CHAPTER 29

3.5K 204 15
                                    

KINT....

Andito ako ngayon sa aking kwarto di ako makapaniwala na isasali ako ni ma'am paano kaya ako mananalo eh panget ako ano yun katulad ng mga nababasa ko sa wattpad na pag may contest maisasali si nerd tas mag ma-make over tapos magugulat sila kasi cute pa lang yung nerd Hahha nakakatawa nasa reality ako kung pide nga sana ganun nga kaso nasa realidad ako at saka hindi yun mag yayari sa wattpad lang

Napa upo na lang ako nababaliw na ata ako ang dami ko na ngang iniisip dumagdag pa tong Binibining ikatlong lahi Whooo as in punong puno na yung utak ko sa dami kung iniisip sa tingin ko nga nasa isa akong libro tas isa ako sa mga bida Hahaha Kung ganun sana kung nasa isang libro lang ako at isang karakter sana hiniling ko na lang sa Author na taposin na yung mga problema ko na tapusin nya na rin yung kwento ko pero katulad nga ng sinabi ko nasa Reality ako wala ako sa Libro hindi ko mababago yung mga nag yari at mag yayari

Nahagip ng tingin ko yung Cellphone na binigay sa akin ni King iPhone ito di ko naman alam paano ito gamitin saan ba to bubuhayin may remote ba to? agad kung tiningnan sa box na pinag lagyan kung may kasama ba tong box pero wala naman saan ba to pipindutin? e screen yung nandito may secret password ba dito? pinindut pindot ko yung screen nag baba kasaling mabuhay pero hindi, ah alam ko na ika ko sa aking sarili at saka nilapag yung cellphone sa aking kama

'Mekeni Mekeni Dugdug Doremi. Mekeni Mekeni Dugdug Doremi' Ika ko na nag babakasakaling iyun ang password pero ayaw bumukas

Haist paano ba kasi ito? tanong ko sa aking sarili nawala ako sa aking pag iisip ng makarinig ako ng tawa mula sa may pintuan kaya naman gulat akong napatingin doon si King pala na nakatingin sa akin lumapit naman ito sa akin pag kalapit nito sa akin ginulo nito yung buhok ko

"Akin na ganto yan!" Ika ni King na ngayon nga ay naka upo na rin sa kama ko na katapat ko

"Ah wag na marunong naman ako!" Sagot ko dahilan para ikatawa nya marunong ahhh

"Pero kanina nag 'Mekeni Mekeni Dugdug Doremi. Mekeni Mekeni Dugdug Doremi'" Ika nito sabay tawa di ko na lang pinansin

"Akin na nga ganto kasi!" Siya sabay kuha ng Cellphone ko

pag kakuha nito sa akin may pinindot lang ito sa gilid ahh diko nakita yun ah

Maya maya pa umilaw na yung Cellphone wow as in wow

Si King tawa ng tawa bago ito umalis tinuro nya muna sa akin bago ito gamitin may alam na rin ako kahit pa paano pero syempre hindi ako sanay

tinabi ko muna yung cellphone at saka ako naligo  ng malamigan yung ulo ko

pag katapos kung maligo ay naisipan kung bumaba gusto kung iminom may tubig naman ako sa kwarto pero hindi malamig

Pag baba ko napatingin ako sa labas gabi na pala

Agad akong dumiretso sa pupuntahan ko at saka ko kinuha yung dapat kung kuhain tataas na sana ako ng makarinig ako ng boses na parang nag pipigil ng galit dahil na curious ako agad akong lumapit doon at saka nakinig ng makilala kung kay King na boses ito alam kung mali pero pakiramdam ko ay may malalaman na naman ako sa mga oras na ito

"Pwede ba andrea tumigil ka na, sinabi ko na sayo ang lahat, kaya wag ka ng mag habol pa!" Ika ni king sa kabilang linya alam kung galit na galit ito, nag aaway pala sila ni Andrea

"Fuck! Andrea! wag mong gagawin yan!" Ika ni king

"Ako ang makakalaban mo sa oras na saktan mo si Kint!" Sagot ni King ano bang pinag uusapan nila at nadamay ang pangalan ko

Umalis na agad ako ng mapansin na lilingon ito sa gawi ko

Ano yun? ano yung mga narinig ko masyado na akong maraming nalalaman pakiramdam ko talaga sasabog na yung utak ko

MY BULLY FUTURE HUSBAND | To Be Published Under Etlux Oc Publishing Inc.Where stories live. Discover now