King's Pov |part I

1.9K 57 2
                                    

KING 'S POV

Ako si Mattheus King Devereaux, ang tingin sa akin ng iba ay masamang tao, dahil sabi nila ay Bully daw ako, ang totoo hindi naman talaga ako bully, sa kama Oo Bully ako, dahil masasaktan talaga kita pagdating sa kama.

Hindi na ako nagulat ng sabihin ng nila Mommy at Daddy na naka handa na ang kasal naming dalawa ni Kint, pero si Kint ay halata mong gulat na gulat ito, hanggang ngayon ay wala pa rin siyang naalala, meron tuloy sa akin na nag tatampo ng kunti sa kanya.

Nag panggap na lamang din akong nagulat sa balitang sinabi nila mommy dahil ang alam din nila ay mayroon pa rin akong Amnesia, oo may amnesia ako pero hindi ito katulad noong kay Kint dahil 'yung aking ay Retograde Amnesia lamang kung saan hindi ko maalala 'yung mga bagay kung bakit ako nag ka amnesia pero mabilis din naman akong naka recover sa amnesia na 'yun.

Noong unang araw ng klase, late ako sa kadahilanang nasiraan ako nang sasakyan, buti na lamang ay medyo maranong ako sa mga sasakyan kaya naman na ayos ko din ito kalaunan

Nang papasok na ako sa Classroom nakita kung nauna pa sa akin ang aking teacher kaya sumunod na lamang ako, napa kunot pa nga ang aking noo dahil nag tatawanan ang aking mga magiging kaklase agad kung nilibot ang aking paningin at doon ko na hanap ang aking hinahanap pinupulot nito ang kanyang mga aklat na nahulog, tsk nerd.

Ilang saglit lang ay narinig ko ang tilian ng mga kaklase ko, hindi na naman bago sa akin 'yun last year ay ganun din sila, umupo ako noon sa kalapit ni Andrea, girlfriend ko daw, 'yun ang pakilala niya sa akin, hindi niya alam na nakaka alala na naman ako, kaya naman sinakyan ko na lamang ang kalukuhan niya.

Binigyan ko pa noon ng masamang tingin si Kint, para mainis ito sa akin.

Nang oras ng Recess sinadya kung mag pa ewan para kausapin siya, gusto kung sabihin sa kanya na huwag niyang ipag kalat ang tungkol sa amin, wag niyang sabihin sa iba na soon ay magiging mag asawa kami, para din naman sa kanya iyun, ayaw ko na baka makarinig siya ng mga masasakit na salita mula sa ibang estudyante baka lalong dumami ang mga nambubully sa kanya, sinadya ko ring hindi siya isabay ng sa ganun ay walang maka kita sa amin.

Noong ikalawang araw ng pasukan ay hindi ko sinasadyang matamaan siya ng bola ng araw kasing iyon ay nag lalaro kaming mga mag kakaibigan na sila Charles at Nico na nakilala ko noong grade 9 na naging mga kaibigan ko na rin ng nakalaunan.

Ng pumasok ako noon sa classroom merong mga babaeng nag papa - cute sa akin pero hindi ko sila pinansin dahil agad kung nilibot ang aking paningin para hanapin si Kint napa kunot ang aking noo ng hindi ko ito makita

Umupo na lamang ako sa aking upuan, ngunit ang aking mata ay naka tingin pa rin sa pintuan para tingnan ang pag pasok ni Kint

Ilang minuto rin akong nag antay ng mamataan ko ito kasama ang taong kina mumuhian ko, kasama niya si Reian ang Ex ko at dati ko ring kaibigan, naging kami noong grade 6 pa lamang ako siya ang may kagustohan ng bagay na 'yun nalaman niya kasi naman gusto ako sa kapatid niya na si Kint, tinakot niya ako na ipag kakalat daw niya na bakla ako kapag hindi naging kami. Doon ko nalaman na Bisexual pala si Reain samantalang ako ay hindi naman talaga ako bakla, siguro? Dahil kay Kint lamang naman ako nag kagusto na isa ding lalaki, siguro nga ay bakla ako. nag kahiwalay kami ni Reian noong nag grade 7 kami dahil nag paramdam na ako noon kay Kint at naging kami rin naman

Nakita ko ang takot ni Kint ng tingnan ko siya ng masama, ng araw ding iyun ay kung ano ano na lamang ang aking naibulong dahil sa inis.

Ng hapon, oras ng uwian inabangan ko ang pag daan ni Kint ilang saglit lang naman ay namataan ko ito agad ko itong hinila papunta sa Kotse ko, hindi ko alam na medyo napahigpit pala ang pag kaka kapit ko sa kanya dahilan para mamula ang kanyang kamay.

Ng makarating kami sa Parking Lot ng bahay namin ni Kint nagulat ako ng nag tanong ito sa akin kung hindi ko ba daw siya pag bubuksan ng pintuan, pero dahil naiinis ako sa kanya ng araw na 'yun hindi ko siya pinansin at iniwan na lamang siya sa loob ng kotse ko.

Ng maka pasok ako noon sa bahay ay agad akong dumiretso sa aking kwarto para mag palit ng damit at tanggalin ang aking sapatos, bago ako bumaba ay nilagay ko muna ang uniform na pina tahi ko para dalhin sa kwarto ni Kint, gusto ko siyang asarin ng mga oras na yun.

Ng matapos ay bumaba ako para tingnan si Kint nag tanong pa ako sa mga katulong kung nakita ba nilang bumasok ito dito sa loob, kinabahan ako ng sabihin nilang hindi pa daw pumapasok dito si Kint baka kasi ay umuwi na ito kinakabahan ako na baka mapaano pa ito kaya naman agad akong nag tungo sa aking kotse at napa hinga ako ng maluwag ng makita kung natutulog lamang pala ito, napatawa pa ako ng makita kung may kunting laway sa bandang baba niya.

Agad ko itong kinuha noon at saka binuhat para dalhin sa magiging kwarto niya, sinadya kung mag ka bukod ang aming kwarto dahil baka ano pa ang magawa ko sa kanya, baka mamaya ay maging Bully na nga ako.

Ng mailapag ko siya sa kanyang magiging kama ay agad kung tinangal ang kanyang sapatos ng maging cofortable siya at hindi rin madumihan ang bed sheet ng kama.

Palabas na sana ako ng mapansin kung nangangati siya sa kanyang sout na damit at pinag papawisan kaya naman napag pasyahan ko na hubarin na lang ito at paltan siya ng damit na comfortable sa kanya tutal ay nakita ko na rin naman noon ang kanyang katawan

Nasa pangatlong butones pa lamang ako ng magising siya, narindi pa nga ako sa likyaw niya, kaya naman ng palabas na ako sa kanyang kwarto ay sinabi ko sa kanya na "Ang arte eh, akala mo babae, akala mo may Dede"

Ng oras ng haponan ay pinanindigan ko talaga ang pagiging katulong niya hindi ko siya noon pinasabay sa pag kain kaya naman ng mga sumunod na araw ay hindi ito sumabay sa akin.

Isang umaga ay nagising ito na sumabay na ito sa aking pag kain inalok ko siya noon nagulat ako ng hindi ito tumangi siguro ay dahil alam niyang malalate siya kapag nag inarte pa siya.

Patapos na ako noon ng mag tanong ito sa akin kung saan ba daw siya sasabay sinabi ko sa kanya na sa akin na lamang siya sumabay ayaw ko rin naman na madamay ang pag aaral niya at saka sisi Mang Berto ay nasa kabilang bahay.

"Ano ako tanga at ibaba ka sa mismong parking lot, anong sasabihin ng mga taong makakakita na sumakay ka sa kotse ko,? Ano na lang ang sasabihin ni A-Andrea huh" galit na tanong ko sa kanya noong nag tanong siya sa akin kung bakit ko ba daw siya binaba sa may kanto, hindi ko gustong sungitan siya ng mga oras na 'yun hindi ko gustong sigawan siya pero nagawa ko para din naman sa kanya, baka kasi kung anong pang magawa sa kanya ni Andrea.

Mahal ko si Kint pero kailangan kung sungitan siya para din sa kaligtasan niya alam ko na sinadya ang pag kaka aksidente niya noon, alam kung malapit sa kanya ang may kakagawan nun kaya kailangan ko siyang protektahan sa paraang alam ko, sa paraan alam kung hindi ko siya masyadong masasaktan.

A/N: Hello hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang naisipan na dagdagan ito ng chapter. Sabi ko sa inyo eedit ko siya pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin na eedit. Binasa ko kanina ang Chapter 1-5 kaya po naisulat ko itong Special Chapter na ito hindi ko alam kung hanggang ilang Special Chapter ito

Ginawa ko ito para hindi ko siya lagyan ng Book two at para din masagot ang mga katanongan ninyo sa story. Pasensya na po kayo kung medyo naguluha kayo sa takbo ng story nag sisimula pa lang kasi ako noon at nangangapa sa kung ano ang aking gagawin dito sa Story. Eedit ko pa rin naman po ito hindi ko lamang po alam kung kailan.

MY BULLY FUTURE HUSBAND | To Be Published Under Etlux Oc Publishing Inc.Where stories live. Discover now