CHAPTER 27

3.5K 186 9
                                    

KINT...

Sabado nga pala ngayon kaya walang pasok ano na naman kaya ang pide kung gawin dito? nabobored na ako

maya maya pa naisipan ko na lang na bumaba para mag halaman gusto kung mag tanim ng mga halaman sa mga gilid ng mansyon

pag baba ko na abutan ko si Manang Celia na lang ang mag didilig ng halaman pero hindi ito pumayag wala naman akong magawa nag tungo na lang ako sa kusina kakain na lang ako pag dating ko sa kusina na abutan ko si Manang Isabel na nag luluto sinabi kung ako na tumanggi pa ito pero hindi ako nag patalo wala rin naman kasi akong gagawin dito ayaw ko lang na tumunganga maiisip ko lang yung mga sinabi ni King habang nag luluto kami nakarinig kami ng ingay sa labas kaya agad kaming napatingin ni Manang Isabel doon pag tingin namin si Tita marga pala lumapit ito sa akin at sakanakipag beso

"Wow ang bango naman nyan mukha masarap mukha dito na naman kami mananang halian ng asawa ko!" ika ni tita at saka kinuha sa akin yung sandok at saka siya na ang nag sandok

Sa halip na sumagot ay nginitian ko na lang ito

"Musta dito?" tanong nito
"Balita ko may exam kayo good luck!" ika pa nito

"Thank you po tita!" pasasalamat ko

"Kain na tayo wait tawagin ko lang si Franz na sa may garden kausap si manong bert!" Ika nito sa akin at saka umalis

Pag balik nila sakto naman ang pag baba ni King mula sa taas agad akong nag iwas ng tingin sa kanya diko kasi alam kung biro lang yung sinabi nya o talagang totoo

Himala nga at sumabay ito sa amin

"Ahm tita thank you po sa pag punta!" Pasasalamat ni King ahh sya pala ang nag papunta dito

"Wala yun hijo para saan ba?" tanong ni tita

"Pwede po bang maka usap kayong dalawa lang?" tanong ni king at saka tumingin sa akin tumango naman sila tito at tita

Ngumuso naman si tita na parang pinapa alis ako ano bang pag uusapan nila at kailangan ko pang umalis

wala akong nagawa at tumayo na lang ako at saka nag lakad pa akyat gutom pa naman ako hindi pa ako nakakalayo sa pwesto nila king nag maisipan kung bumalik gusto ko lang marinig yung pag uusapan nila alam kung mali yung ginagawa ko pero bahala na

"I have something to say"
panimula ni King

"I Have no amnesia sorry I lied" ika ni king napansin ko naman na napatakip sa kanyang bibig si Tita marga pinag sasabi nila wala naman talagang amnesia si King

"Talaga hijo? jusq! bat ngayon mo lang sinabi to sinabi mo na ba to sa mom mo?" halatang gulat na gulat si tita

"Hindi pa po tita pero nasabi ko na po kay Kint!" Sagot naman ni King na halatang lumungkot yung boses

"Anong sabi hijo? nakaka alala na ba ulit yung anak ko? naalala na ba nya kami?  yung kuya nya na ala ala nya?" sunod sunod na tanong ni tita

"Hindi pa po tita! hanggang ngayon wala pa ring naalala si Kint!" sagot naman ni King

Agad akong umalis sa pwesto ko sumasakit na naman yung ulo ko ano ba yung mga sinasabi nila may mga hindi ba ako alam? anong hindi ko alam sa nakaraan Totoo kayang nag ka amnesia ako? kailangan kung malaman ang totoo pag akyat ko sa kwarto agad akong humiga pag katapos nun tumayo agad ako pupunta ako kung saan para makapag isip isip

Pag baba ko wala na dun sila tito at tita maging si King wala na sila asan ba sila?

Lumabas na lang ako medjo magulo pa yung buhok ko may dala rin akong aklat para pag nainip ako mamaya may mabasa ako sout ko rin yung salamin ko di ko naman ito tinatanggal kahit na hindi naman talaga  malabo yung mata ko, Tas yung sout ko pants yung pang P.E sa school wala kasi akong makitang pantalon kaya yun na lang ang sinout ko at saka isang long sleeves

MY BULLY FUTURE HUSBAND | To Be Published Under Etlux Oc Publishing Inc.Where stories live. Discover now