MBFH - 12

5.8K 317 3
                                    

MBFH -12

KINT'S POV

Nagising ako dahil sa ingay na nang gagaling sa labas ng aking kwarto

"Sir Kint handa na po ang agahan" narinig kung tawag ni Manang Carmen sa labas

"ahh, sige po manang susunod na"  sagot ko sa kanya, narinig ko naman ang mga yapak neto palayo sa aking kwarto

Agad kung hinanap sa kwarto ko si King  ng maalala ko ang nag yari ka gabi ngunit wala na ito doon, tiyak na maaga itong nagising at maaga ding lumabas ng aking kwarto

muntikan na talaga 'yun bat ba ako nag padala sa lalaking yun? pag uusap ko sa aking sarili, Bat ba hindi man lang ako tumutul sa ginawa, bakit ako tumugon sa mga halik niya na sa halip na tumutul ako, bakit ako nasarapan at nasiyahan

"Sir" tawag na naman ni Manang, akala ko ay naka alis na siya, kaya tumayo na ako at saka sinabi na susunod na ako

Agad kung binuksan ang pintuan ng aking kwarto at saka bumaba pa punta sa dining area, nakaka hiya din naman kay manang kapag nakatatlong balik na ito sa aking kwarto

Pag punta ko sa Dining area, na abutan ko doon si King na naka upo at hindi man lang ginagalaw ang kanyang pag kain, nagulat ako na kinakabahan

Nang makita ako nito agad itong ngumisi sa akin, kaya nag dadalawang isip ko naman itong sinuklian nginitian

"Kamusta ang tulog mo?"  tanong nito sa akin ng makaupo na ako sa harapan niya, nagulat naman ako sa tanong niya bakit naman kaya kinakamusta nang lalaking ito ang tulog ko

Dahan dahan akong tumingin sa kanya, andun pa rin ang kaba. Nakita ko naman itong nakangising naka titig sa akin, gusto ko sanang makipag titigan sa kanya ngunit hindi ko kaya dahil ako rin ang unang bumitaw

"O-Okay, lang n-naman"  walang ka buhay buhay kong sagot ng ma alala ko ang pag suka nito sa aking dibdib samahan  pa na tinulugan ako nito, nakakainis.

Hindi naman ito sumagot sa sinabi ko kanina at na natili  lang syang nakangisi, bakit ba lagi siyang nakangisi ngayon?

Napapa isip na nga ako kung hindi ba na ngangalay ang lalaking ito sa kanyang pag ngisi

"saka nya pala,  bilisan mo ang pagkain, ako na lang ulit ang mag hahatid sayo"  nag angat ako sa kanya ng tingin, may kunting kasiyahan sa akin pero agad ding nawala 'yun ng muli siyang mag salita

"Wala dito si Manong Bert" dagdag niya sa sinabi niya, kaya pala

Mabilis na lumipas ang mga oras at ngayon nga ay nasa loob na ako ng kanyang kotse, hindi ko nga alam kung paano ko pa nalunok 'yung pag kain ko

Tahimik lamang naming binaybay ang daan patungo sa aming school na pinapasukan

Kung hindi siya mag sasalita, hindi rin ako mag sasalita, baka kasi pag ako ang unang nag salita ay hindi naman niya ako pansinin at mapahiya lamang ako

"King, bat hindi mo ako doon binaba" tanong ko kay King nang mapansin na nilampasan nito ang kanto kung saan niya ako binaba, hindi ko naman talaga sana siya sasalitaan e kaso nilampasan niya 'yung kanto kung saan niya ako dati binababa

MY BULLY FUTURE HUSBAND | To Be Published Under Etlux Oc Publishing Inc.Where stories live. Discover now