MBFH - 50

2.8K 160 7
                                    


MBFH - 50

KINT 'S POV

"Yun ang hindi mo alam Kint, Mag kapatid tayo, ate mo ako" sagot sa akin ni Andrea, kaya naman natigilan ako, naguguluhan na ako

"Paanong... paano ng yari?" kinakabahan kung tanong sa kanya, paanong naging mag kapatid kami, gumagawa lang ba siya ng storya? pinapaikot lang ba niya ako?

"Mamaya ko na sasabihin, malalate na tayo sa kasal ko" 'yun na lang ang sinabi niya sa akin at pilit na pinapasout ang puting tuxedo

"Paano kung ayaw ko, may magagawa ka ba?" lakas loob na sabi ko sa kanya

"Oo" mabalis niyang sagot sa tanong ko, huh anong magagawa niya?

"Ano?" tanong ko sa kanya, nakita ko naman itong ngumuti sa akin, bago muling mag salita

"papa kaladkad kita?" patanong na sagot niya sa akin, teka ipapakaladkad, nasisiraan na ba talaga siya? maya maya pa may kinuha siya sa kaniyang bag, isa iyung cell phone

"Hello, ayaw sumama ni Kint, paki tulungan naman ako, pake kaladkad si Kint dito" sabi nito sa kabilang linya, ng sagutin nito ang tawag niya, ilang saglit pa narinig ko na lang ang malakas na pag bukas ng pintuan ng kuwarto ko, sinirado ko nga pala iyun kanina

"Xyrill" bulong ko ng makita ko ang lalaking siyang muling pumasok sa kuwarto ko, Ang gulo, nanaginip lang na ako?

"Kint" tawag nito sa akin, natigilan pa ako bago ako mag salita

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya, mag kasama ba sila ni Andrea, anong palabas ito?

"Kakaladkadin kita?" sagot niya sa akin na ikinalito ko

"Ahh- ayaw ko ngang sumama" ngayon ay namamaos na ako, dahil dahil sa pag liit ng boses ko

"Sumama ka na, inaasahan ka ng daddy mo na darating ka doon" sabi niya sa akin, nag mama kaawa ang boses niya, naawa ako pero, ayaw ko talagang sumama sa kanilang dalawa kaya humugot muna ako ng malalim na hininga bago muling mag salita

"Ayaw ko nga ba't ba ang kulit mo ang akala ko naka alis ka na ng bansa, ano pang ginagawa mo dito" galit kung tanong sa kanya, ba't parang ng isang araw lang, nag paalam ito sa akin, tas ngayon anong ginagawa niya dito

"Sumama ka na lang kasi" pag pupumilit pa nito sa akin, dahilan para mapa iling ako

"Ayaw ko" para na akong bata dahil sa pag sagot ko, umiiling iling pa ako, para akong batang inaagawan ng isang laruan na ayaw kung ibigay

"Sumama ka na lang kasi kapatid ko my ghod ah, wag ka ng mag inarte, tadyak gusto mo?" biglang singit ni Andrea, ang akala ko wala na 'to dito, andito pa rin pala at naka higa ang babaeng ito, ang nakaka asar pa, habang sinasabi niya yun nangungulangot siya, hindi ko tuloy alam kung matatawa ako, o hindi dahil sa pinag gagawa ni Andrea

Ilang segundo rin kaming natahimik ng may ibang boses ang tumawag sa pangalan ko, Ang bestfriend ko ng may Amnesia pa ako, si Tanya na naka sout din ng puting dress

"Kint" tawag nito sa akin at saka lumuhod para mayakap ako, naka upo na kasi ako sa sahig

"Tanya" bulong ko habang umiiyak

"Sumama ka na Kint, Gusto ng daddy mo na andun ka" ika niya sa akin na ngayon, nga ay umiiyak na rin siya ngayon

"Ayaw ko nga" sagot ko sa kanya, na aasar na talaga ako sa kanila, bat ba nila pinipilit nila akong pumunta sa buwiset na kasal na 'yun, para ano? para mas masaktan lang ako, para ipamukha sa akin na ikakasal na si Andrea

MY BULLY FUTURE HUSBAND | To Be Published Under Etlux Oc Publishing Inc.Where stories live. Discover now