mom, kaya gulat naman akong tumingin sa kanya kasi tinawag akong baby ni mom, kasi ngayon niya lang ulit ako tinawag na baby simula noong nag panggap akong may amnesia, para malaman kung sino nga ba ang may gawa noon kay Kint, yun ang sinabi ko sa kanina noon na gusto kung malaman kung sino ang may gawa ng aksidente na yun kay Kint pero hindi nila alam yung pinaka una kung dahilan kaya ko ginawa iyun, nag panggap akong may amnesia, para hindi nila ako kaawaan dahil batid ko na kaka awaan nila ako kung hindi ko iyun ginawa,  dahil sa nag karoon ng amnesia si Kint, lahat ng mga taong importante sa kanya nawala, lahat ng alaala niya na kasama niya ako nawala, at ngayon na nakaka alala na siya hindi ko na alam ang gagawin ko batid kung sinabi ko noon na kapag nakaka alala na siya ay babawi ako, pero ngayon natatakot na ako

"King kinakausap ka ng mommy mo" usal ni dad kaya naman nawala ako sa malalim kung pag iisip

"Masyado atang malalim ang iniisip mo anak?" tanong sa akin ni mom

"Hindi ka rin ba makapaniwala na mag kaka anak na kayo ni Kint, na mamaari din siyang mag buntis" tanong sa akin ni mom sabay ngiti kaya naman nag pilit na ngiti na lamang din ako sa kanya

Naka rating kami sa bahay na hindi ako nag sasalita buti na lamang at hindi na ako kinulit ni Mom

Andito ako ngayon sa aking kuwarto, dito kasi ako agad na nag tungo pag kababa ko kanina sa kotse ni hindi ko na ngang nagawang sumabay sa kanila sa pananghalian kahit na naka ilang katok na yung made namin sa tapat ng kuwarto ko

Bukod kasi sa wala akong ganang kumain sigurado din ako na kukulitin ako ni Mom at Dad sa pag bubuntis ni Kint

Nawala ako sa aking pag iisip ng biglang nag vibrate ang cellphone ko na nasa aking bulsa , kaya naman inis kung kinuha yung cell phone ko at saka tiningnan kung sino yung caller nag taka pa ako ng number lang iyun at hindi naka save sa contact ko , kaya naman alinlangan ko iyung sinagot yung tawag. Habang nag lalakad patungo sa upuan ng study table ko

"Hello" bati ko sa kabilang linya ng maka upo na ako

"Hello" bati ko ulit ng hindi man lang sumagot yung nasa kabilang linya kaya naman napailing na lamang ako

Papatayin ko na sana yung tawag ng makarinig ako ng buntong hininga sa kabilang linya

"Bro..!" panimula nung nasa kabilang kaya naman umintig yung panga ko ng makilala ko ang boses sa kabilang linya

"Tatanong ko lang sana kung kasama mo si Kint, Hindi kasi kayong dalawa pumasok" tanong niya sa akin kaya naman napasuntok na lang ako sa hangin, ano bang pake alam niya kung mag kasama nga kami

MY BULLY FUTURE HUSBAND | To Be Published Under Etlux Oc Publishing Inc.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon