CHAPTER 37

2.8K 169 11
                                    

KINT.....

Malakas na tawanan yung naririnig ko habang naka upo ako dito sa gilid ng pool

Nandito kami ngayon sa bahay nila Charles dito kasi ginanap yung celebration sa pag kapanalo ko

Nagulat pa ako ng biglang lumapit sa tabi ko si Xyrill

Umupo din ito katulad ng pag kaka upo ko naka  baba yung paa sa pool

medyo matagal na rin pala yung huling usap namin

"Musta?..." tanong nito

"....btw Congrats!" bati nito

Ngumiti muna ako sa kanya bago sumagot

"Okay lang ako at saka salamat!" sagot ko naman

"paano na yan! Marami na akong kaagaw ngayon sayo!" ika nito kaya naman gulat akong napatingin sa kanya

"Ano?" gulat kung tanong

sa halip na sagutin nito ang tanong ko ginulo lang nito yung buhok ko

"Wag mo ng intindihin yun!" sagot niya at saka ginalaw galaw yung paa sa ilalim ng pool

"Okay!" yun na lang ang nasabi ko

"Ligo tayo!"  Aya nito pero tumanggi ako gabi na kasi 8:30 pm natapos yung pageant kanina tas dito agad kami dumiretso kasama ang boung section A1

"Bilis na!" Pilit pa nito at saka ako binasa basa

"Ahhgh! Xy malamig!" Sigaw ko dahil basa na ako

ang luko tumawa lang pati yung iba naming kaklase binabasa na rin ako

kaya ngayon basang basa na ako habang sila tawa ng tawa

pero iba na yung tawa nila hindi na tawang plastik

Nagulat ako ng humawak sa paa ko kaya napasigaw ako

"Ahhhhh tulong!" sigaw ko

tiningnan ko kung sino yung humihila sa akin sa Xy pala diko namalayan na nakababa na pala ito sa pool

Sa pag hila niya nahulog tuloy ako bagsak ang katawan namin parehas sa pool pa lubog sa tubig ang katawan namin

Sa mga oras na yun wala akong naririnig kundi ang pag pintig ng tibok ng puso ko  napaka lakas noon na umi eco sa ilalim ng tubig

Paano ba naman kasing hindi bibilis ang tibok ng dibdib ko e ang pag kaka alam ko nahulog ako sa pool kakahila ni Xy at dumag -an ang katawan ko sa katawan niya pero hindi ko inaasahan na mag lalapat ang mga labi namin

Hindi ako maka galaw di rin ako maka hinga, Aahon na sana ako pero di ko magawa dahil naka kapit pala ito sa akin

bahagya ko itong tinulak pero di ko magawa kasi lalo lang nitong hinigpitan ang pag kakakapit sa akin

hindi na ako maka hinga paki ramdam ko mawawalan na ako ng malay

inipon ko yung lakas ko para itulak sya at sa wakas nagawa ko naman iyun

habol hininga akong umahon

Bahagya akong lumangoy para maka ahon sa pool

Napatingin ako sa mga kaklase ko na naka tingin sa akin tumingin ako sa gawi  ni Xy mula dito kitang kita ko itong nasa ilalim pa rin ng pool at ngayon ko lang nakita na kitang kita pala ang ginawa namin ni Xy kaya agad na namula ang mag kabila kung pisnge dahil sa hiya nag lakad na lang ako palayo sa kanya, nakakahiya talaga

Dumiretso ako sa Cr nila para mag hilamos at mag banlaw

yun ang problema wala pala akong dalang damit tas na basa pa muli kung sinout yung hinubad ko at saka lumabas

MY BULLY FUTURE HUSBAND | To Be Published Under Etlux Oc Publishing Inc.Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang